25/09/2025
🌍💊 𝐌𝐀𝐋𝐈𝐆𝐀𝐘𝐀𝐍𝐆 𝐖𝐎𝐑𝐋𝐃 𝐏𝐇𝐀𝐑𝐌𝐀𝐂𝐈𝐒𝐓 𝐃𝐀𝐘! 💊🌍
📅 𝐈𝐩𝐢𝐧𝐚𝐠𝐝𝐢𝐫𝐢𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐭𝐮𝐰𝐢𝐧𝐠 𝐒𝐞𝐭𝐲𝐞𝐦𝐛𝐫𝐞 𝟐𝟓
Ngayong espesyal na araw, ating itaas ang ating mga kamay at magbigay-pugay sa mga Pharmacist na walang sawang naglilingkod para sa kalusugan ng bawat isa. 👏
Sa likod ng bawat reseta, bawat gamot na iniinom natin, at bawat payo tungkol sa tamang paggamit ng medisina—nariyan ang ating mga pharmacist. Tahimik man silang gumagalaw sa likod ng botika, sa gumagawa ng gamot sa laboratoryo, at ospital, napakalaki ng kanilang ambag sa ating buhay at komunidad. 🏥💙
👩⚕️👨⚕️𝐒𝐢𝐥𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐞𝐤𝐬𝐩𝐞𝐫𝐭𝐨 𝐬𝐚 𝐠𝐚𝐦𝐨𝐭
✔️ nagsisiguro na ligtas at tama ang iniinom nating medisina
✔️ nagbibigay ng tamang kaalaman ukol sa side effects at dosage
✔️ tumutulong sa mga doktor sa pagbuo ng tamang gamutan
✔️ katuwang sa mga emergency at public health programs
✔️ at higit sa lahat, laging handang tumulong at maglingkod ng may malasakit
Buong puso naming pinasasalamatan ang aming mga dedikado at maaasahang pharmacists ng Las Pinas General Hospital na patuloy na nagbibigay ng de-kalidad na serbisyo sa bawat pasyente, araw-araw. 🙌
Sa lahat ng pharmacists sa buong mundo: 𝙈𝘼𝙍𝘼𝙈𝙄𝙉𝙂 𝙎𝘼𝙇𝘼𝙈𝘼𝙏 𝙖𝙩 𝙈𝘼𝘽𝙐𝙃𝘼𝙔 𝙆𝘼𝙔𝙊!
Kayo ang tunay na bayani sa likod ng bawat paggaling. 🫶💊
📢 Ibahagi natin ang mensaheng ito at sabay-sabay nating ipagdiwang ang kahalagahan ng bawat Pharmacist sa ating buhay.
💊Think Health, Think Pharmacist