04/08/2025
“Bakit parang ang dami mong kasama sa gastos, pero wala sa ipon?”
Masaya ‘yung may barkadang laging handang gumastos—gala dito, kainan doon, trip everywhere.
Pero kapag nagdesisyon kang mag-ipon, mag-invest, at magbago ng financial habits… biglang sila na lang ang nawala.
Bakit nga ba ganun?
Kasi hindi lahat handang iwan ang comfort ng “enjoy now” para sa rewards ng “secure future.”
Hindi lahat kaya ang disiplina.
Hindi lahat marunong magsakripisyo ngayon para umani bukas.
Pero tandaan mo ‘to:
Hindi mo kailangan ng maraming kasama para umangat sa buhay.
Isang matibay na mindset at consistent na action lang, sapat na.
Sa pag-iipon at pag-iinvest, madalas mag-isa ka.
Tahimik. Walang palakpak. Walang cheering squad.
Pero balang araw, habang na stuck ang iba sa cycle ng gastos at utang…
Ikaw, tahimik na umaasenso.
Kaya wag kang matakot kung mag-isa ka lang.
Yung mga tunay na success, hindi agad napapansin.
Pero pag nagbunga? Lahat mapapatingin.
💪 Work
💸 Ipon.
📈 Invest.
🎯Reward
🔁 Repeat.
Dahil minsan, ang tunay na yaman, nagsisimula sa sakripisyo mong hindi nila nakita.
if you want to learn more about personal finance
send me a message
Ctto 👉Allyssa Jhoy Dajay