Tañong Health Center - Malabon

Tañong Health Center - Malabon Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Tañong Health Center - Malabon, Medical and health, Malabon.

14/08/2025

Protektahan ang sarili at ang komunidad. Gawin ang 7 Healthy Habits na nasa larawan!

🏥 Kumonsulta sa health centers para sa mga serbisyong pangkalusugan.

Isang paalala ngayong Linggo ng Kabataan.




14/08/2025

Sa bawat sulok ng Malabon, may kabataang tahimik na naglilingkod—nagbabantay sa barangay, nagtuturo sa kapwa, nagtatanim ng pag-asa.

Ngayong 𝐋𝐢𝐧𝐠𝐠𝐨 𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐛𝐚𝐭𝐚𝐚𝐧, sila ang ating pinagpupugayan!

Sa simpleng gawa, may malaking saysay. Sa maliit na boses, may lakas ng pagbabago.

Kabataan, patuloy na kumilos! Sumali sa mga proyekto ng 𝗦𝗮𝗻𝗴𝗴𝘂𝗻𝗶𝗮𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗯𝗮𝘁𝗮𝗮𝗻. Makilahok sa mga forum, cleanup drive, at outreach program.

𝗞𝗮𝘆𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗶𝗺𝘂𝗹𝗮 𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗸𝗮𝘁𝗮𝗼𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗹𝗶𝗹𝗶𝗻𝗴𝗸𝗼𝗱.

"Hindi kailangang maging sikat para maging makabuluhan ang iyong ambag." Makialam. Makisama. Magsimula ng pagbabago!

Ibahagi ang mensaheng ito para mas marami pa ang maabot at makasama sa ating adhikain na maging para sa dahil

14/08/2025

👩‍❤️‍👨𝑨𝒍𝒂𝒎 𝒎𝒐 𝒌𝒖𝒏𝒈 𝒂𝒏𝒐𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒉𝒂𝒍𝒂𝒈𝒂𝒏𝒈 𝒑𝒂𝒈-𝒖𝒔𝒂𝒑𝒂𝒏? 𝑻𝒂𝒓𝒂, 𝒖𝒔𝒂𝒑 𝒕𝒂𝒚𝒐 𝒔𝒂 𝑭𝒂𝒎𝒊𝒍𝒚 𝑷𝒍𝒂𝒏𝒏𝒊𝒏𝒈!👩‍❤️‍💋‍👨

Ang 𝗥𝗲𝘀𝗽𝗼𝗻𝘀𝗶𝗯𝗹𝗲 𝗣𝗮𝗿𝗲𝗻𝘁𝗵𝗼𝗼𝗱 𝗮𝗻𝗱 𝗥𝗲𝗽𝗿𝗼𝗱𝘂𝗰𝘁𝗶𝘃𝗲 𝗛𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵 𝗔𝗰𝘁 𝗼𝗳 𝟮𝟬𝟭𝟮 𝗼 𝗥𝗛 𝗟𝗮𝘄 ay isang batas na sinisigurong may serbisyong abot-kamay ng mga Pilipino ukol sa Reproductive Health. Kasama rito ang Family Planning na nagbibigay kaalaman ukol sa responsableng pagpapamilya, at ligtas na pagtatalik gamit ang iba’t ibang legal at ligtas na contraceptives.

Kumonsulta sa health center para sa family planning method na swak sa inyong nais at pangangailangan.

👨‍👩‍👧‍👦𝐓𝐚𝐧𝐝𝐚𝐚𝐧, 𝐏𝐚𝐧𝐚𝐥𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐦𝐢𝐥𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐥𝐚𝐧𝐚𝐝𝐨!



14/08/2025

📢 𝗣𝗔𝗔𝗡𝗬𝗔𝗬𝗔: 𝗢𝗡𝗟𝗜𝗡𝗘 𝗙𝗢𝗥𝗨𝗠 𝗢𝗡 𝗟𝗘𝗣𝗧𝗢𝗦𝗣𝗜𝗥𝗢𝗦𝗜𝗦🐀🌧

Malabueño, May paparating na bagyo sa mga susunod na araw, kaya 𝗱𝗼𝗯𝗹𝗲𝗵𝗶𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴-𝗶𝗶𝗻𝗴𝗮𝘁 𝗸𝗼𝗻𝘁𝗿𝗮 𝗟𝗲𝗽𝘁𝗼𝘀𝗽𝗶𝗿𝗼𝘀𝗶𝘀!

Kapag mabilis bumaha, hindi lang paligid ang dapat handa—𝗽𝗮𝘁𝗶 𝗮𝗻𝗴 𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗹𝘂𝘀𝘂𝗴𝗮𝗻 𝗮𝘆 𝗱𝗮𝗽𝗮𝘁 𝗽𝗿𝗼𝘁𝗲𝗸𝘁𝗮𝗱𝗼 laban sa nakamamatay na sakit na ito.

📢𝗛𝗮𝗹𝗶𝗻𝗮’𝘁 𝗺𝗮𝗸𝗶𝗶𝘀𝗮 𝘀𝗮 𝗟𝗲𝗽𝘁𝗼𝘀𝗽𝗶𝗿𝗼𝘀𝗶𝘀 𝗢𝗻𝗹𝗶𝗻𝗲 𝗙𝗼𝗿𝘂𝗺
🗓️ 𝗔𝗴𝗼𝘀𝘁𝗼 𝟭𝟰, 𝟮𝟬𝟮𝟱 (𝗛𝘂𝘄𝗲𝗯𝗲𝘀)
🕙 𝟭𝟬:𝟬𝟬 𝗔𝗠
📍 I-scan ang QR code o bisitahin ang www.bit.ly/LeptoForum
📺 Maaari din itong mapanood ng 𝗟𝗜𝗩𝗘 sa 𝗗𝗢𝗛 𝗠𝗲𝘁𝗿𝗼 𝗠𝗮𝗻𝗶𝗹𝗮 𝗖𝗲𝗻𝘁𝗲𝗿 𝗳𝗼𝗿 𝗛𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵 𝗗𝗲𝘃𝗲𝗹𝗼𝗽𝗺𝗲𝗻𝘁 page:
👉 https://www.facebook.com/MetroManilaCHD

🤝 Sama-sama nating 𝗔𝗹𝗮𝗺𝗶𝗻, 𝗜𝘄𝗮𝘀𝗮𝗻, 𝗮𝘁 𝗟𝗮𝗯𝗮𝗻𝗮𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗟𝗲𝗽𝘁𝗼𝘀𝗽𝗶𝗿𝗼𝘀𝗶𝘀 para sa isang ligtas at malusog na komunidad.

Ibahagi ang mensaheng ito para mas marami pa ang maabot at makasama sa ating adhikain na maging para sa dahil


🚨 OSMAL: ‘WAG GUMAMIT NG DOXYCYCLINE NANG WALANG RESETA🚨Ang doxycycline ay isang antibiotic na ginagamit laban sa Leptos...
28/07/2025

🚨 OSMAL: ‘WAG GUMAMIT NG DOXYCYCLINE NANG WALANG RESETA🚨

Ang doxycycline ay isang antibiotic na ginagamit laban sa Leptospirosis.

Kapag mali ang pag-inom, pwedeng mawalan ito ng bisa laban sa mga mikrobyo at maging mas mahirap gamutin ang simpleng impeksyon. Pwede itong humantong sa matagal o mas matinding pagkakasakit.

Nakadepende ang pag-inom ng doxycycline sa exposure o risk level ng taong nalubog sa baha.

Payo ng Ospital ng Malabon, magpatingin sa doktor para sa tamang reseta sa paggamit ng antibiotic na ito.





22/07/2025
22/07/2025

⚠️ LUMIKAS NA BAGO TUMAAS ANG TUBIG!

Patuloy ang malakas na ulan dahil sa habagat at mataas ang baha dahil sa high tide. May isinasagawang pagkukumpuni sa Navigational Gate kaya mas mabilis tumaas ang tubig.

👉 Kung kayo ay nakatira sa mababang lugar o binabahang barangay, lumikas na agad habang ligtas pa ang daan.

✅ Bukas at handang tumanggap ang ating mga evacuation centers.

📞 Para sa tulong at koordinasyon, tumawag sa:
Central Command and Communications Center
📱 8-921-6009 / 8-921-6029
📱 0942-372-9891 / 0919-062-5588

TXT MJS
📱 0917-689-8657

⚠️ Ang buhay ay hindi isinusugal—kaligtasan muna!

22/07/2025

𝐌𝐚𝐠𝐢𝐧𝐠 𝐚𝐥𝐞𝐫𝐭𝐨 𝐧𝐠𝐚𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐭𝐚𝐠-𝐮𝐥𝐚𝐧 𝐚𝐭 𝐚𝐥𝐚𝐦𝐢𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐑𝐚𝐢𝐧𝐟𝐚𝐥𝐥 𝐖𝐚𝐫𝐧𝐢𝐧𝐠 𝐒𝐲𝐬𝐭𝐞𝐦! 🌧️⚠️

🟡 𝐘𝐞𝐥𝐥𝐨𝐰 𝐑𝐚𝐢𝐧𝐟𝐚𝐥𝐥 o 𝐌𝐚𝐥𝐚𝐤𝐚𝐬 na pag-ulan.
𝐁𝐚𝐧𝐭𝐚𝐲𝐚𝐧 ang mga ulat at abiso.
🟠 𝐎𝐫𝐚𝐧𝐠𝐞 𝐑𝐚𝐢𝐧𝐟𝐚𝐥𝐥 o 𝐌𝐚𝐭𝐢𝐧𝐝𝐢𝐧𝐠 pag-ulan.
𝐌𝐚𝐠𝐢𝐧𝐠 𝐚𝐥𝐞𝐫𝐭𝐨 sa posibleng pagbaha at paglikas.
🔴 𝐑𝐞𝐝 𝐑𝐚𝐢𝐧𝐟𝐚𝐥𝐥 o 𝐖𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐡𝐮𝐦𝐩𝐚𝐲 na pag-ulan.
𝐋𝐮𝐦𝐢𝐤𝐚𝐬 kung may panganib ng pagbaha o pagguho ng lupa.

Kapag may bagyo, lumikas kung kinakailangan at ihanda ang GO bag!

𝐋𝐢𝐠𝐭𝐚𝐬 𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐲 𝐚𝐥𝐚𝐦 𝐧𝐠𝐚𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐭𝐚𝐠-𝐮𝐥𝐚𝐧! 𝐃𝐚𝐡𝐢𝐥 𝐬𝐚 𝐁𝐚𝐠𝐨𝐧𝐠 𝐏𝐢𝐥𝐢𝐩𝐧𝐚𝐬, 𝐛𝐚𝐰𝐚𝐭 𝐛𝐮𝐡𝐚𝐲 𝐦𝐚𝐡𝐚𝐥𝐚𝐠𝐚!



22/07/2025

📞MALABON CITY EMERGENCY HOTLINES

Ang bawat segundo ay mahalaga sa oras ng sakuna. Siguraduhing alam natin kung sino ang dapat kontakin.

Narito ang mga emergency hotlines na maaari n’yong tawagan sa oras ng pangangailangan.

Maaaring i-download ang Malabon AHON 24/7 Alert App (All Hazards One Network), para sa mas mabilis na koordinasyon sa mga rescuers at ahensyang handang tumutugon sa sakuna.

Manatiling alerto at ligtas po tayong lahat!




22/07/2025

Wala po tayong wellbaby immunization bukas july 23,2025 (Miyerkules) dahil po sa sama ng panahon.Salamat po

Keep safe everyone.🙏

11/07/2025

𝗙𝗥𝗘𝗘 𝗖𝗛𝗘𝗦𝗧 𝗫-𝗥𝗔𝗬

Calling all our ka-lungs!🫁

Sa darating na 𝗟𝘂𝗻𝗲𝘀, 𝗝𝘂𝗹𝘆 𝟭𝟰, 𝟮𝟬𝟮𝟱 ay magkakaroon ng 𝗙𝗿𝗲𝗲 𝗖𝗵𝗲𝘀𝘁 𝗫-𝗿𝗮𝘆 at 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗳𝗲𝗿𝗼𝗻 𝗚𝗮𝗺𝗺𝗮 𝗿𝗲𝗹𝗲𝗮𝘀𝗲 𝗔𝘀𝘀𝗮𝘆 (𝗜𝗚𝗥𝗔) 𝗧𝗲𝘀𝘁 sa 𝗥𝗼𝗯𝗶𝗻𝘀𝗼𝗻𝘀 𝗠𝗮𝗹𝗮𝗯𝗼𝗻 (M.H. Del Pilar Parking Area) mula 𝗮𝗹𝗮𝘀-𝗼𝘁𝘀𝗼 (𝟴) 𝗻𝗴 𝘂𝗺𝗮𝗴𝗮 hanggang 𝗮𝗹𝗮𝘀-𝘁𝗿𝗲𝘀 (𝟯) 𝗻𝗴 𝗵𝗮𝗽𝗼𝗻. Ito ay upang paigtingin ang proyektong Active Case Finding (ACF) ng National Tuberculosis Program (NTP) ng ating lungsod.

Ito ay bukas para sa lahat ng edad labing-lima (15) taon gulang pataas na residente ng Malabon. Magdala lamang ng isang (1) valid ID.

Para sa mga nais makatanggap ng libreng serbisyo, magtungo lamang sa nasabing lugar.

Ibahagi ang mensaheng ito para mas marami pa ang maabot at makasama sa ating adhikain na maging para sa dahil

📌
26/06/2025

📌

Mga ka Brgy Dahil po tayo ay nakakaranas ng pag ulan at pag baha sa ating lugar, ang ating Tañong Health Center po ay nag bibigay ng Doxycycline tablet as prophylaxis for Leptospirosis. Maaaring pumunta lamang po sa ating center. Maraming salamat po

Keep safe everyone.

Address

Malabon
1470

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Tañong Health Center - Malabon posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram