Jomalig Rural Health Unit

Jomalig Rural Health Unit Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Jomalig Rural Health Unit, Medical and health, Jomalig.

19/10/2025

HEALTH ADVISORY ‼️‼️‼️

Dahil sa pagtaas ng mga kaso ng sakit tulad ng sipon, ubo, influenza like illness at severe respiratory infections lkatulad ng community acquired pneumonia, at alinsunod sa Executive Order No. DHT-60, mahigpit na ipinag-uutos ang pagsusuot ng FACE MASK sa lahat ng indoor settings, gayundin sa mga outdoor areas kung saan hindi nasusunod ang physical distancing.



Dahil sa papalit-palit na panahon na sinabayan pa ng dagsa ng mga tao sa pampublikong lugar, samu’t-saring sakit din tul...
18/10/2025

Dahil sa papalit-palit na panahon na sinabayan pa ng dagsa ng mga tao sa pampublikong lugar, samu’t-saring sakit din tulad ng influenza ang lumalaganap.

Alamin kung ano ang Influenza-like Illnesses at kung pano maiiwasan ito.

Sa sunod-sunod na sama ng panahon at bagyo, hindi biro ang magkasakit! Kahit sino ay maaaring madapuan ng W.I.L.D Diseas...
14/10/2025

Sa sunod-sunod na sama ng panahon at bagyo, hindi biro ang magkasakit! Kahit sino ay maaaring madapuan ng W.I.L.D Diseases, ito ay ang mga sumusunod na karamdaman:
(Waterborne & Food Borne diseases, Influenza, Leptospirosis at Dengue).

Sama-sama nating Alamin, Iwasan, at Sugpuin ang WILD diseases ngayong tag-ulan!

𝐌𝐚𝐭𝐚𝐠𝐮𝐦𝐩𝐚𝐲 𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐤𝐮𝐧𝐚 𝐄𝐬𝐤𝐮𝐰𝐞𝐥𝐚! ✨Lubos po kaming nagpapasalamat sa ating school nurse, school heads, at teachers m...
06/10/2025

𝐌𝐚𝐭𝐚𝐠𝐮𝐦𝐩𝐚𝐲 𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐤𝐮𝐧𝐚 𝐄𝐬𝐤𝐮𝐰𝐞𝐥𝐚! ✨

Lubos po kaming nagpapasalamat sa ating school nurse, school heads, at teachers mula sa iba't ibang paaralan na buong pusong tumulong sa ating programa para sa kalusugan at proteksyon ng ating mga mag-aaral sa Grade 1, Grade 4, at Grade 7.

Narito po ang tala ng mga nabakanuhan mula sa lahat ng barangay:
🌸 Grade 1 - 147
🌼 Grade 4 - 65
🌺 Grade 7 - 98

Para sa iilan pong hindi pa nabakanuhan, magkakaroon po ng “catch up vaccination” sa bawat barangay sa mga susunod na araw.

Maraming salamat po! ♥️

02/10/2025
18/09/2025

DOH: GENERICS NA GAMOT, LIGTAS AT MABISA KATULAD NG BRANDED

Abot-kaya ang generics na gamot. Epektibo at de-kalidad rin ito katulad ng mga gamot na branded.

Alinsunod sa Generics Act of 1988, paalala ng DOH:

✅ Dapat na may generic name ang gamot sa iyong reseta

✅ Dapat nakasulat nang malinaw at nakalagay sa itaas ng brand name ang generic name sa lahat ng labels, ads, at iba pang promotional materials

Tandaan: Kumuha lang ng mga gamot sa mga lihitimong health centers, klinika, at botika para makasig**ong ligtas ang gamot na mabibili o makukuha.




✨ 𝐁𝐚𝐤𝐮𝐧𝐚 𝐄𝐬𝐤𝐰𝐞𝐥𝐚 𝐎𝐫𝐢𝐞𝐧𝐭𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 ✨Maraming salamat po sa mga magulang at guardian na dumalo sa ating orientation tungkol sa ...
17/09/2025

✨ 𝐁𝐚𝐤𝐮𝐧𝐚 𝐄𝐬𝐤𝐰𝐞𝐥𝐚 𝐎𝐫𝐢𝐞𝐧𝐭𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 ✨

Maraming salamat po sa mga magulang at guardian na dumalo sa ating orientation tungkol sa pagbabakuna. Ang inyo pong suporta ay isang malaking hakbang upang matiyak ang kalusugan at proteksyon ng ating mga mag-aaral.

Lubos rin po ang aming pasasalamat kay Ma’am Bang Ortiz, ang ating masipag na school nurse, pati na rin sa ating mga school heads at g**o na naging katuwang namin sa matagumpay na programang ito.

Sama-sama po nating isulong ang isang ligtas at malusog na komunidad para sa ating kabataan! 💪

Kita-kits po ulit sa mismong araw ng bakunahan! ♥️

𝐁𝐢𝐛𝐨, 𝐁𝐚𝐭𝐚𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐤𝐮𝐧𝐚𝐝𝐨! 💪Narito po ang ilang impormasyon tungkol sa ating Bakuna Eskwela!Kung may iba pang katanungan, ma...
15/09/2025

𝐁𝐢𝐛𝐨, 𝐁𝐚𝐭𝐚𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐤𝐮𝐧𝐚𝐝𝐨! 💪

Narito po ang ilang impormasyon tungkol sa ating Bakuna Eskwela!

Kung may iba pang katanungan, mag-comment o mag-message lamang sa ating page.

Kita kits! ✨

📣 𝐁𝐢𝐛𝐨, 𝐁𝐚𝐭𝐚𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐤𝐮𝐧𝐚𝐝𝐨!𝐒𝐜𝐡𝐨𝐨𝐥-𝐁𝐚𝐬𝐞𝐝 𝐈𝐦𝐦𝐮𝐧𝐢𝐳𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧Inilunsad ng DOH katuwang ang DepEd, ang SBI ay naglalayong bigyang-pro...
14/09/2025

📣 𝐁𝐢𝐛𝐨, 𝐁𝐚𝐭𝐚𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐤𝐮𝐧𝐚𝐝𝐨!

𝐒𝐜𝐡𝐨𝐨𝐥-𝐁𝐚𝐬𝐞𝐝 𝐈𝐦𝐦𝐮𝐧𝐢𝐳𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧
Inilunsad ng DOH katuwang ang DepEd, ang SBI ay naglalayong bigyang-proteksyon ang mga mag-aaral laban sa mga sakit na maiiwasan sa pamamagitan ng bakuna.

Bilang pakikibahagi sa 𝐁𝐚𝐤𝐮𝐧𝐚 𝐄𝐬𝐤𝐰𝐞𝐥𝐚, inaanyayahan po ang mga magulang o guardian ng mga estudyanteng nasa Grades 1, 4, at 7 na dumalo sa ating orientation upang mas maipaliwanag ang mga layunin at benepisyo ng programang ito.

𝐒𝐞𝐩𝐭𝐞𝐦𝐛𝐞𝐫 𝟏𝟔 (𝐓𝐮𝐞𝐬𝐝𝐚𝐲)
🕗 8:00 AM – Talisoy Central Elementary School
🕙 10:00 AM – Casuguran Elementary School
🕐 1:00 PM – Apad Elementary School

𝐒𝐞𝐩𝐭𝐞𝐦𝐛𝐞𝐫 𝟏𝟕 (𝐖𝐞𝐝𝐧𝐞𝐬𝐝𝐚𝐲)
🕗 8:00 AM – Gango Barangay Health Station
🕙 10:00 AM – Bukal Barangay Health Station

Sama-sama nating protektahan ang kalusugan ng ating kabataan. Kita-kits! ✨

Maraming salamat po sa mga nauna nang mag-donate ng dugo ngayong umaga! Ang inyong malasakit ay malaking tulong para sa ...
04/09/2025

Maraming salamat po sa mga nauna nang mag-donate ng dugo ngayong umaga! Ang inyong malasakit ay malaking tulong para sa mga nangangailangan. ❤️

Lubos po ang aming pasasalamat sa mga kasama nating medical staff mula sa Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital and Sanitarium, sa pagbabahagi ng kanilang oras at kasanayan para sa matagumpay na pagsasagawa ng aktibidad na ito.

Gayundin, taos-puso ang aming pasasalamat sa Rhudarda Multi-Purpose Cooperative, sa kanilang buong suportang pakikiisa bilang aming sponsor.

Maraming salamat po! 🤗

📣 Tuloy-tuloy pa rin po ang ating blood donation hanggang 11:30AM! Sa mga di pa po nakakapag-donate, kata na po sa plaza! 👋

🩸 𝐇𝐚𝐧𝐝𝐚 𝐤𝐚 𝐧𝐚 𝐛𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐠𝐢𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐲𝐚𝐧𝐢? 🩸Para sa mga nais makibahagi sa ating Mobile Blood Donation bukas, narito ang mga paal...
03/09/2025

🩸 𝐇𝐚𝐧𝐝𝐚 𝐤𝐚 𝐧𝐚 𝐛𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐠𝐢𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐲𝐚𝐧𝐢? 🩸

Para sa mga nais makibahagi sa ating Mobile Blood Donation bukas, narito ang mga paalala bago mag-donate ng dugo:

✅ Wag uminom ng alak sa loob ng 24 oras
✅ Wag manigarilyo o mag-vape sa loob ng 4 oras
✅ Matulog nang 6 oras o higit pa
✅ Kumain ng almusal
✅ Uminom ng maraming tubig

Kung may katanungan, 'wag mag-atubiling mag-comment, o mag-message sa ating page.

𝐓𝐚𝐫𝐚 𝐧𝐚, 𝐉𝐨𝐦𝐚𝐥𝐢𝐠!
𝐌𝐚𝐠-𝐝𝐨𝐧𝐚𝐭𝐞 𝐧𝐠 𝐃𝐮𝐠𝐨, 𝐌𝐚𝐠𝐥𝐢𝐠𝐭𝐚𝐬 𝐧𝐠 𝐁𝐮𝐡𝐚𝐲! ✨

Marami pa rin ang naniniwala sa iba’t ibang haka-haka tungkol sa blood donation. Kaya naman, narito ang paliwanag upang ...
01/09/2025

Marami pa rin ang naniniwala sa iba’t ibang haka-haka tungkol sa blood donation. Kaya naman, narito ang paliwanag upang mabigyang-linaw ang ilan sa mga ito.

Kung may katanungan, 'wag mag-atubiling mag-comment, o mag-message sa ating page.

🩸 𝐌𝐨𝐛𝐢𝐥𝐞 𝐁𝐥𝐨𝐨𝐝 𝐃𝐨𝐧𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧
🗓️ 𝐒𝐞𝐩𝐭𝐞𝐦𝐛𝐞𝐫 𝟒, 𝟐𝟎𝟐𝟓 | 𝐓𝐡𝐮𝐫𝐬𝐝𝐚𝐲
⏰ 𝟕:𝟎𝟎𝐀𝐌–𝟏𝟏:𝟑𝟎𝐀𝐌
📍 𝐉𝐨𝐦𝐚𝐥𝐢𝐠 𝐌𝐮𝐧𝐢𝐜𝐢𝐩𝐚𝐥 𝐂𝐨𝐯𝐞𝐫𝐞𝐝 𝐂𝐨𝐮𝐫𝐭

Kita kits! ✨

Address

Jomalig

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+639155877050

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Jomalig Rural Health Unit posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to Jomalig Rural Health Unit:

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram