20/11/2025
ππππ₯ππ‘π π¦ππ πππ₯π π‘π π ππ¬ πππ§π, ππ£ππ£ππ πππππ π¦π π°π,π³π¬π¬ ππ¦π§π¨ππ¬ππ‘π§π π¦π ππππ’π π₯ππππ’π‘ - ππππ§
LEGAZPI CITY, Albay - Nasa mahigit 41,700 Estudyante sa Bicol Region ang makatatanggap ng libreng SIM card na may buwanang data allocation sa ilalim ng Bayanihan SIM Card Project ng Department of Information and Communications Technology (DICT), na suportado ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Ayon kay DICT Bicol Officer In-Charge Regional Director Asec. June Vincent Manuel Gaudan, bawat SIM card ay may 25GB usable data kada buwan, na awtomatikong mare-renew sa loob ng isang taon. Ang listahan ng mga benepisyaryo ay ibibigay ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Education (DepEd), at Department of the Interior and Local Government (DILG), na magbibigay-priyoridad sa mga mag-aaral mula sa GIDAs (geographically isolated and disadvantaged areas) at mga komunidad na kulang o walang internet access.
Layunin ng DICT Bicol na simulan ang pamamahagi sa mga piling paaralan at komunidad sa susunod na taon bilang bahagi ng pagpapalakas ng digital connectivity ng kabataang Bicolano. Ayon sa ahensya, pinapabilis din ang implementasyon ng proyekto upang makapaghatid ng internet access sa limang milyong Pilipino sa buong bansa.