Health Services Department BatStateU JPLPC-Malvar

Health Services Department BatStateU JPLPC-Malvar Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Health Services Department BatStateU JPLPC-Malvar, Health & Wellness Website, G. Leviste Sreet, Poblacion, Malvar.

As cases of Influenza-like Illnesses (ILI) are on the rise, we urge everyone to take simple precautions to protect yours...
15/10/2025

As cases of Influenza-like Illnesses (ILI) are on the rise, we urge everyone to take simple precautions to protect yourself and your community.

29/09/2025

Nagkapaltos ka ba sa sapatos pero parang di nawawala?
Nasugatan sa pagpapalinis ng kuko?
Nagmamanhid at di napansin na may malaki na sugat?

Hatid sa inyo ng Batangas Medical Center Department of Orthopedics
Halika at pagusapan natin sa

SUGAT NA DI GUMAGALING? IPATINGIN!

Isang talakayan na pag-uusapan ang pag-aalaga sa mga sugat sa paa, dahil sa mga sakit tulad ng DIABETES
(A Layforum on Diabetic Foot Ulcers and home management)

Makibahagi sa usapan BUKAS, Setyembre 30, 2025 1pm sa BatMC Outpatient Department Lobby

29/09/2025
29/09/2025

🚨 PANATILIHING LIGTAS ANG MGA DONASYON SA MGA EVACUATION CENTER 🚨

Umabot na sa 13,967 na pamilya ang kasalukuyang nananatili sa mga evacuation center, bunsod ng mga nagdaang bagyo, kabilang na ang kaka-landfall na Bagyong Opong.

👉 Para sa mga magdo-donate, narito ang mga pwede ninyong ipamahagi:

Pangunahing pangangailangan
- Tubig (bote o galon, sealed)
- Pagkain na ready-to-eat (canned goods, instant noodles, biscuits, energy bars, rice in packs)
- Cooking supplies (bigas, mantika, asin, asukal, kape)

Hygiene products
- Sabon (pangkatawan at panglaba)
- Shampoo at toothpaste
- Toothbrush at sanitary pads/panty liners
- Alcohol o hand sanitizer
- Diaper (pambata at pang-adult)
- Tissue at wet wipes
- Face masks

Damit at Kumot
- Malinis na damit (iba’t ibang size para sa bata at matanda)
- Kumot, banig o tuwalya
- Medyas at underwear (na bago)

Iba pang Mahalagang Bagay
- Flashlight at baterya
- Reusable eco-bags
- Gamot (basic meds tulad ng paracetamol, ORS, ointments para sa sugat at kagat ng lamok)

👉 Para sa mga evacuees, narito ang mga paraan para maging masustansya ang pagkain:
- Gumamit ng mas onting asin o seasoning
- Magdagdag ng protina tulad ng sardinas, tuna, at itlog
- Kumain ng prutas gaya ng nilagang saba o anumang prutas na available

🤝 Makipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan, simbahan, o community organizations upang matiyak na makararating ang mga donasyon sa mga nangangailangan.

Source: DSWD DROMIC Report No. 18 (as of 6AM, 9/26/25)




29/09/2025

🚨 OPONG NAG LANDFALL NA SA PILIPINAS; LUMIKAS SA MGA EVACUATION CENTER KUNG KINAKAILANGAN 🚨

⛈️ Ayon sa DOST-PAGASA, nag-landfall ang Severe Tropical Storm Opong sa Eastern Samar 11:30 ng gabi ng September 25. Magpapatuloy ito sa pagtahak sa Masbate, Sibuyan Sea, katimugang bahagi ng CALABARZON, at hilagang bahagi ng MIMAROPA bago tuluyang lumabas sa West Philippine Sea ngayong gabi o bukas ng umaga (27 Setyembre).

🏘️ Nasa 389 ang bilang ng evacuation center na nakahanda at ginagamit ng mga pamilyang lumikas dahil sa bagyo ayon sa report ng NDRMMC.

‼️ Sundin ang mga abiso ng inyong lokal na pamahalaan at agad lumikas kung kinakailangan. Siguraduhin ding manatiling ligtas at malusog habang nasa evacuation center, lalo na kung magtatagal ang pananatili rito.

✅ Magsuot ng face mask at takpan ang bibig kapag babahing o uubo
✅ Ugaliing maghugas ng kamay bago kumain at pagkatapos gumamit ng palikuran
✅ Hangga't maaari, gumamit lamang ng personal na gamit
✅ Uminom lamang ng malinis na tubig; gumamit ng chlorine tabs kapag hindi tiyak ang kalinisan ng inumin
✅ Panatilihing malinis ang kapaligiran at sarili kapag may pagkakataon
✅ Agad lumapit sa health worker kung may nararamdamang lagnat, ubo, sipon, o iba pang sintomas.

Sources:
PAGASA Tropical Cyclone Bulletin No. 15
NDRMMC Situational Report No. 17




29/09/2025

🌿 Breaking the Silence: Changing the Narrative on Su***de 🌿
📅 September 9, 2025 | 🕘 9:00 AM – 11:00 AM

👉 Register now and be part of the movement: https://bit.ly/BreakingTheSilence2025

💬 Alam mo ba na the words we use can either build stigma or open doors to healing? Join us sa — isang half-day online event na magbabago kung paano natin pinag-uusapan ang su***de.

Kasama ang mga mental health advocates at expertsmatutunan natin how language, media, and everyday conversations can create a safer, more compassionate space for those at risk.

✨ Together, let’s break the silence and foster hope.

***dePrevention

25/09/2025

DOH: MAG-INGAT SA BANTA NG PAGKALUNOD DAHIL SA BAHA

Bunsod ng paparating na Severe Tropical Storm Opong, inaasahan ang pagbaha ngayong araw sa mga probinsya ng Northern Samar, Eastern Samar, Sorsogon, Masbate, Samar, at Biliran.

May posibilidad din ng pagbaha sa Catanduanes, Leyte, Southern Leyte, at Dinagat Islands, lalo na sa mga lugar na madaling bahain o malapit sa mga ilog.

Pinaaalalahanan ng DOH ang publiko na mag-ingat sa pagkalunod. Maging handa rin sa pag-likas lalo na kapag nakatira malapit sa coastal areas.

Tignan ang flood advisory at storm surge warnings ng DOST-PAGASA para malaman ang lagay ng mga ilog at tabing dagat sa inyong lugar.

Narito ang ilang paalala para maiwasan ang pagkalunod.

Source: PAGASA Weather Advisory No. 23 (as of 5AM, September 25)





24/09/2025

🚨IWASAN ANG BANTA NG LEPTOSPIROSIS! 🚨

Dahil sa malakas na ulan na dala ng Super Typhoon Nando, nakaantabay na ang mga apektadong lugar sa posibleng malawakang pagbaha. Ang bahang ito ay maaaring magdala ng bakterya na nagdudulot ng Leptospirosis.

Mga hakbang para maiwasan ang sakit:

1️⃣ Iwasang lumusong sa baha.

2️⃣ Agad maghugas o maligo kung lumusong sa baha.

3️⃣ Kumonsulta sa doktor para sa tamang gamutan.




24/09/2025

🚨 LABANAN ANG MGA SAKIT NGAYONG TAG-ULAN 🚨

Kasabay ng posibleng epekto ng Super Typhoon Nando sa mga kabahayan at ari-arian, tumataas din ang panganib ng iba’t ibang sakit.

Protektahan ang pamilya sa pamamagitan ng:

1️⃣ Pagsubaybay sa anunsyo ng PAGASA at lokal na pamahalaan.

2️⃣ Pagsagawa ng TAOB, TAKTAK, TUYO, TAKIP para walang pamahayan ang lamok.

3️⃣ Pananatili sa bahay kapag may sakit.

4️⃣ Agarang pagpapakonsulta kapag may nararamdamang sintomas.

❗️Tandaan: Tumawag sa National Emergency Hotline 911 o sa inyong lokal na emergency hotlines kapag nangailangan ng tulong ❗️




24/09/2025

🎒DOH: IHANDA ANG INYONG EMERGENCY GO BAG BILANG PAGHAHANDA SA SUPER TYPHOON NANDO

Kasalukuyang binabantayan ng pamahalaan ang Super Typhoon Nando na inaasahang magdadala ng malakas na pag-uulan sa ilang bahagi ng Hilagang Luzon at maging sa ibang parte ng Luzon.

❗️Paalala ng DOH, maagang ihanda ang inyong Emergency GO BAG bilang parte ng maagap na paghahanda sa banta ng pagbaha, landslides, at malakas na pagulan.

✅ Gamitin ang larawan bilang gabay sa pagkumpleto ng mga importanteng gamit na laman ng inyong Emergency GO Bag.

Sa panahon ng sakuna, maaaring tumawag sa: 🚨Emergency Hotline 911
📞 DOH Hotline 1555, press 3




24/09/2025

🚨 PANATILIHING LIGTAS ANG INUMING TUBIG 🚨
Maaaring dala ng malakas na pag-ulan ang mga samu’t-saring mikrobyo na delikado sa kalusugan.

Siguraduhing malinis ang iniinom na tubig saan ka man naroroon:
1️⃣ Pakuluan ng hindi bababa sa 2 minuto.
2️⃣ Gumamit ng chlorine tablets na ipinamimigay ng inyong LGU.




Address

G. Leviste Sreet, Poblacion
Malvar
4233

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Health Services Department BatStateU JPLPC-Malvar posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to Health Services Department BatStateU JPLPC-Malvar:

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram