29/07/2025
Narinig ko po ang SONA, at sa aking puso ay may kirot dahil tila nakalimutan ang ating mga kababayan na may espesyal na pangangailangan. Ang mga Person with Special Needs (PWSN) ay hindi dapat nakikita bilang pasanin, kundi bilang bahagi ng ating bayan na may halaga at may pangarap. They are not invisible; they are part of our nation’s heartbeat. Kapag hindi sila nabibigyan ng sapat na pansin, para bang sinasabi nating wala silang puwang sa kinabukasan na ating pinapangarap.
Hindi lamang po tulong pinansyal ang kailangan nila. Kailangan nila ng inklusibong edukasyon, ligtas at accessible na pampublikong pasilidad, sapat na serbisyong medikal, at mga oportunidad sa trabaho na tatanggap at magpapahalaga sa kanilang kakayahan. Inclusion is not charity, it is justice. Kung tunay nating hangad ang isang bansang walang iniiwan, hindi dapat sila naiisantabi.
Sila ay may kakayahan, may galing, at may pusong nais din maglingkod at magtagumpay tulad ng iba. Ngunit sa kasalukuyan, marami pa rin sa kanila ang nahihirapan makapag-aral, makahanap ng trabaho, at makakuha ng maayos na serbisyong medikal. Their struggle is real, and it is heartbreaking to watch when we know we can do better as a nation.
Nawa’y sa mga susunod na plano at hakbang ng pamahalaan, bigyang-pansin at isama ang kapakanan ng ating mga kababayang may espesyal na pangangailangan. Huwag po natin hayaan na sila ay manatili sa gilid ng lipunan. A strong nation cares for its most vulnerable, because true progress is when no one is left behind.