30/12/2025
๐๐ฎ๐ด๐ผ ๐บ๐ฎ๐๐ฎ๐ฝ๐ผ๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ผ๐ป, ๐ด๐๐๐๐ผ ๐ธ๐ผ๐ป๐ด ๐ถ๐ต๐ถ๐ป๐๐ผ ๐๐ฎ๐ป๐ฑ๐ฎ๐น๐ถ ๐ฎ๐ป๐ด ๐น๐ฎ๐ต๐ฎ๐โ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐บ๐ฎ๐ด๐ฝ๐ฎ๐๐ฎ๐น๐ฎ๐บ๐ฎ๐๐
Sa buong taon, dumaan tayo sa pagod, panghihina ng loob, anxiety attacks, at mga panahong akala natin mag-isa lang tayo.
May mga gabi na tahimik pero mabigat ang dibdib.
May mga araw na kahit ngumiti, ramdam mong may kulang.
Kapag pinabayaan natin ang sariliโkulang sa pahinga, sobra sa stress, walang pakialam sa katawanโunti-unti tayong nauubos.
At kapag dumating ang anxiety, parang mawawala ka sa sarili mo
Mahirap.
Nakakatakot.
Nakakapanghina.
Pero sa lahat ng iyon, hindi kailanman ako pinabayaan ng Diyos.
Kasama ng pamilya ko,at kaibigan.Sila ang naging sandigan ko sa bawat pagsubok.
โค๏ธ๐ซฐLubos din akong nagpapasalamat sa munting negosyong ipinagkatiwala Niya sa akin๐
Marami ang naniwala at nagtiwalaโkilala man o hindi.Isang order man o marami at ang pauli ulit na order.
Napakasarap sa pakiramdam na naging parte ako ng journey nila.
Hindi lang ako naging seller.
Naging lakas.
Naging kausap.
Naging katatagan sa panahong silaโy nanghihina.
May mga biyaya, at may mga aral sa bawat taong nakilala koโat dadalhin ko iyon habang-buhay.
Sa oras ng anxiety attack, isang bagay ang malinaw:
๐ Diyos, pamilya, at mga kaibigang handang makinig ang tunay na sandigan.
Pangalagaan natin ang ating katawan.
Iisa lang ito.
Huwag nating hintaying mauwi sa pagsisisi bago tayo mag-alaga sa sarili.
โจ Kung may pinagdadaanan ka, hindi ka nag-iisa.
โจ Piliin ang pahinga, dasal, at tamang pag-aalaga sa katawan.
โจ Magpasalamat. Magpatuloy. Manalig.
Salamat sa lahat ng naging parte ng aking taon.
Sa Diyos ang lahat ng papuri. ๐๐