30/05/2022
๐๐๐ฆ๐๐๐๐ก | ๐๐ฒ๐ฝ๐๐ฑ, ๐ต๐๐บ๐ถ๐ต๐ถ๐ธ๐ฎ๐๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐๐ถ๐๐ถ๐ฝ๐ฎ๐๐๐ผ๐ป ๐๐ฎ ๐ด๐น๐ผ๐ฏ๐ฎ๐น ๐๐ผ๐ฏ๐ฎ๐ฐ๐ฐ๐ผ ๐ฐ๐ผ๐ป๐๐ฟ๐ผ๐น ๐บ๐ฒ๐ฑ๐ถ๐ฎ ๐ฐ๐ผ๐บ๐ฝ๐ฒ๐๐ถ๐๐ถ๐ผ๐ป
Mayo 27, 2022 โ Iniimbitahan ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ang mga mag-aaral, g**o at kawani ng DepEd, at iba pang mga interesadong indibidwal o grupo na sumali sa 2022 Global Media Competition (GMC) na inorganisa ng Global Center for Good Governance in To***co Control (GGTC).
Sa koordinasyon para sa Pilipinas ng civil society organization na HealthJustice Philippines, bukas ang kumpetisyon sa mga kalahok mula sa buong bansa upang bumuo ng makahulugang social media graphics o short videos na naglalantad sa mga maruruming taktika ng mga kumpanya ng tabako sa pagtatago ng mga mapaminsalang epekto ng kanilang mga produkto sa kapaligiran. Ang mga mananalo ay maaaring makatanggap ng hanggang $4,000.00.
Ang tema ng GMC ngayong taon ay โDisaster in Disguise: To***co Companies' Environmental Harms,โ na naaayon sa tema ngayong taon ng World No To***co Day (WNTD) sa Mayo 31, 2022 na pinangunahan ng World Health Organization (WHO).
Ayon sa webpage ng WHO para sa WNTD, โang mapaminsalang epekto ng industriya ng tabako sa kapaligiran ay malawak at lumalaki, na nagdaragdag ng hindi kinakailangang pressure sa kakaunti nang mapagkukunan at nanganganib na ecosystem ng ating planeta. Ang tabako ay pumapatay ng mahigit walong milyong tao bawat taon at sumisira sa ating kapaligiran, na higit pang pumipinsala sa kalusugan ng tao sa pamamagitan ng pagtatanim, produksyon, pamamahagi, pagkonsumo, at post-consumer waste.โ
Suportado ng GMC ang comprehensive to***co control policy ng DepEd.
Alinsunod sa DepEd Order No. 48, s. 2016 o ang Policy and Guidelines on Comprehensive To***co Control, ang DepEd ay magsasagawa ng mga aktibidad pangkamalayan upang magbigay ng babala laban sa paninigarilyo at salungatin ang pagsisikap ng industriya ng tabako na bawasan o tanggihan ang nakakapinsalang katangian ng mga produktong tabako.
Ang deadline sa pagsusumite ng mga entry para sa GMC ay sa Mayo 31, 2022 (Martes). Maaaring ma-access ang detalye ng GMC sa https://ggtc.world/actions/global-media-competition.
[Full article (English): https://www.deped.gov.ph/2022/05/27/deped-invites-participation-in-global-to***co-control-media-competition/]