
18/04/2023
Iba’t Ibang Uri Ng Operasyon sa Almoranas:
Kung madalas na dumudugo at sumasakit ang almoranas, maaring irekomenda ng iyong doktor na dumaan ka sa maliit na operasyon. Ang ganitong treatment ay maaring isagawa sa opisina ng iyong doktor o kaya sa outpatient setting. Madalas, hindi ito nangangailangan ng anesthesia.
Rubber Band Ligation
Ang iyong doktor ay maglalagay ng isa o dalawang maliliit na rubber bands sa base ng internal hemorrhoid para matigil ang blood circulation dito. Matutuyo ang almoras at matatanggal sa loob ng isang linggo. Marami ang nagsasabi ng naging epektibo ang procedure na ito sa kanila.
Ang pagtatali sa almoranas ay maaring hindi komportable at magdulot ng pagdurugo dalawa hanggang apat na araw pagkatapos ng operasyon ngunit, huwag mag-alala dahil madalas ay hindi ito malubha.
Injection (Sclerotherapy)
Sa procedure na ito, tuturukan ng chemical solution ang iyong almoranas para paliitin ito. Wala halos mararamdaman na sakit sa prosesong ito ngunit, hindi ito kasing-epektibo ng rubber band ligation.
Coagulation (Infrared, Laser O Bipolar)
Gumagamit ng iba’t ibang techniques gaya ng laser, infrared light, at heat para paliitin ang almoranas.
Ang coagulation ay may kasamang side effects. Kumpara sa rubber band ligation, mas mataas ang posibilidad na magkaroon muli ng almoranas kung coagulation procedure ang gagamitin.
Surgical Procedures:
Kung ang ibang procedures at medicines for almoranas ay hindi naging matugampay o hindi kaya’y masyadong malaki ang iyong almoranas, maaring irekomenda ng iyong doktor na dumaan ka sa surgical procedure.
Hemorrhoid Removal
Tinatawag din na hemorrhoidectomy. Ang operayong ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng pag-alis sa mga tissue na nagdudulot ng pagdurugo. Iba’t ibang techniques ang maaring gamitin ng iyong doktor para maalis ito.
Hemorrhoidectomy ang pinaka-epektibo at kumpletong paraan para magamot ang malubhang at paulit-ulit na almoranas. Ngunit, maaring makaramdam ng mga komplikasyon gaya ng hirap sa pag-ihi na maaring mauwi sa urinary tract infections o UTI.
Marami ang nakakaranas ng pananakit pagkatapos ng operasyon. Ang pag-inom ng gamot ay makakatulong para mabawasan ang sakit. Ang pagligo sa mainit tubig ay makakatulong din.
Hemorrhoid Stapling
Ang operasyong ito ay tinatawag na stapled hemorrhoidectomy o stapled hemorrhoidopexy. Pinipigilan nito ang daloy ng dugo sa almoranas. Ito ay ginagamit lamang sa internal hemorrhoids.
Mas mabilis na maka-recover sa hemorrhoid stapling kumpara sa hemorrhoidectomy ngunit, mas mataas ang posibilidad na bumalik ang almuranas at magkaroon ng re**al prolapse – paglabas ng re**um sa puwet. Iba’t ibang komplikasyon gaya ng pagdurugo, hirap sa pag-ihi, at maging sepsis ay kakabit ng operasyon ito.