27/09/2025
[HIGHLIGHTS] Bilang pakikiisa sa walang humapay na empowerment ng kababaihan, dinaluhan ng Kabataan Community Health Advocacy Team (KaCHAT) ang isinagawang konsultasyon sa sektor ng kababaihan na inorganisa ng Institute of Politics and Governance (IPG), Women Power Hub (WPH), at Office of Malabon City Councilor Nadja Marie Vicencio.
Nagsilbi bilang kinatawan si John Lawrence Legaspi, ang social communications committee head ng KaCHAT bitbit ang mahahalagang hinaing at panawagan ng mga kababaihan sa mga komunidad kung saan kumikilos ang KaCHAT.
Tinalakay sa konsultasyon na ito ang kahalagahan ng pagkakaroon ng malakas na puwersa ng kababaihan na magkaroon ng sapat na puwang sa pagraratsada ng mga polisiya para sa kapwa kababaihan.
Pinangunahan din ng mga delegado ang pagbuo ng mga plano na siyang bibigyang buhay ng opisina ni Coun. Vicencio sa usapin ng kalusugan, trabaho, ekonomiya, empowerment, at marami pang iba.
Isa rin itong hakbang sa mas mahusay na pakikipag-ugnayan ng kababaihan sa policy makers at duty bearers upang madinig ang boses ng kababaihan sa lungsod.
———————————————
Caption by John Lawrence Legaspi
Para sa iba pang updates, i-like ang ating social media platforms!
Likhaan Center fLikhaan Center for Women's Health Inc.https://www.facebook.com/likhaanph
Instagram: https://www.instagram.com/likhaanph_
Website: https://www.likhaan.org/
Kabataan CommunitKabataan Community Health Advocacy Team - Ka-CHAT://www.facebook.com/kachat.likhaan
Instagram: https://www.instagram.com/its_kachat
TikTok: https://www.tiktok.com/
*xKits