06/07/2021
Ang 𝐆𝐎𝐔𝐓 ay nabubuo kapag mataas ang lebel ng uric acid sa inyong dugo. Kaya ang resulta nito ay ang pagkakaroon ng crystals (parang buhangin) na nabubuo sa kasu-kasuan o palibot ng tissue na dahilan ng pananakit at pamamaga. Ang matinding pag-atake ng gout ay maaaring makapag-pa-gising sa kalagitnaan ng iyong pagtulog na para bang sinusunog ang hinlalaki. Ang apektadong joint ay mainit, namamaga at naninigas. Ang mga kadahilanan ng panganib (risk factors) sa gout ay ang labis na katabaan, sobrang pag-inom ng alak, high blood pressure, mataas na kolesterol at diabetes, at kung may lahi sa pamilya na gout.
Ang 𝐆𝐎𝐔𝐓 ay nagagamot, at may paraan para mabawasan ang panganib na dulot ng 𝐆𝐎𝐔𝐓.
Ini-re-rekomenda ang mga sumusunod kung umatake ang 𝐆𝐎𝐔𝐓:
1. Uminom ng 8-16 tasa ng likido (liquid) bawat araw. Mas mainam kung tubig o sopas ito at hindi matamis na inumin.
2. Iwasan ang pag-inom ng alak.
3. Kumain ng katamtamang dami ng protina, mas mainam kung galing sa gatas (low-fat milk), tofu o tokwa, at itlog. (Hindi bawal ang monggo at tokwa sa gout. Karne ang babawasan.)
4. Bawasan ang pagkain ng karne, isda at manok sa 4 hanggang 6 ounces lamang. Ang mga pagkaing ito na mataas sa protina ang nagpapataas ng uric acid sa iyong dugo.
5. Panatilihin ang tamang timbang.
6. Ugaliin ding uminom ng 𝐆𝐅𝐎𝐗𝐗 𝐒𝐏𝐈𝐑𝐔𝐋𝐈𝐍𝐀 araw-araw upang mas matulungan na hindi lumala at tuluyang gumaling ang 𝐆𝐎𝐔𝐓 at maiwasan ang pagtaas ng 𝐔𝐑𝐈𝐂 𝐀𝐂𝐈𝐃.