28/03/2026
🗓24MAR2026(Martes)
Isang matagumpay na online orientation ang dinaluhan nina Nurse Marga kasama ang mga nakatalagang DOH HRH (Nurses and Midwives) ng Rural Health Unit 3 - Malamawi. Layunin ng pagtitipong ito na pag-aralan ang mga Updated Guidelines at Reporting Forms ng Purokalusugan.
Mahalaga ang ganitong mga pagsasanay upang masiguro na ang ating serbisyo sa 8 barangay ay laging "up-to-date" at naaayon sa pinakabagong pamantayan ng Kagawaran ng Kalusugan.