BHW's Brgy Biga

BHW's Brgy Biga Keeping in good health is a JUTY.

📣 BARANGAY ASSEMBLY 📣Inaanyayahan po ang lahat ng mamamayan ng Barangay B**a na dumalo sa Barangay Assembly na gaganapin...
14/10/2025

📣 BARANGAY ASSEMBLY 📣

Inaanyayahan po ang lahat ng mamamayan ng Barangay B**a na dumalo sa Barangay Assembly na gaganapin sa Oktubre 18, 2025 (Sabado), ganap na alas-2 ng hapon sa Sitio Paho Barangay Hall ng B**a.

Layunin ng pagtitipong ito na pag-usapan ang mga mahahalagang programa, proyekto, at iba pang usaping makakatulong sa pagpapaunlad ng ating barangay.

🤝 Sama-sama nating pakinggan, talakayin, at pagkaisahan ang mga adhikain para sa ikabubuti ng ating komunidad!

📍 Lugar: Barangay Hall, B**a
🗓️ Petsa: October 18, 2025
🕑 Oras: 2:00 ng hapon

“Protektado ka, protektado ang lahat — magpabakuna laban sa Tetanus at Diphtheria! 💉✨    ”SALAMAT PONG PALAGI Lobo Rhu E...
15/09/2025

“Protektado ka, protektado ang lahat — magpabakuna laban sa Tetanus at Diphtheria! 💉✨ ”
SALAMAT PONG PALAGI Lobo Rhu
Eca Sindayen De Castro
Joy Marie Jule Dueñas - Tamayosa
Merla Cruz

💙 “Kalusugan ng bawat isa, sigurado sa bakuna! 🧒👶 🌍 “Isang hakbang tungo sa ligtas at malusog na bayan  brgy b**asalamat...
05/09/2025

💙 “Kalusugan ng bawat isa, sigurado sa bakuna! 🧒👶
🌍 “Isang hakbang tungo sa ligtas at malusog na bayan

brgy b**a
salamat pong palagi Lobo Rhu ❤️❤️❤️

🇵🇭 PAGPUPUGAY SA MGA BAYANI 🇵🇭Ngayong Agosto 25, 2025,  sama-samang dumalo sa Flag Ceremony  ang lahat ng Sangguniang ba...
25/08/2025

🇵🇭 PAGPUPUGAY SA MGA BAYANI 🇵🇭
Ngayong Agosto 25, 2025, sama-samang dumalo sa Flag Ceremony ang lahat ng Sangguniang barangay at lahat ng volunteer sa Barangay B**a bilang pagpapakita ng ating pagmamahal sa bayan at pag-alala sa kabayanihang nagb**ay sa atin ng kalayaan.

Muli nating sariwain ang sakripisyo ng ating mga bayani—mga huwaran ng tapang, dangal, at pagmamahal sa Inang Bayan. 🙌

👉 Ang pagiging makabayan ay hindi lang sa salita, kundi sa gawa. Magsimula tayo sa pagrespeto at pagmamalasakit sa ating bansa araw-araw.

Mabuhay ang Pilipinas! 🇵🇭
Mabuhay ang ating mga Bayani! ✊

🕓 4PM Habit: Cleaning Time! 🕓Let’s unite against dengue! 💪🦟✔️ Maglinis tuwing 4:00 ng hapon✔️ Alisin ang mga naipong tub...
22/08/2025

🕓 4PM Habit: Cleaning Time! 🕓
Let’s unite against dengue! 💪🦟

✔️ Maglinis tuwing 4:00 ng hapon
✔️ Alisin ang mga naipong tubig sa lata, paso, bote at gulong
✔️ Itapon ang mga basurang pwedeng pamugaran ng lamok
✔️ Siguraduhin na malinis ang paligid ng bahay

🧹 Malinis na kapaligiran = Ligtas sa Dengue! 🌿

👉 Sama-sama nating gawin ang 4PM habit, araw-araw!


🌙 “Pregnancy is a journey that turns ordinary women into extraordinary mothers. 🤰
18/08/2025

🌙 “Pregnancy is a journey that turns ordinary women into extraordinary mothers. 🤰

🛡️ NATIONAL IMMUNIZATION PROGRAM 🩺 For the Month of AUGUST💞"Bakuna Mo, Proteksyon Mo, Proteksyon ng Bansa!"Sa pamamagita...
08/08/2025

🛡️ NATIONAL IMMUNIZATION PROGRAM 🩺 For the Month of AUGUST💞
"Bakuna Mo, Proteksyon Mo, Proteksyon ng Bansa!"

Sa pamamagitan ng libreng bakuna, naiiwasan natin ang pagkalat ng mga mapanganib na sakit tulad ng tigdas, polio, hepatitis B, at marami pang iba.
Ang pagbabakuna ay hindi lang para sa sarili, kundi para rin sa mga mahal natin sa buhay

✅ Libre
✅ Ligtas
✅ Subok na

Maging bayani sa simpleng paraan.
Magpabakuna na! 💉



SALAMAT PO RHU LOBO💞💞

"Sa bawat pinggang may tamang nutrisyon, nagsisimula ang kinabukasang puno ng pag-asa. Alagaan ang katawan—ito ang tangi...
31/07/2025

"Sa bawat pinggang may tamang nutrisyon, nagsisimula ang kinabukasang puno ng pag-asa. Alagaan ang katawan—ito ang tanging tahanan ng ating kalusugan."

📢 PAALALA SA LAHAT 📢Dahil sa matinding pag-ulan, maraming kalsada ngayon ang madulas at delikado para sa mga motorista a...
25/07/2025

📢 PAALALA SA LAHAT 📢
Dahil sa matinding pag-ulan, maraming kalsada ngayon ang madulas at delikado para sa mga motorista at naglalakad. Ipinapaalala po namin ang mga sumusunod para sa kaligtasan ng lahat:

✅ Maglakad at magmaneho nang dahan-dahan at may pag-iingat.
✅ Iwasang tumakbo o magmadali, lalo na sa mga daang basa at maputik.
✅ Kung hindi mahalaga ang lakad, mas mabuting manatili muna sa bahay.
✅ Iwasan ang pagdaan sa mga lugar na may baha o inaasahang landslide.
✅ Maging mapagmatyag at alerto sa paligid—lalo na sa mga kalsadang walang sapat na ilaw o palatandaan.

Kaligtasan muna bago ang lahat.
Magtulungan tayong maging ligtas at maingat sa panahon ng matinding ulan.

Ingat po tayong lahat! 🙏🌧️

23/07/2025

📢 PAG-INGAT SA MATINDING PAG-ULAN! 🌧️
|

Mga kabarangay, dahil sa matinding pag-ulan dulot ng bagyo, tayo po ay pinapayuhang:

✅ Manatili sa loob ng bahay kung walang importanteng lakad
✅ Iwasan ang pagbabad o pagtawid sa baha
✅ Mag-charge ng cellphone, flashlight at ibang gamit
✅ Maghanda ng emergency kit, pagkain, at malinis na tubig
✅ Makinig sa abiso ng barangay at lokal na pamahalaan

⚠️ Ingatan ang sarili at ang pamilya.
Maging alerto, maging ligtas!

💬 I-share ang paalalang ito para sa mas ligtas na komunidad.

🌧️ PAALALA SA LAHAT NG KABARANGAY 🌧️Patuloy ang matinding pag-ulan, kaya’t maging alerto at handa!✅ Manatili sa ligtas n...
22/07/2025

🌧️ PAALALA SA LAHAT NG KABARANGAY 🌧️

Patuloy ang matinding pag-ulan, kaya’t maging alerto at handa!

✅ Manatili sa ligtas na lugar
✅ Iwasan ang pagbabad sa baha
✅ Ihanda ang emergency kit
✅ Makinig sa abiso ng barangay

Ingat po tayo! Sama-sama tayong magbantay at magtulungan.

Address

Biga Lobo Batangas
Lobo

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when BHW's Brgy Biga posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram