13/12/2025
๐๐๐ฆ๐-๐๐๐ฆ๐๐ง๐ ๐๐๐ ๐ฅ๐ข๐ง๐ ๐ค๐จ๐: ๐๐๐ฅ๐ข๐ง๐ ๐, ๐๐๐ฅ๐ข๐ง๐ข๐ฌ๐๐ง, ๐๐ญ ๐๐๐ฅ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ ๐๐ง
December 13 โ Isinagawa ng Senior Red Cross Youth Council ang isang makabuluhang outreach program bilang bahagi ng kanilang patuloy na adhikain na maglingkod sa komunidad at magbahagi ng malasakit sa kapwa.
Pormal na sinimulan ang programa bandang alas-2:30 ng hapon sa pamamagitan ng panalangin na pinangunahan ni Precious Moira Molina. Sinundan ito ng mga panimulang pananalita ni Mr. Michael John C. Gediela na nagbigay-diin sa kahalagahan ng pagkakaisa at boluntaryong paglilingkod. Nagbigay rin ng isang inspirasyonal na mensahe si Mr. Nicanor Macaballug na nagbigay-lakas at motibasyon sa mga kalahok upang patuloy na maglingkod nang may puso at malasakit.
Ipinaliwanag ni Ghie Anne Binos ang mga layunin ng programa at binigyang-diin ang mahalagang papel ng kabataan sa mga gawaing pangkomunidad. Bilang bahagi ng programa, nagsagawa rin ng ibaโt ibang laro at aktibidad na pinangunahan ng mga event coordinators upang magbigay-saya at palakasin ang samahan ng mga kalahok.
Isa sa mga tampok na bahagi ng programa ang pamamahagi ng food at hygiene kits na isinagawa ng mga organizers bilang konkretong tulong sa mga benepisyaryo. Nagkaroon din ng awarding ceremony na pinangunahan ni John Paul Taylan bilang pagkilala sa mga indibidwal at sektor na naging bahagi ng tagumpay ng programa. Sa pagtatapos, nagbigay ng closing remarks si Samuel Ibanez bago ang photo opportunity bilang paggunita sa matagumpay na aktibidad.
Lubos na ipinapaabot ng organisasyon ang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng tumulong at sumuporta sa programa. Isang espesyal na pasasalamat ang inihahandog sa mga sponsors na sina Hon. Carmelita Abalos, Hon. Anthony Suva, Councilor Charisse Abalos, Councilor Danny De Guzman, Councilor Grace Antonio, Councilor Junis Alim, Councilor Elton Yap, ang RTU-LS Office Staff, ang Macaballug Family, ang Jacinto Family, Ms. Gem Navarro, at Mr. Dennis Perez, sa kanilang walang sawang suporta at malasakit.
Nagpapasalamat din ang Senior Red Cross Youth Council kay Barangay Chairman Richard Bassig at sa Sangguniang Barangay ng Daang Bakal sa pagbibigay ng pahintulot na maging benepisyaryo ng programa, na naging mahalagang bahagi ng tagumpay ng aktibidad.
๐ธ: Public Relations Committee
๐: John Paul Taylan