
09/09/2023
Alam niyo ba?
Ang Neozep, Bioflu, Decolgen, Sinutab Plus, at Symdex forte ay may pare parehong laman at dose. Kaya dapat hindi ito pinagsasabay sabay.
Lahat ng nabanggit ay ginagamit kapag may baradong ilong, masakit na ulo o katawan, at fever. Mga karaniwang nararamdaman kapag may sipon o di kaya trangkaso. Hindi totoo ang nasa TV na kapag may sipon ay ***** dapat ang inumin at kapag trangkaso ay ang ***** lamang. Pare pareho ang gamit ng mga gamot na nabanggit.
Ang mga gamot ay may laman na Phenylpropanolamine, Chlorphenamine at Paracetamol. Dahil jan hindi rin pwede isabay ang mga gamot na Alaxan, Biogesic, Saridon at Rexidol dahil may laman ang mga ito na Paracetamol.
Nakakasama sa Atay ang sobrang Paracetamol, less than 4000 mg ang maximum dose sa isang araw kaya ang pag inom ng mga gamot na may Paracetamol ay every 4-6 hours.
TANDAAN:
Tanungin ang inyong mga Pharmacist tungkol sa mga gamot na iniinom niyo.
Ctto
&Safe