09/12/2025
Loobin na dumating ang araw na mabigyan sila ng pagkakataong magbagong buhay, lahat naman ng tao nagkakasala but hindi po naman tayo ang DIYOS AMA para humusga sa bawat isa, there is a time for everything at ang lahat ng may sala ay magbabayad, hindi naman makakatakas sa p**t ng DIYOS AMA. Loobin na dumating ang araw nila na makalaya sila at makapagsimulang mula, loobin merong isang Pangulo na titindig para sa kanila yong dapat na mga nasa REHAB ay ilagay nila sa rehab, yong need talagang makulong dahil mabigat ang kasalanan ay may kongkretong ebedinsiya sila ang dapat diyan. Yong mga slight lang ang pagkakasala ay bigyan nila ng chance para din sa pamilya nilang naghihintay, at loobin na yong kulungan naman ay hindi ganito kasi tao rin naman sila. Well loobin na dumating ang araw na yan na magkaroon sila ng chance to change into a better person hindi yong mamatay na lang sila na ganyan.
*kung ang DIYOS AMA nga ay marunong magpatawad bakit hindi ang tao, lalo na kung hindi naman 100% sure na may sala yong tao dapat isipin din ng mga namumuno na tao sila may mga pamilyang naghihintay at nagmamahal, nagkamali man sila bigyan ng chance dahil ang buhay dito sa lupa ay isang laro, matalo man o manalo life must go on at ang higit sa lahat na dapat gawin at maunawaan ng tao ay ang PAG-IBIG ng DIYOS AMA, lahat ay may karapatang bigyan ng kapatawaran. Sa huli ang masama ay mapaparusahan at ang mabubuti ay maliligtas.