Dra. Melody A. Peña

Dra. Melody A. Peña Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Dra. Melody A. Peña, Nephrologist, Lucena.

Dr. Peña specializes in Internal Medicine- Hypertension and kidney diseases such as acute and chronic kidney disease, glomerulonephritis, Dialysis and kidney transplantation

Sa totoo lang, ipit ang mga private hospitals dahil buo nilang binibigay ang serbisyo sa mga pasyente. Madaming gastos s...
08/07/2025

Sa totoo lang, ipit ang mga private hospitals dahil buo nilang binibigay ang serbisyo sa mga pasyente. Madaming gastos sa gamit, gamot at pasweldo sa mga empleyado, pero pahirapan sa pagsingil sa mga ahensyang nag iissue guarantee letter. Nasaan kaya ang pondo? 🤔🧐🤨

“BAKIT HINDI NA TINATANGGAP ANG GUARANTEE LETTER KO?"

May isang nanay sa Batangas na nagpunta sa ospital kasama ang anak niyang may lagnat, hirap huminga.

Wala silang pambayad, pero may dala silang government-issued guarantee letter—pangakong sagot ng gobyerno sa gastos.

Pero hindi tinanggap.

“Hindi na po kami tumatanggap niyan,” sabi ng admin.

Dahil ang gobyerno, kahit may pangako—hindi pa nagbabayad.

🔴 ANONG NANGYARI?

Noong July 6, 2025, 39 private hospitals sa Batangas ang sabay-sabay nagsabing hindi muna sila tatanggap ng guarantee letters (GLs) galing gobyerno.

Ang dahilan?

₱530 million na utang ng gobyerno sa mga ospital—hindi pa bayad kahit matagal na ang serbisyo.

May isang ospital daw na halos ₱94 million ang hindi pa nakukuha.

Yung iba, ang utang galing pa last year. Ayon sa kasunduan, dapat bayad na ’yan in 60 days.

Pero ilang buwan na, wala pa ring pera.

🏛️ BAKIT NAKIUSAP ANG MALACAÑANG?

Kinabukasan, naglabas ng statement ang Malacañang.

Sabi ng Palace press officer na si Claire Castro:

“Hindi po tayo kapos sa pondo.”

Ang problema raw ay hindi pera kundi kulang-kulang ang dokumento ng ilang ospital.

Sabi pa niya:

“Complete your documents para mabayaran kayo agad.”

Totoo naman—may ₱41.16 billion na budget ang DOH para sa medical aid ngayong 2025.

Pero kahit may pera sa papel, kung hindi umaabot sa ospital—useless ’yan para sa pasyenteng may sakit.

⚠️ MAS MALALIM NA PROBLEMA

1. ✉️ PULITIKAL ANG SISTEMA

Hindi ito tulad ng PhilHealth na automatic ang coverage.

Sa MAIFIP (Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients), kailangan ng guarantee letter—madalas galing sa pulitiko.

Pero ngayong tapos na ang eleksyon…
Paano na ’yung mga pasyenteng inendorso ng mga natalong kandidato?

Sabi ng PHAPI (Private Hospitals Association),
₱7 billion ang unpaid bills nationwide na konektado sa mga ganitong kaso.

2. 🗳️ ELEKSYON = SIKSIKAN SA DOKUMENTO

Sabay-sabay daw dumagsa ang GLs bago at pagkatapos ng eleksyon.

Pero ang mga taga-process sa DOH, kukunti lang.

Kaya’t naipon ang libo-libong request—hindi agad natutugunan.

Kahit nga may mga ospital na nakatanggap na ng ₱577 million, meron pa rin silang ₱450 million na hindi pa nababayaran.

🧍‍♂️ KAWAWA ANG PASYENTE

Ang tanong:

Bakit kailangang maghintay ng resibo ang ospital, kung ang naghihintay ay taong hindi makakain, hindi makabayad, at hindi makalakad?

Hindi ito simpleng “admin issue.”

Buhay ang nakataya.

At masakit isipin: kung sinuerte ka at panalo ’yung pulitikong nag-endorse sa ’yo, malamang okay ka.

Pero kung talunan ’yung nagbigay ng guarantee letter mo… good luck.

🏛️ GINAWA NA BA NG GOBYERNO ANG DAPAT?

Ayon sa DOH, pinapa-bilisan na raw ang proseso.

Si Sec. Ted Herbosa mismo ang nag-utos.
May mga mambabatas na rin na gustong imbestigahan ang mga ospital kung bakit bigla na lang tumigil sa pagtanggap ng GLs.

Pero sa totoo lang, hindi lang ito problema ng papel.

Ito ay tanong ng prioridad.

Bakit lumobo ang budget ng MAIFIP mula ₱1.8 billion noong 2015 to ₱74 billion ngayong taon—pero bumaba ang pondo ng PhilHealth para sa mahihirap?

Hindi ba mas maayos kung automatic ang tulong, hindi pa kailangang dumaan sa congressman o mayor?

✅ MAY NAGBAGO NA BA?

As of today, wala pa ring malinaw na solusyon.
May mga ospital na tatanggap pa rin ng GLs—pero case-to-case basis.

At kahit may assurance mula sa gobyerno, ang takot ng mga ospital ay kung kailan talaga sila babayaran.

🤔 MORNING COFFEE THOUGHTS

Hindi ito tungkol sa red tape lang.

Hindi lang ito tunggalian ng ospital at gobyerno.

Ito ay kwento ng pasyenteng walang choice, na umaasa sa papel na nagsasabing “sasagutin ka ng gobyerno.”

Pero kung walang pondo, walang proseso, o walang pulitikong may kapangyarihan—
sino ang sasagot sa pasyente?

At kung ang gobyerno mismo ang may utang,
sino ang dapat managot?

26/06/2025

Kung ikaw ay may problema sa kidney function, high blood pressure, or diabetes, maaaring panahon na para kumonsulta sa isang Nephrologist — ang espesyalista sa kalusugan ng iyong mga bato!

👩‍⚕️ Dr. Melody A. Peña
🔬 Internist & Nephrologist (Kidney Specialist)
📍 Clinic Location: Room 415, OPD Department, 4th Floor
🗓️ Clinic Schedule: Wednesday (2:00 pm to 4:00 pm), Friday (10:00 am to 12:00 nn)
📞 Tawagan ang secretary cp no. 0928 7222236 para sa appointment.

💡 Kailan kailangang kumonsulta sa isang Nephrologist?
✔️ Kapag may abnormal urinalysis o madalas ang UTI
✔️ Kapag mataas ang creatinine, BUN, o uric acid
✔️ Kung ikaw ay may diabetes o high blood at nais bantayan ang kidney function
✔️ Kung may pamamaga ng paa, manas, o pagbabago sa pag-ihi
✔️ Kung gusto mong maiwasan o ma-manage ang dialysis

Si Dr. Melody Peña ay may dalubhasang kaalaman sa pagsusuri, paggabay, at paggamot ng mga kondisyon sa kidney, kasama na ang mga chronic illnesses na nakaaapekto sa bato.

🫶 Sa ACE Medical Center Sariaya, ang Arugang ACE ay kaagapay mo sa bawat hakbang ng iyong paggaling!

03/06/2025

To my dear patients,

Im currently on leave po until June 12.
Clinic resumes on
June 13: Mt Carmel
Pls contact Karen: 09287222236
June 16: Polyclinic
Pls contact Dear: 09562617277

Clinic resumes on: Mount Carmel: November 20Ace Sariaya/Polyclinic: November 18
08/11/2024

Clinic resumes on:
Mount Carmel: November 20
Ace Sariaya/Polyclinic: November 18

Wag na pong hintayin na magkalagnat. Uminom na agad ng doxycycline kung lumusong sa baha. Delikado ang Leptospirosis at ...
24/10/2024

Wag na pong hintayin na magkalagnat. Uminom na agad ng doxycycline kung lumusong sa baha. Delikado ang Leptospirosis at magastos magkasakit. Prevention is better than cure.

Dear patients, Due to heavy rain and winds, i’m cancelling my clinic today at Polyclinic, Candelaria. Stay at home and b...
24/10/2024

Dear patients,

Due to heavy rain and winds, i’m cancelling my clinic today at Polyclinic, Candelaria. Stay at home and be safe! If it’s an emergency, pls go to the nearest emergency room and the resident will call me. If with questions or concerns, you may message me or my secretary. Thank you!

24/08/2024
Mahalagang proteksyon pa din ang pagsusuot ng face mask at paghuhugas ng kamay🧴🫧👌😷🙌
23/08/2024

Mahalagang proteksyon pa din ang pagsusuot ng face mask at paghuhugas ng kamay🧴🫧👌😷🙌

13/08/2024

MLP Dental Clinic

To book an appointment: pls contact +63 919 524 4019 or (042) 373 2475

Visit us at: 2nd floor, J seven Building, Magallanes corner Granja st, Lucena city
Landmark: ARK TECHNOLOGICAL INSTITUTE

30/07/2024
Prevention is better than cure! Uminom po ng prophylaxis ang mga naexposed sa baha!
25/07/2024

Prevention is better than cure! Uminom po ng prophylaxis ang mga naexposed sa baha!

18/07/2024

Address

Lucena

Opening Hours

Monday 10am - 4pm
Tuesday 10am - 4pm
Wednesday 10am - 4pm
Thursday 10am - 4pm
Friday 10am - 4pm

Telephone

+639287222236

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Dra. Melody A. Peña posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to Dra. Melody A. Peña:

Share

Category