abarCaDa goaLs

abarCaDa goaLs Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from abarCaDa goaLs, Child Development, UPLB/Child Development Laboratory, Los Baños.

From ABAKADA (learning) to BARKADA (friendship), we are UPLB BSHE-HFD practicum students serving to craft fun and meaningful experiences where children can learn, connect, and grow together 🌈

𝑴𝑨𝒀 𝑩𝑨𝑮𝑶𝑵𝑮 𝑲𝑨𝑰𝑩𝑰𝑮𝑨𝑵 𝑨𝑵𝑮 𝑴𝑮𝑨 𝑩𝑨𝑻𝑨𝑵𝑮 𝑪𝑫𝑳… 𝑺𝑰 𝑷𝑼𝑭𝑭! ☁️Sa 𝐢𝐤𝐚𝐥𝐚𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐭𝐜𝐡 𝐧𝐠 𝐩𝐫𝐚𝐜𝐭𝐢𝐜𝐞 𝐭𝐞𝐚𝐜𝐡𝐢𝐧𝐠, kitang-kita sa ngiti at ning...
17/04/2026

𝑴𝑨𝒀 𝑩𝑨𝑮𝑶𝑵𝑮 𝑲𝑨𝑰𝑩𝑰𝑮𝑨𝑵 𝑨𝑵𝑮 𝑴𝑮𝑨 𝑩𝑨𝑻𝑨𝑵𝑮 𝑪𝑫𝑳… 𝑺𝑰 𝑷𝑼𝑭𝑭! ☁️

Sa 𝐢𝐤𝐚𝐥𝐚𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐭𝐜𝐡 𝐧𝐠 𝐩𝐫𝐚𝐜𝐭𝐢𝐜𝐞 𝐭𝐞𝐚𝐜𝐡𝐢𝐧𝐠, kitang-kita sa ngiti at ningning ng mga mata ng mga bata ang kanilang kasiyahan at kasabikan sa mga inihandang gawain tungkol sa 𝐤𝐚𝐡𝐚𝐥𝐚𝐠𝐚𝐡𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐡𝐚𝐧𝐠𝐢𝐧 𝐚𝐭 𝐬𝐚 𝐢𝐛𝐚’𝐭 𝐢𝐛𝐚𝐧𝐠 𝐮𝐫𝐢 𝐧𝐠 𝐡𝐚𝐲𝐨𝐩 𝐧𝐚 𝐦𝐚𝐭𝐚𝐭𝐚𝐠𝐩𝐮𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝐡𝐢𝐦𝐩𝐚𝐩𝐚𝐰𝐢𝐝 🦋🐞

Noong 𝐢𝐤𝐚-𝟏𝟒 𝐧𝐠 𝐀𝐛𝐫𝐢𝐥 𝟐𝟎𝟐𝟔, lumikha ang mga bata ng kani-kanilang 𝑛𝑒𝑠𝑡 🪹 𝑎𝑡 𝑖𝑏𝑜𝑛 🦅 gamit ang kanilang fine motor skills at malikhaing pag-iisip. Buong interes din silang nakinig at nakilahok sa talakayan tungkol 𝑠𝑎 ℎ𝑎𝑛𝑔𝑖𝑛 𝑎𝑡 𝑠𝑎 𝑖𝑏𝑎’𝑡 𝑖𝑏𝑎𝑛𝑔 𝑡𝑖𝑟𝑎ℎ𝑎𝑛 𝑛𝑔 𝑚𝑔𝑎 ℎ𝑎𝑦𝑜𝑝 𝑠𝑎 ℎ𝑖𝑚𝑝𝑎𝑝𝑎𝑤𝑖𝑑. Higit sa lahat, buong galak nilang tinanggap ang kanilang 𝑏𝑎𝑔𝑜𝑛𝑔 𝑘𝑎𝑖𝑏𝑖𝑔𝑎𝑛 𝑛𝑎 𝑠𝑖 𝑃𝑢𝑓𝑓 ☁️ na mula sa isang kwentong napakinggan nila.

Tulad ng hangin, 𝐰𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐝𝐮𝐝𝐚𝐧𝐠 𝐧𝐚𝐫𝐚𝐦𝐝𝐚𝐦𝐚𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐬𝐚𝐲𝐚 𝐚𝐭 𝐬𝐢𝐠𝐥𝐚 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐛𝐚𝐭𝐚 sa bawat sandali ng pagtuturo 🌈👩‍🏫


𝑵𝑨𝑵𝑨𝑰𝑮 𝑨𝑵𝑮 𝑺𝑨𝒀𝑨 𝑺𝑨 𝑮𝑰𝑻𝑵𝑨 𝑵𝑮 𝑻𝑨𝑮-𝑰𝑵𝑰𝑻! ☀️😄Punong-puno ng kaalaman at kasiyahan ang isinagawang 𝐖𝐚𝐭𝐞𝐫 𝐅𝐮𝐧 𝐃𝐚𝐲 sa CDL noong...
15/04/2026

𝑵𝑨𝑵𝑨𝑰𝑮 𝑨𝑵𝑮 𝑺𝑨𝒀𝑨 𝑺𝑨 𝑮𝑰𝑻𝑵𝑨 𝑵𝑮 𝑻𝑨𝑮-𝑰𝑵𝑰𝑻! ☀️😄

Punong-puno ng kaalaman at kasiyahan ang isinagawang 𝐖𝐚𝐭𝐞𝐫 𝐅𝐮𝐧 𝐃𝐚𝐲 sa CDL noong Biyernes, ika-10 ng Abril 2026. Mula sa 𝘱𝘢𝘨𝘩𝘶𝘭𝘪 𝘯𝘨 𝘪𝘴𝘥𝘢 at 𝘱𝘢𝘨𝘭𝘪𝘭𝘪𝘯𝘪𝘴 𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘨𝘢𝘮𝘪𝘵𝘢𝘯 hanggang sa 𝘱𝘢𝘨-𝘶𝘯𝘢𝘸𝘢 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘩𝘢𝘭𝘢𝘨𝘢𝘩𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘵𝘶𝘣𝘪𝘨 𝘴𝘢 𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘵𝘢𝘸𝘢𝘯 at sa 𝘱𝘢𝘨-𝘢𝘱𝘶𝘭𝘢 𝘯𝘨 𝘢𝘱𝘰𝘺 (likha mula sa poster paint), naranasan ng mga batang CDL ang 𝐢𝐛𝐚’𝐭 𝐢𝐛𝐚𝐧𝐠 𝐠𝐚𝐰𝐚𝐢𝐧𝐠 𝐧𝐚𝐠𝐩𝐚𝐩𝐚𝐤𝐢𝐭𝐚 𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐡𝐚𝐥𝐚𝐠𝐚𝐡𝐚𝐧 𝐚𝐭 𝐠𝐚𝐦𝐢𝐭 𝐧𝐠 𝐭𝐮𝐛𝐢𝐠 🌊

Siyempre, hindi rin nawala ang kanilang malalaking ngiti sa 𝘱𝘢𝘨𝘬𝘶𝘩𝘢 𝘯𝘨 𝘭𝘪𝘵𝘳𝘢𝘵𝘰 𝘴𝘢 𝘭𝘰𝘰𝘣 𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘭𝘢𝘭𝘢𝘬𝘪𝘯𝘨 𝘣𝘶𝘣𝘣𝘭𝘦𝘴, na siyang munting souvenir na kanilang dadalhin hanggang sa kanilang pagtanda 🫧

Tunay ngang hindi lang mga swimming pool ang napuno ng tubig, kundi pati 𝒂𝒏𝒈 𝒌𝒂𝒏𝒊𝒍𝒂𝒏𝒈 𝒑𝒂𝒈𝒌𝒂𝒃𝒂𝒕𝒂 𝒂𝒚 𝒏𝒂𝒅𝒂𝒈𝒅𝒂𝒈𝒂𝒏 𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒔𝒂𝒔𝒂𝒚𝒂𝒏𝒈 𝒂𝒍𝒂𝒂𝒍𝒂 🌈🤍


Isang masaya at makabuluhang karanasan ang aming practice teaching sa Child Development Laboratory (CDL) noong ika-8 ng ...
12/04/2026

Isang masaya at makabuluhang karanasan ang aming practice teaching sa Child Development Laboratory (CDL) noong ika-8 ng Abril! 🌊✨

Sa araw na ito, tinalakay namin ang 𝙞𝙗𝙖’𝙩 𝙞𝙗𝙖𝙣𝙜 𝙝𝙖𝙮𝙤𝙥 𝙨𝙖 𝙩𝙪𝙗𝙞𝙜 mula sa makukulay na isda hanggang sa kahanga-hangang nilalang sa karagatan. 🐠🐙 Kitang-kita ang saya at interes ng mga bata habang sila ay nakikinig, sumasagot, at nakikilahok sa bawat gawain.

Hindi lamang kaalaman ang naibahagi, kundi pati na rin ang kumpiyansa at kasiyahan sa pagkatuto. 💙

Sa bawat aral, may bagong tuklas—at sa bawat ngiti, may inspirasyong nabubuo.

✨ 𝐒𝐮𝐦𝐢𝐬𝐢𝐝 𝐬𝐚 𝐤𝐚𝐚𝐥𝐚𝐦𝐚𝐧, 𝐬𝐚𝐛𝐚𝐲-𝐬𝐚𝐛𝐚𝐲 𝐭𝐚𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐚𝐚𝐧𝐠𝐚𝐭!🐬

🌿✨𝘾𝘿𝙇 𝙂𝙊𝙀𝙎 𝙏𝙊 𝙈𝘽𝙂✨🌿Noong nakaraang Biyernes, March 27, muling napuno ng saya at sigla ang ating mga CDL Kids💚 kasama ang...
01/04/2026

🌿✨𝘾𝘿𝙇 𝙂𝙊𝙀𝙎 𝙏𝙊 𝙈𝘽𝙂✨🌿

Noong nakaraang Biyernes, March 27, muling napuno ng saya at sigla ang ating mga CDL Kids💚 kasama ang kanilang mga parents, guardians, teachers, at CDL Practicumers sa isang makabuluhang paglalakbay sa 𝐌𝐚𝐤𝐢𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐁𝐨𝐭𝐚𝐧𝐢𝐜 𝐆𝐚𝐫𝐝𝐞𝐧𝐬.🌳🌺

Sa espesyal na Friday Funday na ito, naranasan ng mga bata ang pag-explore ng kalikasan🍃 mula sa paglalakad sa luntiang paligid hanggang sa pagtuklas ng iba’t ibang puno, halaman, at iba pang likas na yaman. Hindi lang ito basta field trip, kundi isang pagkakataon upang matuto habang nag-eenjoy.🎒🌈

Mas naging espesyal ang araw dahil sa mga fun at interactive activities🎯 na inihanda ng ating masisipag na CDL Practicumers, kung saan lalong tumibay ang samahan at bonding ng bawat pamilya.👨‍👩‍👧‍👦💞

📸𝑯𝒂𝒏𝒈𝒈𝒂𝒏𝒈 𝒔𝒂 𝒔𝒖𝒔𝒖𝒏𝒐𝒅 𝒏𝒂 𝑭𝒓𝒊𝒅𝒂𝒚 𝑭𝒖𝒏𝒅𝒂𝒚, 𝑪𝑫𝑳 𝒇𝒂𝒎! 💚

𝑼𝒏𝒂𝒏𝒈 𝑨𝒓𝒂𝒘 𝒔𝒂 𝑫𝑪𝑳 𝑹𝒐𝒐𝒎: 𝑷𝒖𝒏𝒐 𝒏𝒈 𝑵𝒈𝒊𝒕𝒊, 𝑺𝒂𝒚𝒂, 𝒂𝒕 𝑰𝒏𝒔𝒑𝒊𝒓𝒂𝒔𝒚𝒐𝒏!🌈✨Tagumpay ang unang araw ng ating mga g**o at mga CDL stude...
31/03/2026

𝑼𝒏𝒂𝒏𝒈 𝑨𝒓𝒂𝒘 𝒔𝒂 𝑫𝑪𝑳 𝑹𝒐𝒐𝒎: 𝑷𝒖𝒏𝒐 𝒏𝒈 𝑵𝒈𝒊𝒕𝒊, 𝑺𝒂𝒚𝒂, 𝒂𝒕 𝑰𝒏𝒔𝒑𝒊𝒓𝒂𝒔𝒚𝒐𝒏!🌈✨

Tagumpay ang unang araw ng ating mga g**o at mga CDL students sa DCL room!💕 Kitang-kita ang kislap sa kanilang mga mata habang masayang nililibot at tinitingnan ang silid-aralan na masusing inihanda at inayos ng ating mga mahuhusay na student teachers. Mula sa mga makukulay🌈 at nakakaengganyong kagamitan🧸 hanggang sa mga bagong learning materials na puno ng kasiyahan at pang-edukasyon📚, tunay na nakahatid ito ng saya at pagkamangha sa mga bata.

Hindi lamang maganda ang silid-aralan, puno rin ito ng inspirasyon at pag-asa na nagbibigay ng motibasyon sa mga bata na matuto at tuklasin ang bagong kaalaman sa isang ligtas at masayang kapaligiran.🌍🍃

Handa na kami para sa isang buong semestre ng laro, malikhaing pagtuklas, tawanan, at makabuluhang pag-aaral! 𝑺𝒂𝒎𝒂-𝒔𝒂𝒎𝒂 𝒏𝒂𝒕𝒊𝒏𝒈 𝒕𝒖𝒏𝒈𝒉𝒂𝒚𝒂𝒏 𝒂𝒏𝒈 𝒑𝒂𝒈𝒍𝒂𝒍𝒂𝒌𝒃𝒂𝒚 𝒏𝒈 𝑪𝑫𝑳 𝒔𝒕𝒖𝒅𝒆𝒏𝒕𝒔 𝒔𝒂 𝒎𝒖𝒏𝒅𝒐 𝒏𝒈 𝒆𝒅𝒖𝒌𝒂𝒔𝒚𝒐𝒏. 🖍️🧩📚


Kulay, saya, at kwento—hatid ng bawat likha ng bata 🌈✨Kami ang 🌈 abar𝗖a𝗗a goa𝗟s 🌈—walong mag-aaral ng BS Human Ecology (...
29/03/2026

Kulay, saya, at kwento—hatid ng bawat likha ng bata 🌈✨

Kami ang 🌈 abar𝗖a𝗗a goa𝗟s 🌈—walong mag-aaral ng BS Human Ecology (HFD) na kasalukuyang nagsasagawa ng aming practicum kasama ang mga bata ng Child Development Laboratory 💛

Bilang bahagi ng aming practicum projects sa UPLB CDL, kami ay nagsasagawa ng isang t-shirt fundraising activity upang suportahan ang aming mga nakaplanong gawain at karanasang pampagkatuto para sa mga bata.

👕 CDL Fundraising Activity:

Isang disenyo na hango sa likhang-sining ng mga bata—makulay, masaya, at puno ng kwento 🎨

💰 Single (kids size): ₱250
💰 Single: ₱299
💰 Duo: 2 for ₱550
💰 Barkada: 3 for ₱800
💰 Family: 2 adults + 1 kid for ₱780

📅 Deadline ng pre-order: April 8
💸 GCash / Maya | 50% downpayment
📍 Meet-up: Cpark (date TBA estimated 2-3 weeks after pre-order)

Sa bawat pagbili, kasama kayo sa pagbibigay ng saya at makabuluhang pagkatuto sa mga bata ✨ Upang makabili, maari ninyong sagutan ang gforms sa ibaba.

‼️Order now‼️
https://forms.gle/XXjRgGARdUd9xb2B9
https://forms.gle/XXjRgGARdUd9xb2B9
https://forms.gle/XXjRgGARdUd9xb2B9

𝑳𝒂𝒈𝒊’𝒕 𝒍𝒂𝒈𝒊𝒏𝒈 𝒑𝒂𝒓𝒂 𝒔𝒂 𝒃𝒂𝒕𝒂 𝒂𝒕 𝒑𝒂𝒓𝒂 𝒔𝒂 𝒃𝒂𝒚𝒂𝒏🌻

𝐌𝐮𝐧𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐌𝐮𝐧𝐝𝐨 🌏 , 𝐌𝐚𝐥𝐚𝐤𝐢𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐠𝐤𝐚𝐭𝐮𝐭𝐨 🌈Ang silid-aralan ay munting mundo kung saan humuhubog ang espasyo at kulay sa pagk...
28/03/2026

𝐌𝐮𝐧𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐌𝐮𝐧𝐝𝐨 🌏 , 𝐌𝐚𝐥𝐚𝐤𝐢𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐠𝐤𝐚𝐭𝐮𝐭𝐨 🌈

Ang silid-aralan ay munting mundo kung saan humuhubog ang espasyo at kulay sa pagkatuto, imahinasyon, at koneksyon ng isang bata 🧒

Sa nakalipas na humigit kumulang dalawang buwan, ang aming grupo ay masigasig na nagsumikap para sa muling 𝑝𝑎𝑔𝑠𝑎𝑠𝑎𝑎𝑦𝑜𝑠 𝑛𝑔 𝑑𝑎𝑡𝑖𝑛𝑔 𝑠𝑖𝑙𝑖𝑑 𝑛𝑔 𝐷𝑎𝑦 𝐶𝑎𝑟𝑒 𝐿𝑎𝑏𝑜𝑟𝑎𝑡𝑜𝑟𝑦 (𝐷𝐶𝐿) upang maging 𝒊𝒌𝒂𝒍𝒂𝒘𝒂𝒏𝒈 𝒌𝒘𝒂𝒓𝒕𝒐 𝒏𝒈 𝒎𝒈𝒂 𝒃𝒂𝒕𝒂𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒈-𝒂𝒂𝒓𝒂𝒍 𝒏𝒈 𝑪𝒉𝒊𝒍𝒅 𝑫𝒆𝒗𝒆𝒍𝒐𝒑𝒎𝒆𝒏𝒕 𝑳𝒂𝒃𝒐𝒓𝒂𝒕𝒐𝒓𝒚 (𝑪𝑫𝑳) 📚🏫

𝑳𝒖𝒃𝒐𝒔 𝒂𝒏𝒈 𝒂𝒎𝒊𝒏𝒈 𝒑𝒂𝒔𝒂𝒔𝒂𝒍𝒂𝒎𝒂𝒕 𝒔𝒂 𝒍𝒂𝒉𝒂𝒕 𝒏𝒈 𝒏𝒂𝒈𝒃𝒊𝒈𝒂𝒚 𝒏𝒈 𝒔𝒖𝒑𝒐𝒓𝒕𝒂 🤗, mula sa mga donasyon, pakikilahok sa fundraising, at tulong sa iba’t ibang paraan. Ang tagumpay na ito ay 𝑡𝑎𝑔𝑢𝑚𝑝𝑎𝑦 𝑛𝑎𝑡𝑖𝑛𝑔 𝑙𝑎ℎ𝑎𝑡, at 𝒔𝒂𝒏𝒂’𝒚 𝒑𝒂𝒕𝒖𝒍𝒐𝒚 𝒏𝒊𝒏𝒚𝒐 𝒌𝒂𝒎𝒊𝒏𝒈 𝒔𝒖𝒑𝒐𝒓𝒕𝒂𝒉𝒂𝒏 sa mga susunod pang proyekto.

Sa bawat kulay at espasyo, naipapakita natin na ang tunay na pagkatuto ay nagsisimula sa pagmamahal, malasakit, at pagkakaisa 💝


Address

UPLB/Child Development Laboratory
Los Baños
4030

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when abarCaDa goaLs posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share