01/04/2025
"Paano na lamang kung wala ang bato"
Sa ating pang araw-araw na pamumuhay, tahimik na gumagana ang ating mga bato upang salain ang dumi sa ating dugo, panatilihing balanse ang tubig sa katawan, at alisin ang mga nakalalasong kemikal na maaaring makasama sa ating kalusugan.
Sa kabila ng kanilang mahalagang papel, madalas pa rin nating ipagsawalang-bahala ang kahalagahan ng malusog na pamumuhay at ang pangabuso sa kakayanan nito.
Kung ipagpapatuloy natin ang ganitong uri ng pamumuhay, maaari itong magdulot ng pinsala sa ating mga bato at kung lalala ay maaring mauwi sa sakit na Chronic Kidney Disease.
Ito ay isang kondisyon kung saan unti-unting nasisira ang mga bato hanggang hindi na nito magampanan ang tungkuling salain ang mga dumi at mga lason sa ating katawan
Kung hindi ito mabibigyan pansin maaring itong maging malalang isyung pangkalusugan at pangkomunidad, kaya't bago pa magpatuloy ang pagtaas ng kaso ng sakit na ito, mas mainam na agapan at isaalang alang ang ating kalusugan.
Sa maliit man o malaking paraan, ang bawat hakbang tungo sa malusog na bato ay isang hakbang patungo sa mas mahabang buhay!
Kaya laging piliin ang makakabuti sa iyong bato.