Doc G Online: Pediatrician You Can Trust

Doc G Online: Pediatrician You Can Trust Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Doc G Online: Pediatrician You Can Trust, Medical and health, Manila.

Pediatrician & Child Health Educator ๐Ÿงธ

I help parents understand newborn to adolescent health without fear or confusion.

๐Ÿ‘‰ Book a consultation / Learn more โฌ‡๏ธ

Nakakagutom naman kasi talaga ๐Ÿคฃ
06/05/2026

Nakakagutom naman kasi talaga ๐Ÿคฃ

Clinic schedule today ๐Ÿงธ
05/05/2026

Clinic schedule today ๐Ÿงธ

May mga araw talaga na banayad sa clinic. Walang pasyente. Tahimik. Maraming oras magisip isip. Gaya ngayon. Ayan tuloy ...
05/05/2026

May mga araw talaga na banayad sa clinic. Walang pasyente. Tahimik. Maraming oras magisip isip.

Gaya ngayon. Ayan tuloy nakapag muni muni ๐Ÿ˜…

So... break muna sa mga health posts at kukwentuhan ko muna kayo.

May ibang doktor na hindi pinili maging pedia kasi mahirap malaman ang sakit ng pasyenteng hindi nakakapagsalita, puro iyak lang. May point nga naman! ๐Ÿ˜‚

Ako naman, pinili kong maging pediatrician dahil ang cute ng mga bata, lalo na pag baby pa sila! Kahit minsan tumutulo ang sipon at umaapaw sa diaper ang ๐Ÿ’ฉ, ang cucute pa rin!

Pero ito ang mas malalim na dahilan kung bakit masaya ako sa pagiging pediatrician. ๐Ÿ‘‰๐Ÿป

Ibang klaseng saya makita ang batang kanina iyak ng iyak, hindi mapakali, tapos pag okay na ang pakiramdam, makikipag high five sayo na parang walang nangyari.

Walang makakapantay sa pakiramdam na marinig ang unang iyak ng bagong panganak na sanggol na kanina lang ay nagaagaw buhay.

Napaka fulfilling makita ang mga dating baby pa, unti unting nachecheck ang milestones nila at pagpunta sa clinic may baon pang song and dance number!

Kaya nakakalungkot minsan makarinig ng comments na pare-parehong mukhang pera ang mga doktor o pinagkakakitaan lang namin ang mga pasyente.

Totoo, hanapbuhay namin ito dahil kagaya po ninyo, meron ding kaming binabayarang tubig, kuryente, wifi. Namamalengke at grocery din naman po kami. Ang mga convention din pong inattendan namin para sa patuloy na pagupdate ng kaalaman ay hindi libre, may kamahalan din po ๐Ÿฅฒ

Pareho tayong naghahanap buhay. Yun nga lang, hindi pera ang hawak namin kundi buhay. Hindi pagayos ng sirang sasakyan ang job description namin kundi madiagnose at magreseta ng tamang gamot.

Pero higit sa pagiging hanapbuhay, para sa akin ang pagiging Pediatrician ay isang paraan para maglingkod sa Panginoon. Naniniwala akong pinagkatiwala ang propesyong ito para maging daan ng kagalingan sa pamamagitan Niya.

Kaya naman kasama niyo po akong hindi mapakali kapag hindi gumagaling ang bata.

One message away ako para sa mga pasyente ko, kahit pa nasa convention o bakasyon ako -- free of charge!

At ayaw na ayaw ko pong nagkikita tayo sa clinic dahil may sakit ang bata. Well baby check up lang sana para lahat tayo fresh! ๐Ÿƒ

Hindi magaan ang responsibilidad na alagaan ang buhay ng mga bata kaya napakalaking pasasalamat sa mga magulang na patuloy na ipinagkakatiwala ang kalusugan ng mga anak nila at patuloy na nakikinig sa professional advice ko ๐Ÿ™๐Ÿป

Yun lang po. Magpabakuna na po kayo ng flu vaccine para di po tayo masyado magkita sa June ๐Ÿฅน

Kung ganito ang baby mo, wag na mapatumpik tumpik pa! Dalhin na agad sa hospital โš ๏ธ
05/05/2026

Kung ganito ang baby mo, wag na mapatumpik tumpik pa! Dalhin na agad sa hospital โš ๏ธ

๐Ÿšจ RED FLAGS SA BATA NA HINDI DAPAT I-IGNORE

๐ŸŒก๏ธ 1. Mataas na lagnat
๐Ÿ‘‰๐Ÿผ38ยฐC pataas sa baby

Sa sobrang pagbibigay natin ng importansya sa pagaaral, nakakalimutan nating may mga kailangan munang matutunan si baby ...
05/05/2026

Sa sobrang pagbibigay natin ng importansya sa pagaaral, nakakalimutan nating may mga kailangan munang matutunan si baby bago ang ABCs ๐Ÿ‘‰๐Ÿป

HERE ARE 5 LIFE SKILLS YOU CAN TEACH YOUR CHILD ๐Ÿ‘‡๐Ÿผ

๐Ÿซง ๐๐š๐ ๐ฌ๐š๐ฌ๐š๐ฅ๐ข๐ง ๐ง๐  ๐ญ๐ฎ๐›๐ข๐ 
Nagpapalakas ito ng focus, hand control, at coordination. Ang simpleng pag-angat, pag-tagilid, at pag-adjust ng lalagyan ay nagtuturo sa kanila ng tamang galaw, bilis, at direction para masalin ng maayos ang tubig. Mukha lang tong simple para sa atin kasi sanay na tayo pero for them, these small adjustments support early problem-solving skills.

๐Ÿซง ๐๐š๐ ๐ก๐ฎ๐ก๐ฎ๐ ๐š๐ฌ ๐ง๐  ๐ค๐š๐ฆ๐š๐ฒ
Ituro ang paghuhugas ng kamay step by step para habang pinapakita sa kanya ang bawat step. Sa ganitong paraan, natututunan niya ang importance ng pagkakasunod-sunod at matatandaan ang process ng paghuhugas ng kamay. Gawin din itong routine para madevelop ang independence, body awareness, at self care habits.

๐Ÿซง๐๐š๐ ๐ฉ๐ฎ๐ง๐š๐ฌ ๐ง๐  ๐ง๐š๐ญ๐š๐ฉ๐จ๐ง
Kapag may natapong tubig, gawin itong opportunity para turuan ang anak imbes na pangunahan ng galit at paninigaw. Kapag tinuruan siyang magpunas ng natapon, natututunan niya ang pagiging responsible. Sa susunod, mas magiging aware na siya magdahan-dahan para hindi na ito mangyari ulit. In a simple way,
tinuruan natin sila to own up to their mistake.

๐Ÿซง ๐๐š๐ง๐ ๐š๐ฅ๐š๐ง๐š๐ง ๐š๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ซ๐ญ๐ž ๐ง๐  ๐ค๐š๐ญ๐š๐ฐ๐š๐ง
Maiging sa murang edad ay matutunan niya ang pangalan ng bawat body part. Nakakatulong ito to build self-awareness, body recognition, and early language development. Kapag papangalanan ang body part, siguraduhing gamitin ang actual na ngalan nito, lalo na sa sensitibong parte ng katawan. Pwede rin itong ipractice sa tuwing siya ay nagbibihis o naliligo para mas maintindihan at maalala niya. Halimbawa, "hugasan natin ang kamay mo" okaya "itaas mo ang paa mo."

๐Ÿซง ๐๐š๐ ๐ ๐š๐ฆ๐ข๐ญ ๐ง๐  ๐ค๐ฎ๐ญ๐ฌ๐š๐ซ๐š
Nakakatulong ito na palakasin ang fine motor skills, hand control, at precision lalo na kung paulit-ulit niya itong gagawin. Ang pagscoop, pagbalanse sa kutsara at paglipat sa lalagyan ay ginagamitan ng focus -- isang mahalagang life skill.

Minsan ineexpect nating matututunan din nila ang mga skills na ito on their own pero dapat nating tandaan na hindi pinanganak ang mga bata na may life skills na agad. At nakadepende sa inyo, mommy and daddy, ang pagtuturo ng mga to kay baby. ๐Ÿ’ซ

Medyo nakakabahala talaga kapag nagsimulang maging salbahe ang mga anak natin simula nang pumasok sila sa school... na p...
04/05/2026

Medyo nakakabahala talaga kapag nagsimulang maging salbahe ang mga anak natin simula nang pumasok sila sa school... na para bang hindi mo na siya kilala. ๐Ÿ˜ญ

Pero mommy, keep in mind na ๐š๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐›๐š๐ญ๐š ๐š๐ฒ ๐ฉ๐š๐ซ๐š๐ง๐  ๐ฌ๐ฉ๐จ๐ง๐ ๐ž. Minsan ginagaya nila ang nakikita at naririnig nila ๐จ๐ฎ๐ญ ๐จ๐Ÿ ๐œ๐ฎ๐ซ๐ข๐จ๐ฌ๐ข๐ญ๐ฒ. Hindi ibig sabihin nito nagiging salbahe na siya, sheโ€™s still trying to make sense of something na confusing, big, or hard to process.

Ask calmly kung bakit tumatak sa kanya yung bagong behavior nakita o narinig niya para malaman kung paano siya gagabayan at turuan kung alin ang tama o mali.

Here are a few ways to respond:

โœจKeep it calm and brief in the moment
If she hits, bites, or says a word na hindi allowed, stick to simple phrases like:
โ€œ๐ˆ ๐ฐ๐จ๐งโ€™๐ญ ๐ฅ๐ž๐ญ ๐ฒ๐จ๐ฎ ๐ก๐ข๐ญ.โ€
โ€œ๐๐ข๐ญ๐ข๐ง๐  ๐ก๐ฎ๐ซ๐ญ๐ฌ.โ€
โ€œ๐“๐ก๐š๐ญ ๐ฐ๐จ๐ซ๐ ๐ข๐ฌ ๐ง๐จ๐ญ ๐จ๐ค๐š๐ฒ.โ€

โœจ Ipakita kung ano ang alternative na pwedeng gawin
Ito madalas ang kulang. If sheโ€™s upset, give her the words or actions:
โ€œYou can say, โ€˜Iโ€™m mad.โ€™โ€
โ€œSay, โ€˜move please.โ€™โ€
โ€œTap my arm if you need me.โ€
๐Œ๐š๐ฌ ๐ž๐Ÿ๐Ÿ๐ž๐œ๐ญ๐ข๐ฏ๐ž ๐š๐ง๐  ๐ซ๐ž๐ฉ๐ฅ๐š๐œ๐ž๐ฆ๐ž๐ง๐ญ ๐ค๐š๐ฒ๐ฌ๐š ๐œ๐จ๐ซ๐ซ๐ž๐œ๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐ฅ๐š๐ง๐ .

โœจ Pag-usapan kapag kalmado na
Mas receptive sila when calm. You can say:
โ€œ๐ˆ ๐ง๐จ๐ญ๐ข๐œ๐ž๐ ๐ฒ๐จ๐ฎ ๐ฎ๐ฌ๐ž๐ ๐ญ๐ก๐š๐ญ ๐ฐ๐จ๐ซ๐. ๐๐š๐ซ๐ข๐ง๐ข๐  ๐ฆ๐จ ๐›๐š โ€˜๐ฒ๐จ๐ง ๐ฌ๐š ๐ฌ๐œ๐ก๐จ๐จ๐ฅ?โ€
โ€œ๐Œ๐ข๐ง๐ฌ๐š๐ง ๐ฆ๐š๐ฒ ๐ ๐ข๐ง๐š๐ ๐š๐ฐ๐š ๐š๐ง๐  ๐ข๐›๐š๐ง๐  ๐ค๐ข๐๐ฌ ๐ง๐š ๐ก๐ข๐ง๐๐ข ๐ฌ๐š๐Ÿ๐ž ๐จ๐ซ ๐ค๐ข๐ง๐. ๐–๐ž ๐œ๐š๐ง ๐œ๐ก๐จ๐จ๐ฌ๐ž ๐๐ข๐Ÿ๐Ÿ๐ž๐ซ๐ž๐ง๐ญ๐ฅ๐ฒ.โ€
This helps her process without feeling judged.

โœจ Check in with the school if it continues
It's not about blaming. ๐ˆ๐ญโ€™๐ฌ ๐š๐›๐จ๐ฎ๐ญ ๐ฎ๐ง๐๐ž๐ซ๐ฌ๐ญ๐š๐ง๐๐ข๐ง๐  ๐ฐ๐ก๐š๐ญ ๐ฌ๐ก๐žโ€™๐ฌ ๐ž๐ฑ๐ฉ๐จ๐ฌ๐ž๐ ๐ญ๐จ, may patterns ba, and how teachers respond. Teamwork helps a lot.

Minsan, nadadala ito ng mga bata sa bahay because ๐ก๐จ๐ฆ๐ž ๐Ÿ๐ž๐ž๐ฅ๐ฌ ๐ฌ๐š๐Ÿ๐ž. Alam niyang hindi siya ijajudge sa bahay. Pero imbes na magalit agad, ๐ฅ๐ž๐ญ ๐ฎ๐ฌ ๐ฆ๐ž๐ž๐ญ ๐จ๐ฎ๐ซ ๐œ๐ก๐ข๐ฅ๐๐ซ๐ž๐ง ๐ฐ๐ข๐ญ๐ก ๐ฅ๐จ๐ฏ๐ž.

Alamin kung saan nanggagaling ang bago niyang behavior at pagusapang maigi para maitama ito. Your child trusts and values your guidance, especially when you are calm. ๐Ÿ’œ

Huwag daw laging kargahin si baby dahil masspoil. May katotohanan nga kaya dun? ๐Ÿค”
03/05/2026

Huwag daw laging kargahin si baby dahil masspoil. May katotohanan nga kaya dun? ๐Ÿค”

โ€œCan You Spoil a Newborn?โ€ ๐Ÿ‘ถโŒ

Short answer: No. Impossible. Zero. Wala. ๐Ÿ˜‚

What happens when you respond fast?
โœ… Brain learns: โ€œWorld is safe. People help me.โ€
โœ… Stress hormone cortisol stays low โ†’ better sleep, growth, brain wiring
โœ… They cry LESS later because they trust youโ€™ll come

What happens when we โ€œlet them cry it outโ€ as newborns?
โŒ Toxic stress โ†’ affects learning + emotions long term
โŒ They donโ€™t โ€œlearn to self-soothe.โ€ They learn โ€œno one is coming.โ€

Spoiled = giving a 3-yr-old candy to stop tantrum.
Secure = picking up your 2-month-old at 3AM.

Big difference.

Bottom line:
You cannot spoil a baby with love, cuddles, and meeting needs.
You CAN spoil a child by giving no rules later.

But newborn? Kargahin mo. Dede mo. Ka-usapin mo.
Youโ€™re not creating a clingy baby.
Youโ€™re building a confident kid who knows youโ€™re their safe place. ๐Ÿ’™

Doc, what if Iโ€™m tired?
Then call Dad, Lola, yaya. โ€œVillageโ€ exists for a reason. Resting you = responsive you.






Hindi bumabang bayag ni baby, okay lang ba? ๐Ÿฅบ
02/05/2026

Hindi bumabang bayag ni baby, okay lang ba? ๐Ÿฅบ

โ˜๐ŸฝAlamin: Ano nga ba ang Cryptorchidism o Bayag ng lalaki na hindi bumaba?

Ang cryptorchidism (o undescended te**is) ay kondisyon kung saan ang isa o parehong bayag (testicles) ng batang lalaki ay hindi bumaba papunta sa sc***um bago o pagkatapos ipanganak.

๐Ÿ”Ž Ano ang normal?
Habang nasa sinapupunan pa ang sanggol, nabubuo ang testicles sa loob ng tiyan at karaniwang bumababa sa sc***um bago ipanganak (madalas sa huling buwan ng pagbubuntis).

Kung hindi ito bumaba, tinatawag itong cryptorchidism.

๐Ÿ“Š Gaano ito kadalas?
Mas karaniwan sa premature babies
Humigit-kumulang 3โ€“5% ng full-term baby boys ang may ganito sa kapanganakan
Kadalasan, kusang bumababa sa loob ng 3โ€“6 buwan

โš ๏ธ Bakit mahalagang maagapan?
Kung hindi bumaba ang testicle:
โ€ขMaaaring maapektuhan ang fertility (pagkakaroon ng anak) sa hinaharap
โ€ขMas mataas ang risk ng testicular cancer
โ€ขMas madaling ma-torsion (pagkabaluktot ng bayag)
โ€ขMaaaring magkaroon ng inguinal hernia

๐Ÿฉบ Ano ang dapat gawin?
1๏ธโƒฃ Magpatingin sa Pediatrician
Kung lampas na sa 6 na buwan at hindi pa rin bumababa ang bayag, kailangan na ng referral sa espesyalista (pediatric surgeon o urologist).

2๏ธโƒฃ Operasyon (Orchiopexy)
Ang karaniwang lunas ay isang simpleng operasyon na tinatawag na orchiopexy:
-Inilalagay ang testicle pababa sa sc***um
โœ…Pinakamainam gawin sa edad na 6โ€“18 buwan

Mataas ang success rate
โš ๏ธ Hindi na nirerekomenda ngayon ang hormonal therapy sa karamihan ng kaso.

๐Ÿšจ Kailan dapat magmadali?
Magpatingin agad kung:
*Biglang nawala ang bayag sa sc***um (posibleng torsion)
*May pananakit o pamamaga
*Hindi makita o makapa ang bayag




Dr.Mitch V. Mendoza
Source: https://www.myupchar.com/en/disease/undescended-testicle

Sa pagpapalaki ng anak, hindi mawawala ang ๐ฎ๐ง๐ฌ๐จ๐ฅ๐ข๐œ๐ข๐ญ๐ž๐ ๐š๐๐ฏ๐ข๐œ๐žโ€”lalo na galing sa lolo at lola. Minsan, galing ito sa love...
02/05/2026

Sa pagpapalaki ng anak, hindi mawawala ang ๐ฎ๐ง๐ฌ๐จ๐ฅ๐ข๐œ๐ข๐ญ๐ž๐ ๐š๐๐ฏ๐ข๐œ๐žโ€”lalo na galing sa lolo at lola. Minsan, galing ito sa love at experienceโ€ฆ pero minsan, nakaka-overwhelm din, especially kapag iba na ang current recommendations sa parenting at child care.

๐Ÿ’ก Importanteng tandaan:
๐˜๐จ๐ฎ ๐š๐ซ๐ž ๐ญ๐ก๐ž ๐ฉ๐š๐ซ๐ž๐ง๐ญ. ๐˜๐จ๐ฎ ๐ฆ๐š๐ค๐ž ๐ญ๐ก๐ž ๐Ÿ๐ข๐ง๐š๐ฅ ๐๐ž๐œ๐ข๐ฌ๐ข๐จ๐ง๐ฌ ๐Ÿ๐จ๐ซ ๐ฒ๐จ๐ฎ๐ซ ๐œ๐ก๐ข๐ฅ๐.

Pero paano ba i-handle ang ganitong situations?

โœ”๏ธ Acknowledge with respect
โ€œSalamat po sa advice.โ€ Minsan, enough na ito para ma-recognize ang intention nila without immediately agreeing.

โœ”๏ธ Set gentle boundaries
Okay lang magsabi ng: โ€œIba na po kasi ang advice ngayon ng pedia namin, yun po ang sinusunod namin.โ€

โœ”๏ธ Choose your battles
Hindi lahat kailangan i-correct. If itโ€™s harmless, you can let it go. But if it affects your childโ€™s health or safety, itโ€™s okay to stand firm.

โœ”๏ธ Stay calm and confident
Nakakatulong kapag kalmado ang pagkasabiโ€”less conflict, more understanding.

โœ”๏ธ Focus on your childโ€™s needs
At the end of the day, what matters most is whatโ€™s best for your babyโ€”hindi ang opinions ng ibang tao.

๐๐š๐ซ๐ž๐ง๐ญ๐ข๐ง๐  ๐ญ๐จ๐๐š๐ฒ ๐ฆ๐š๐ฒ ๐ฅ๐จ๐จ๐ค ๐๐ข๐Ÿ๐Ÿ๐ž๐ซ๐ž๐ง๐ญ ๐Ÿ๐ซ๐จ๐ฆ ๐›๐ž๐Ÿ๐จ๐ซ๐žโ€”and thatโ€™s okay. Every generation learns new things, especially when it comes to child health and development.

Doc G is here to support you in making informed, confident parenting decisions. ๐Ÿค—

Happy Labor Day! ๐Ÿ’™Salute to all parents, caregivers, at manggagawa na walang sawang nag-aalaga at sumusuporta sa mga bat...
01/05/2026

Happy Labor Day! ๐Ÿ’™

Salute to all parents, caregivers, at manggagawa na walang sawang nag-aalaga at sumusuporta sa mga batang Pilipino โœŠ๐Ÿฝ

Your hard work truly makes a difference every day! Mabuhay kayo! ๐Ÿ™Œ๐Ÿผ

Address

Manila
4323

Opening Hours

Monday 8am - 7pm
Tuesday 8am - 7pm
Wednesday 8am - 7pm
Thursday 8am - 7pm
Friday 8am - 7pm
Saturday 8am - 5pm

Telephone

+639338632841

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Doc G Online: Pediatrician You Can Trust posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share