FBHS-Historical Club (Official)

FBHS-Historical Club (Official) FBHSHC is all about history, culture, and other areas of social studies.

FBHSHC is a historico-cultural organization of Fort Bonifacio High School affiliated with the National Historical Commission (formerly National Historical Institute). FBHSHC is the host club in conducting Social Studies Quiz Bee, History Week, Independence Day Celebration, etc.

Mabuhay, Bonifacians ‼️Isang tagisan ng isipan ang nangyari sa silid-aklatan. 🧠 Nasubok ang husay at talino ng bawat mag...
29/08/2025

Mabuhay, Bonifacians ‼️

Isang tagisan ng isipan ang nangyari sa silid-aklatan. 🧠 Nasubok ang husay at talino ng bawat mag-aaral sa ginanap na Quiz Bee noong Agosto 27, 2025, mula 8:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon. πŸ• Ito ay isinagawa bilang pagdiriwang ng Buwan ng Kasaysayan, na may temang β€œDiwa ng Kasaysayan, Kabilin sa Kabataan.” 🀝

Sino na nga ba ang mga nanalo?? πŸ€”πŸ’­

IKAPITONG BAITANG
πŸ† Unang Gantimpala: Yhana Marie T. Bugtai
πŸ₯ˆ Ikalawang Gantimpala: Gian Rhayne F. Escalada
πŸ₯‰ Ikatlong Gantimpala: Luis Miguel Batang

IKAWALONG BAITANG
πŸ† Unang Gantimpala: Gavriel Anthony S. Basco
πŸ₯ˆ Ikalawang Gantimpala: Princess Diana Matia-ong Polinar
πŸ₯‰ Ikatlong Gantimpala: Zedrick C. Cabatay

IKASIYAN NA BAITANG
πŸ† Unang Gantimpala: Bela Divine Reyes Pamittan
πŸ₯ˆ Ikalawang Gantimpala: Liam Ezequille Laudet Aniag
πŸ₯‰ Ikatlong Gantimpala: Elyza Mariz Doromal Siguancia

IKASAMPUNG BAITANG
πŸ† Unang Gantimpala: Ronnie Zaijan Sipsip
πŸ₯ˆ Ikalawang Gantimpala: Charson King James A. De La PeΓ±a
πŸ₯‰ Ikatlong Gantimpala: Nerissa Joyce L. Alfaro

Pagpugay sa mga nagwagi, kami ay humahanga sa inyo! πŸ™ŒπŸ₯³ Ang Historical Club ay taos pusong nagpapasalamat sa mga nakilahok sa aming Quiz Bee. β€οΈβ€πŸ©Ή

Tandaan, patuloy na pagyamanin ang ating kasaysayan, ang mga aral ay laging itatak sa mga isipan. πŸ’›πŸ€Ž

Isinulat ni:
Parallag, Andreana D.

Paskil ni:
Lagare, Joshua Trazin A.

Mabuhay, Bonifacians! πŸ’›πŸ€ŽAlam niyo ba? πŸ€” Ang Araw ng mga Bayani ay unang naitatag noong 1931 sa bisa ng Act No. 3827 at k...
25/08/2025

Mabuhay, Bonifacians! πŸ’›πŸ€Ž

Alam niyo ba? πŸ€”

Ang Araw ng mga Bayani ay unang naitatag noong 1931 sa bisa ng Act No. 3827 at kalaunan ay pinagtibay ng RA 9492 noong 2007, kung saan itinakda ito tuwing huling Lunes ng Agosto. πŸ“œ

Ito ay pagkilala sa ating mga bayani na nag-alay ng buhay at nagsakripisyo para sa kalayaan ng ating bansa. πŸŽ–οΈ Hindi lamang ito para sa mga kilalang tao tulad nina Rizal, Bonifacio, o Aguinaldo. Ito rin ay para sa mga bayaning buong pusong nag-alay ng buhay para sa kalayaan at kaunlaran ng bansaβ€”kilala man sila o hindi. 🌟

Kasama rin dito ang ating mga makabagong bayani: mga g**o, mga manggagawa at OFW na nagsasakripisyo para sa kanilang pamilya, mga frontliner na handang magbuwis ng buhay, at bawat Pilipinong gumagawa ng kabutihan para sa kapwa. πŸ‘ŠπŸ»βœ¨

Ngayong Araw ng mga Bayani, huwag nating kalimutan ang pag-alay ng buhay at mga sakripisyo ng ating mga bayani para sa ating bansa. βš”οΈβœŠπŸ» Kilalanin at pahalagahan natin ang mga sakripisyong nagbigay-daan sa ating kalayaan, karapatan, at kasarinlan bilang mga Pilipino. πŸ™ŒπŸ»

Palaging tandaan na ang pagiging bayani ay hindi lamang nasusukat sa digmaan. Nasa simpleng pagmamalasakit, pagtulong, at pagmamahal sa bayan araw-araw. πŸ’™β€οΈπŸ’›

Isinulat ni:
Vispo, Zara Beatrice M.

Paskil ni:
Eijansantos, Mary Antonette A.

Pagpugay, Tropang Histo! πŸ‘Š Handa na ba kayo? 🫣Sa darating na Agosto 26, masasaksihan natin ang makasaysayang tapatan ng ...
24/08/2025

Pagpugay, Tropang Histo! πŸ‘Š Handa na ba kayo? 🫣

Sa darating na Agosto 26, masasaksihan natin ang makasaysayang tapatan ng talino at bilis ng isip ng ating mga kalahok. Hindi lang ito basta patimpalak, ito ay laban ng kaalaman at pagmamahal sa kasaysayan. πŸ”₯

Sa bawat tanong, may kasaysayang muling nabubuhay. πŸ’‘ Sa bawat sagot, may kabataang handang ipagpatuloy ang diwa ng ating mga bayani. 🫑

Kaya bago magsimula, isang mainit na ✨ GOOD LUCK ✨ sa lahat ng kalahok! πŸ™Œ Ipakita ninyo ang galing, husay, at passion para sa kasaysayan.‼️

Sama-sama nating ipagdiwang ang talino at diwa ng kabataan ngayong Buwan ng Kasaysayan 2025! πŸ“œ

Isinulat ni:
Villareal, Dazelyn

Paskil nina:
Lagare, Joshua Trazin A.
Saboriendo, Samuel Sebastian G.

Mabuhay, Bonifacians! πŸ’›πŸ€ŽTuwing ika-21 ng Agosto, ipinagdiriwang natin ang Araw ni Ninoy Aquino bilang paggunita kay Beni...
21/08/2025

Mabuhay, Bonifacians! πŸ’›πŸ€Ž

Tuwing ika-21 ng Agosto, ipinagdiriwang natin ang Araw ni Ninoy Aquino bilang paggunita kay Benigno β€œNinoy” Aquino Jr. isa sa mga itinuturing na bayaning nagtaguyod ng demokrasya sa Pilipinas. πŸ‡΅πŸ‡­

Si Ninoy Aquino ay isinilang noong Nobyembre 27, 1932 sa Concepcion, Tarlac. πŸ“ Siya ay naging senador at kilala bilang matatag na tagasukat ng diktadura noong panahon ng Martial Law. βš–οΈπŸ‘Š Sa kabila ng mga banta, pinili niyang magbalik sa Pilipinas mula Amerika πŸ‡ΊπŸ‡Έ upang ipagpatuloy ang kanyang pakikibaka para sa kalayaan. Ngunit siya ay pinaslang noong Agosto 21, 1983 sa Manila International Airport na ngayon ay kilala bilang Ninoy Aquino International Airport. ✈️

Ang kanyang pagpanaw ay nagpasiklab ng pagkakaisa ng mga Pilipino laban sa pang-aabuso ng kapangyarihan at nagbigay-daan sa People Power Revolution noong 1986. ✊🏻 Kaya’t siya ay itinuturing na simbolo ng altruisimo at lakas πŸ’ͺ🏻 para sa kalayaan ng bansa.

Bilang pagkilala, naipatupad ang Republic Act No. 9256 noong 2004, na nagtatakda sa Agosto 21 bilang Espesyal na Araw ni Ninoy Aquino. πŸ“œ Ito ay upang patuloy na ipaalala sa bawat henerasyon ang kanyang bahagi sa kasaysayan at demokrasya ng Pilipinas.

Huwag nating isantabi ang iniwang aral ni Ninoy Aquino, sana ay mananatiling makabuluhan ang ating isipan. πŸ«‘πŸ™Œ

Isinulat ni:
Ortega, Eriana Lian T.

Paskil nina:
Lambinicio, Veronica F.
Saboriendo, Samuel Sebastian G.

Sa bawat tanawin na ating nasilayan, mula sa pader ng Intramuros na saksi ng kasaysayan, hanggang sa Dambana ng Mount Sa...
20/08/2025

Sa bawat tanawin na ating nasilayan, mula sa pader ng Intramuros na saksi ng kasaysayan, hanggang sa Dambana ng Mount Samat na sagisag ng kabayanihanβ€”dumating na tayo sa huling yugto ng ating LakbayPinas. 🧳✨ Sa pagtatapos ng paglalakbay na ito, isang pambihirang obra ng kalikasan ang ating tutunghayan: ang Puerto Princesa Underground River sa Palawan. 🏝️

🌊 Sa Barangay Cabayugan, Puerto Princesa, kung saan matatagpuan ang naturang ilog, dumadaloy ang tubig nang mahigit 8.2 kilometro sa ilalim ng bundok, at 4.3 kilometro dito ay maaaring pasukin ng bangka. Ang nakabibighaning tanawin ng mga bundok na gawa sa limestone karst at iba't-ibang anyo ng stalactites at stalagmites sa loob ng kweba ay tila bang mga likhang-sining na nililok ng kalikasan sa loob ng maraming taon. 🏞️πŸͺ¨

πŸ“œ Noong taong 1999, idineklara ito bilang isang UNESCO World Heritage Site dahil sa biodiversity at kahalagahan nito sa aspetong ekolohiya, at kilala naman bilang isa sa pinakamahabang underground rivers sa buong mundo. Isinama rin ito sa prestihiyosong listahan ng New 7 Wonders of Nature noong 2012, na nagsisilbing patunay ng walang kapantay na hiwaga at kagandahan ng likas na yaman ng Pilipinas. πŸ†πŸ‡΅πŸ‡­

🌱 Higit pa sa kamangha-manghang kasaysayan ng ilog, ito rin ay tahanan ng napakaraming uri ng organismo; mula sa mga ibong tulad ng bayawak, hanggang sa mga unggoy, at higit sa 800 species ng halaman at hayop ang matatagpuan sa paligid ng parke. 🦜 Sila ay nagsasama-sama upang ipakita ang kahalagahan ng balanseng ekosistema. 🏞️

Sa pagwawakas ng ating paglalakbay, nawa’y magsilbing paalala sa ating lahat na ang bawat tanawin, bawat kasaysayan, at bawat pamana ng ating kalikasan ay may karapatang mapangalagaan. Ang Puerto Princesa Underground River ay hindi lamang tanawin, kundi simbolo ng ating pangakong ipamana ang ganda ng kalikasan ng Pilipinas sa mga susunod na henerasyon, nang ganoon ay atin itong ingatan. 🌟🌎

Dalhin natin ang bawat aral at gawing inspirasyon ang bawat pamanang ating nasilayan sa buong biyahe. Hanggang sa muli nating paglalakbay, Historians! πŸ’›πŸ€Ž

Isinulat Ni:
Borromeo, Janelle Marley G.

Paskil ni:
Lagare, Joshua Trazin A.

Pananaliksik ni:
CastaΓ±o, Katrina Anne

πŸ•ŠοΈ β€œSa bawat hakbang paakyat, kasaysayan ang iyong matatanaw.” πŸ‡΅πŸ‡­Makikita sa Diwa, Pilar, Bataan ang Mt. Samat National ...
18/08/2025

πŸ•ŠοΈ β€œSa bawat hakbang paakyat, kasaysayan ang iyong matatanaw.” πŸ‡΅πŸ‡­

Makikita sa Diwa, Pilar, Bataan ang Mt. Samat National Shrineβ€”isang lugar na hindi lang basta tanawin, kundi isang mahalagang bahagi ng ating kasaysayan. Itinayo ito bilang alaala sa mga sundalong Pilipino at Amerikano na matapang na lumaban sa mga Hapones noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. πŸžοΈπŸ›‘οΈ

Sa tuktok ng bundok, nakatayo ang Memorial Crossβ€”isang napakalaking krus na makikita pa mula sa malayo. Pero higit pa sa laki nito ang ibig sabihin nito. Para sa maraming bumibisita, ito ay simbolo ng tapang, sakripisyo, at pag-asa. 🌀️β›ͺ

Noong 2019, idineklara ang buong lugar bilang isang Smoke-Free Zoneβ€”ibig sabihin, ligtas ito at may disiplina, lalo na para sa mga pamilyang gustong bumisita. Suportado ito ng Asia To***co Control Alliance at Smoke Free Cities Asia Pacific Network. Tinawag din itong β€œShrine of Valor,” bilang pagkilala sa halaga nito bilang isang makasaysayang pook. πŸ…

Pero higit sa mga parangal at istruktura, ang Mt. Samat ay isang paalala kung gaano kahalaga ang kabayanihan sa pagkatao ng mga Pilipino. Dito mo mararamdaman na ang kasaysayan ay hindi lang binabasa sa libroβ€”makikita mo, maririnig mo, at mararamdaman mo mismo ang diwa nito. πŸŒ„

πŸ’¬ Kaya kung mapapadpad ka sa Bataan, huwag mo lang basta picturan ang krusβ€”subukan mong namnamin ang katahimikan sa paligid, at alalahanin kung anong mga sakripisyo ang nasa likod ng ating kalayaan. πŸ‡΅πŸ‡­

Isinulat ni:
Escultura, Sophia T.

Paskil nina:
Go, Wilfred Ryan B.
Lagare, Joshua Trazin A.

Pananaliksik ni:
Sanchez, Samantha Nyah A.

Pagbati, mga Katiwala ng Kasaysayan! πŸ•°Noong Agosto 15, 2025, sa Aklatan ng Mataas na Paaralan ng Kuta Bonifacio, matagum...
16/08/2025

Pagbati, mga Katiwala ng Kasaysayan! πŸ•°

Noong Agosto 15, 2025, sa Aklatan ng Mataas na Paaralan ng Kuta Bonifacio, matagumpay na idinaos ng Historical Club ang unang Pangkalahatang Oriyentasyon para sa taong-panuruan 2025–2026. Nagsimula ang programa sa mainit na pagbati at makabuluhang mensahe ni G. Marlon IbaΓ±ez, Koordinador ng Araling Panlipunan, na nagbigay hindi lamang dagdag kaalaman kundi gayon din ng inspirasyon upang mas mahalin at pahalagahan ang kasaysayan.

Kasunod nito, ipinresenta ni Bb. Dazelyn Villareal, ang Pangulo ng organisasyon, ang Pangkalahatang Plano ng mga Gawain (GPOA) ng club na siguradong magdadala ng saya, kulay, at bagong karanasan sa buong taon. πŸ“…

Hindi rin matatawaran ang naging papel ng mga g**o-tagapayo at ng lupon ng mga opisyal na nagsikap maghanda ng masigla at maayos na programa. Mula sa nakaka-excite na quiz na sumubok sa talino ng mga kalahok hanggang sa masarap na pagkain at inumin, dama ang kasiglahan ng bawat isa. Lubos ding ikinagalak ang pagdalo ng mga alumnong nagbahagi ng kanilang kwento, mga payo, at mga aral na tiyak na magiging gabay ng kasalukuyang henerasyon. πŸŽ“

Itinampok din sa pagtitipon ang paalala na ang kasaysayan ay hindi lamang simpleng salaysay ng nakaraan. Ito ay gabay at inspirasyon para sa isang mas maliwanag at makulay na bukas. 🌟 Sa sama-samang pagsisikap, patuloy na gagawing masaya, buhay, at makahulugan ng Historical Club ang pag-aaral ng kasaysayan. ✨

Tunay na naging makabuluhan at masigla ang unang pagtitipon, at sabik na ang lahat sa mga susunod pang gawain kung saan tiyak na mas lalo silang matututo, magsasaya, at bubuo ng mga alaala! πŸ™Œ

Isinulat nina:
Escultura, Sophia T.
Villareal, Dazelyn Ro P.

Paskil ni:
Pontawi, Ranz Andrei S.

✨ Mula sa pag-ikot ng ating mga nakaraang paglalakbay, narito tayo sa panibagong tanawin na magbubukas ng pintuan sa yam...
11/08/2025

✨ Mula sa pag-ikot ng ating mga nakaraang paglalakbay, narito tayo sa panibagong tanawin na magbubukas ng pintuan sa yaman ng ating kultura at kalikasan. πŸ’°

Sa puso ng Cordillera Mountains, matatagpuan ang kahanga-hangang Banaue Rice Terraces ng Ifugao β€” isang likhang-kamay ng mga ninuno na binuo mahigit 2,000 taon na ang nakalipas. ⛰️ Hindi lamang ito taniman, kundi isang buhay na alaala ng kultura, kasaysayan, at karunungan ng mga Igorot. 🀎

Kinilala bilang "a living cultural landscape of unparalleled beauty" ng UNESCO noong 1995, ang Banaue Rice Terraces ay patunay ng balanse sa pagitan ng kalikasan at kabihasnan. 🌟 Isa itong pambansang yaman na nagpapakilala sa galing ng mga Pilipino, lalo na sa larangan ng agrikultura, arkitektura, at pamana. πŸ‡΅πŸ‡­

Kaya sa bawat hakbang sa Banaue, para kang naglalakad sa pahina ng kasaysayan. Tunay nga na ito'y isang tanawin na hindi lamang maganda sa mata, kundi malalim sa kahulugan. 🏞️

Isinulat ni:
Villamor, Kachina D.

Paskil nina:
Go, Wilfred Ryan B.
Lagare, Joshua Trazin A.

Pananaliksik ni:
Sanchez, Samantha Nyah A.

Many voices. One vision. 58 years strong 🌏✨Pagpugay, Bonifacians! πŸ’›πŸ€ŽToday, the Historical Club joins the nation in celeb...
08/08/2025

Many voices. One vision. 58 years strong 🌏✨

Pagpugay, Bonifacians! πŸ’›πŸ€Ž

Today, the Historical Club joins the nation in celebrating the 58th ASEAN Anniversary, a reminder that history is not just in books but in the bonds we continue to build. πŸ“œπŸ’›

From the golden temples of Thailand to the rice terraces of the Philippines, each culture tells a story. πŸ‡ΉπŸ‡­πŸ‡΅πŸ‡­ And when these stories come together, they create a chapter of unity. 🀝🌏

For 58 years, ASEAN has shown us that diversity is not a barrier, it’s our greatest strength. πŸ’ͺ

May we, the youth, carry this legacy forward: to listen, to learn, and to lead with open hearts and united purpose. πŸ’™

Poster by:
Saboriendo, Samuel Sebastian G.

Aminin man natin o hindi, mayroon talagang mga lugar na tila ba'y hindi natitinag ng panahon. βŒ› Pero teka... s'yempre, h...
07/08/2025

Aminin man natin o hindi, mayroon talagang mga lugar na tila ba'y hindi natitinag ng panahon. βŒ› Pero teka... s'yempre, hindi natin palalampasin ang panibagong araw, panibagong yugto sa ating LakbayPinas! πŸ‡΅πŸ‡­

Ngayon, ating tutuklasin ang isang pook na puno ng alaala ng ating mga ninuno. Isipin niyo, tayo'y hahakbang sa isang kalsadang tila binubulong ang kasaysayan, ngunit sa bawat yapak natin, πŸ‘£ mararamdaman ninyoβ€”hindi lang sa mata, kundi sa pusoβ€”ang saysay ng ating paglalakbay. Kaya't ano pang hinihintay niyo? 🫣 Samahan ninyo kami sa kabisera ng Ilocos Sur; Vigan! πŸ“œπŸͺ¨

πŸŒ… Isa ang Vigan sa pinakamatandang bayan sa Pilipinas. Kilala ang Vigan Heritage Village sa probinsya ng Ilocos Sur bilang isang pook na madalas bisitahin ng mga dayuhan. Itinatag noong 1572, naging sentro ito ng kalakalan sa Hilagang Luzon. Ngunit ang tunay na kayamanan ng Vigan ay hindi lamang nasusukat sa kalakasan nila pagdating sa kalakalan; dito rin makikita ang mga lumang bahay na bato, mga kalsadang yari sa batong panggulong, at ang mga kalesang nagmula pa noong mga panahon ng Kastila. 🐴πŸ‡ͺπŸ‡Έ

Sa bawat hakbang mo sa makikitid na kalsadang bato, sa bawat pagdaan sa mga makasaysayang bahay, at sa bawat indak ng mga kalesang humahagibis, tila bumabalik ka sa isang panahong dati mo lamang nababasa sa mga pahina ng aklat. Ang Vigan ay isang buhay na larawan ng pinagtagpong kultura ng Pilipino at Kastilaβ€”isang bayan na buong pusong yumakap sa kaniyang kasaysayan at ginawang pamana ito para sa lahat. 🀲🏻✨

Dagdag pa rito, dahil sa tanging kagandahan at kahalagahan na taglay ng Vigan, itinalaga ito bilang isang UNESCO World Heritage Site noong 1999. πŸ›οΈπŸ† Isa itong karangalang nagpapakita na ang Vigan ay hindi lang yaman ng Pilipinas, kundi isang hiyas sa buong mundo. 🌎

Ngunit higit pa sa mga makalumang estruktura na inaalok ng Vigan, patuloy rin silang nagsisilbi bilang sentro ng sining, kultura at edukasyon. πŸ–ΌοΈπŸŽ¨ Sa bawat sulok at sa bawat hakbang palalim sa lungsod na ito, mararamdaman ninyo ang tunay na diwa at kwento ng ating lahi. πŸšΆπŸ»β€β™€οΈπŸ“–

Ang Vigan Heritage Village ay hindi lang isang pangkaraniwang pook. Isa itong buhay na aralin ng kasaysayan, yaman ng ating sining, at tahanan ng ating pagkakakilanlan bilang Pilipino. ✊🏻 Kaya’t kung ika'y bibisita rito, marapat na iyong malaman na hindi ka lang isang turistaβ€”isa kang saksi sa kasaysayang patuloy na isinasabuhay. πŸ•°οΈβ€οΈ

Isinulat ni:
Borromeo Janelle Marley G.

Paskil nina:
Lagare, Joshua Trazin A.
Panoy, Krisheyne Joy P.

Pananaliksik ni:
Molina, Hanna Kamila

🎢 "Garo ka si Mayon na magayon~ Digdi ka lang... Padaba taka." 🎢✨ May mga ganda talagang hindi nakakasawang pagmasdan, g...
03/08/2025

🎢 "Garo ka si Mayon na magayon~ Digdi ka lang... Padaba taka." 🎢

✨ May mga ganda talagang hindi nakakasawang pagmasdan, gaya ng Bulkang Mayon. Isang paraisong anyong-lupa na hindi lamang nagpapakilig ng mata, kundi pumupukaw rin ng damdamin. 🏞️

Mula sa perpektong hugis-apa na tila inukit mismo ng kalikasan, ang Mayon ay tunay na nakabibighani. πŸŒ‹ Ngunit higit pa sa panlabas na ganda nito, ito rin ay tahanan ng mga alamat, kuwentong-bayan, at kasaysayang nakaugat sa puso ng bawat Bicolano. πŸ’–

Hindi lang ito isang bulkan. Isa itong simbolo ng kariktan at katatagan, larawan ng lakas, at kultura ng rehiyon ng Bicol at ng sambayanang Pilipino. πŸ‡΅πŸ‡­

πŸ›‘οΈ Sa katunayan, ang Mayon ay protektado ng DENR upang mapangalagaan ang likas na yaman at kasaysayan ng bulkan. Dahil sa kahanga-hangang anyo at kabuluhan nito, nominado ang Bulkang Mayon sa tentative list ng UNESCO World Heritage Sitesβ€” patunay ng kanyang kahalagahan hindi lang sa bansa, kundi sa buong mundo. 🌍

Ngunit sa kabila ng alindog na taglay nito, may kaakibat itong panganib. ⚠️ Matatagpuan ito sa Albay, Bicol Region, isang rehiyong kilala sa mga aktibong bulkan tulad ng Bulusan, Isarog, at Iriga. Sa kanilang lahat, ang Mayon ang pinakaaktibo, at unang naitala ang pagsabog nito mahigit apat na siglo na ang nakalipas, noong taong 1616. πŸ”₯

πŸŒ‹ Mayon is more than just a natural wonder, it is the living soul of Bicol. At sa likod ng kagandahan at lakas ng Mayon, paalala ito sa atin na ang kalikasan ay hindi lamang pinagmamasdan, ito’y inaalagaan at pinahahalagahan. πŸ’š

Isinulat ni:
Pontawi, Ranz Andrei S.

Paskil nina:
Lagare, Joshua Trazin A.
Panoy, Krisheyne Joy P.

Pananaliksik ni:
Molina, Hanna Kamila

πŸ‡΅πŸ‡­ Diwa ng Kasaysayan, Kabilin sa Kabataan πŸ’›πŸ€ŽAng Buwan ng Kasaysayan ay isang mahalagang pagdiriwang na ginaganap tuwing...
01/08/2025

πŸ‡΅πŸ‡­ Diwa ng Kasaysayan, Kabilin sa Kabataan πŸ’›πŸ€Ž

Ang Buwan ng Kasaysayan ay isang mahalagang pagdiriwang na ginaganap tuwing Agosto sa Pilipinas. Ito ay simbolo ng mga kaganapan sa nakaraan na patuloy na nakaukit sa puso at isipan ng mga tao. πŸ₯°πŸ‘Š Itinaguyod ang pagdiriwang na ito sa bisa ng Proklamasyon Blg. 339 noong 2012. πŸ“œβœοΈ

Layunin ng proklamasyong ito ang kahalagahan ng kasaysayan sa pagkakakilanlan ng mga Pilipino. βš–οΈ Tuwing Agosto, isinasagawa ang Buwan ng Kasaysayan bilang paggunita sa mga makasaysayang pangyayari, kabilang ang mga araw ng mga bayani, na lumaban para sa pagmamahal sa bansa at ang iba pang mga labanan na naganap sa Pilipinas. πŸ«‘πŸ™Œ

Bawat taon, may nakalaang tema para sa pagdiriwang. Ngayong taon, ang tema ay "Diwa ng Kasaysayan, Kabilin sa Kabataan." πŸ’ŒπŸ€ Sa temang ito, hinihimok ang lahat na patuloy dinggin ang mga aral mula sa nakaraan. πŸ’« Para sa mga kabataan, mahalagang magkaroon ng kaalaman sa mga pangyayari sa kasaysayan upang ito ay patuloy na mapahalagahan. πŸ“–πŸ’“

Isinulat ni:
Parallag, Andreana D.

Paskil ni:
Eijansantos, Mary Antonette A.

Address

Makati

Telephone

+639611692408

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when FBHS-Historical Club (Official) posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to FBHS-Historical Club (Official):

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram