
25/04/2024
PAANO ANG TAMANG PAGKUHA NG BLOOD PRESSURE?
🚩Kahapon (MAY 17) ay ipinagdiwang ang WORLD HYPERTENSION DAY. Ito ay ang araw kung saan binibigyan ng pagpapahalaga ang pagmonitor ng BLOOD PRESSURE at pagbibigay ng awareness sa sakit na HYPERTENSION.
🚩Tinatayang may 1 BILLION NA KATAO sa buong mundo ang may HYPERTENSION. Ito ang pangalawang sanhi ng pagkakaroon ng CHRONIC KIDNEY DISEASE.
__________
🚩Mahalaga na mamonitor nang tama ang blood pressure upang magamot agad ito if mataas. Narito ang 8 TIPS para sa TAMANG PAGKUHA NG BLOOD PRESSURE:
1️⃣ Magpahinga ng at least 5 MINUTES sa upuan bago magpakuha ng BP. HUWAG MAGSASALITA habang kinukunan ng BP. Dapat ay hindi uminom ng kape, nanigarilyo o gumawa ng mabigat na trabaho AT LEAST 30 MINUTES bago magpa BP.
2️⃣ Ilagay ang braso na kukunan ng BP sa LEBEL NG DIBIDIB O PUSO. Kailangan ay may suporta ito sa ilalim. Hindi accurate ang BP kapag ito ay nakataas, nakababa o hindi nakasuporta.
3️⃣ Ilagay ang CUFF sa mismong braso. Kung may manggas o damit, kailangan itong itaas bago magpakuha ng BP
4️⃣ Gumamit ng TAMANG CUFF SIZE. Kapag masyadong maliit/masikip o malaki/maluwag ang CUFF ay hindi accurate ang BP
5️⃣ Siguraduhing MAY SUPORTA ANG MGA PAA. Kailangan nakatapak sa sahig habang kinukunan ng BP
6️⃣ Dapat ay STRAIGHT ang mga paa at hindi naka dekwatro habang kinukunan ng BP
7️⃣ Siguraduhing nakaihi muna bago magpakuha ng BP
8️⃣ Siguraduhing NAKASANDAL ang likod bago magpakuha ng BP
__________
🚩Ang mga tips na ito ay applicable kahit anu mang BP apparatus ang gamit ninyo (manual o automatic)
🚩Kung automatic BP app ang gamit, siguraduhing marami pa itong BATTERY o kaya ay nakasaksak.
🚩Kung manual BP app, obserbahan ang tamang bilis ng pag-deflate ng CUFF at pakinggang maiigi kung kailan lalabas (SYSTOLIC) at mawawala (DIASTOLIC) ang pintig (Korotkoff sounds)
🚩Ugaliing magmonitor ng BP araw-araw kung kakayanin ng schedule. Pinakamainam ang pagkuha ng BP pagkagising sa umaga kung isang beses lang kayo makakakuha ng BP.