Jesusa A. Camua, CFNS, NP

  • Home
  • Jesusa A. Camua, CFNS, NP

Jesusa A. Camua, CFNS, NP An adviocate of holistic anti- aging approaches such as naturopathic modalities and nutrition.

04/08/2020
😎 HEALTH Tips😊 Salabat: 6 Na Benepisyo Sa KalusuganNarito ang magandang epekto ng pag-inom ng salabat sa ating katawan.A...
10/11/2019

😎 HEALTH Tips

😊 Salabat: 6 Na Benepisyo Sa Kalusugan

Narito ang magandang epekto ng pag-inom ng salabat sa ating katawan.

Ang salabat ang inuming nagagawa mula sa luya. Ito ay ang version ng mga Pilipino ng ginger tea na marami ang naibibigay na benepisyo sa katawan at kalusugan.

Salabat, ang inuming gawa sa luya
Maliban sa kilalang pampalasa, kilala rin ang luya dahil sa masarap na salabat na gawa rito.

Simple man kung tingnan hindi katulad ng mga mamahaling tsaa, marami namang magandang nagagawa ang pag-inom ng salabat sa ating katawan. Sa katunayan, kilala rin itong gamot sa mga karamdaman magmula pa noong unang panahon.

Ilan nga sa mga benepisyong naibibigay ng salabat sa katawan at sakit na nalulunasan nito ay ang sumusunod:

1. Motion sickness.

Ayon sa isang pag-aaral ang salabat ay nakakatulong para malunasan ang sintomas ng motion sickness gaya ng dizziness, vomiting at cold sweats. Kaya naman kung nakakaranas ng motion sickness sa tuwing bumabyahe, subukang uminom ng salabat para umayos ang iyong pakiramdam.

2. Pagduduwal o nausea na dulot ng morning sickness o chemotherapy.

Base sa research at mga eksperto, ang active components na taglay ng luya na volatile oils at gingerols ay nakakatulong para maibsan ang pagduduwal o nausea na dulot ng pagbubuntis, chemotherapy at surgery.

Ito daw ang pinakamabisang alternatibo para sa mga medicated drugs na pinanggamot sa nasabing karamdaman.

Paalala lang sa iinom ng salabat na kakagaling lang sa surgery, mabuting magtanong muna sa inyong doktor lalo pa’t ito ay maaring makaapekto sa blood clotting.

3. Blood pressure at heart health.

Ayon parin sa mga research, ang luya o pag-inom ng salabat ay mabisang panlaban rin sa heart disease at makakatulong sa sumusunod:

Pampababa ng blood pressure
Pinipigilan ang heart attack
Pinipigilan ang blood clots
Pampababa ng cholesterol
Ini-improve ang blood circulation
Nire-relieve ang heartburn

4. Weight at blood sugar control.

Base sa 2012 study ng Columbia University sa sampung overweight na lalaki, natuklasan na ang pag-inom ng salabat ay nagbibigay ng pakiramdam ng fullness at nakakabawas ng pagkagutom.

Samantala, ayon sa isang pag-aaral mabisa rin daw ang luya sa pag-mamanage ng obesity.

Ini-improve din nito ang blood sugar control ng katawan, binabawasan ang A1C, insulin at triglycerides sa mga taong may type 2 diabestes, ayon sa isa pang pag-aaral.

5. Pain relief.

Ang luya ay mabisang gamot rin sa inflammation na ginagamit na noong una pang panahon at ilang beses naring napatunayan ng mga pag-aaral.

Tumutulong rin ito para maibsan ang sakit na dulot ng osteoarthritis partikular na sa tuhod. Pati narin ang sakit ng ulo, menstrual cramps, sore muscles at iba pang uri ng sakit.

6. Immune support at cancer prevention.

Ang mga antioxidants na taglay naman ng luya ay nagpapalakas ng immunity ng katawan at nakakabawas sa stress.

Ang paglanghap naman ng usok mula sa mainit na salabat ay nakakatulong para guminhawa ang nasal congestion at iba pang respiratory issues na dulot ng common cold at environmental changes.

May mga research rin ang nakapagsabi na ang luya ay nakakatulong para makaiwas sa cancer. Mabisang panlaban rin ito sa iba’t-ibang uri ng cancer cells kabilang na ang pancreatic cancer at colon cancer.

Pero paano nga ba ginagawa ang masarap at healthy na inuming ito?

Salabat recipe

Sa pag-gawa ng salabat ang unang kakailanganin mo ay apat hanggang anim na slice ng nabalatang luya. Kung gusto mo ng mas matapang ay maaring dagdagan ang bilang ng slice.

Sunod ay ilagay at ihalo ang slices ng luya sa dalawang tasa ng tubig. Hayaan itong kumulo ng sampu hanggang 20 minuto. Nakadepende ito sa kung gaano katapang at kaanghang ang gusto mo sa salabat.

Pagkakulo ay alisin sa init. Maaring lagyan ito ng lime, lemon juice, calamansi juice o kaya honey para madagdagan ang lasa.

Maari ring gumawa ng salabat na may gatas. Gawin sa papamagitan ng pagpapakulo ng slices ng luya sa isang tasang tubig. At pagkatapos ng sampung minuto ng kumulo ay alisin sa init at haluan ng dalawang tasang gatas at haluin.

Bagamat ito ay natural na inumin ay may mga na-report na side effects ang salabat na dapat ding malaman. Ito ay gas, bloating, heartburn at nausea.

Hindi rin advisable na uminom o mag-consume ng sobrang luya ang mga gumagamit ng blood thinners o blood pressure drugs dahil sa blood thinning effect nito. Kaya naman bago uminom o magconsume ng dagdag na luya sa inyong diet ay komunsulta muna sa inyong doktor.

Address

Unit 1703 Medical Plaza Building, Amorsolo Corner Dela Rosa Street

1200

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Jesusa A. Camua, CFNS, NP posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

  • Want your practice to be the top-listed Clinic?

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram