28/11/2025
The Truth About Miss Nashi's Disappearance and Inactiveness in Astralnana
Written by the founder, caster, and reader herself.
It's been months since I handed over Astralnana to Niku myself. Madalas sumasagot lang ako 'pag kailangan na talaga 'yung expertise ko pero hindi na talaga ako 'yung gumagawa ng mga readings and spells kasi napagod na talaga ako. The truth is, malaki ang sama ng loob ko sa mga tao due to events that I will enumerate down below, and naubos talaga 'yung empathy and kindness ko kaya hindi ko magawang bumalik sa Astralnana.
As I've always said in the past, Astralnana is here to help. Oo may bayad kasi expertise ito. Hindi ito charity kasi hindi naman kami sobrang mayaman dahil hindi kami corrupt. Honest work pa rin ito and this had been my main source of income and life since 2022. Syempre sa influx of clients, hindi ko na siya kayang gawin mag-isa kasi I am a PWD and I have to take care of myself too. Ika nga ni Universe, BALANCE.
Bakit ako napagod kahit na I have help and I have others to support me in my craft? Because I experienced continuous maltreatment from people, minamasama nila lahat ng ginagawa ko. Naranasan kong masiraan, masabihan na sobrang dali lang ng ginagawa ko (easy-money), naranasan kong kwestyunin 'yung credibility ko, naranasan kong masabihan na scammer, naranasan kong tumulong at ako pa ang nasumbatan, naranasan ko na mabaliktad, gawing sinungaling, maging tama pero akusahan na mali, hindi mapakinggan, bastusin, gaguhin, yabangan, gawing archenemy (NA DI KO ALAM BAKIT KAILANGAN NIYO MAPATUNAYAN SA BUHAY NIYO NA MALI AKO), naranasan ko maatake ng other spiritual forces/workers dahil sa hindi ko alam na dahilan, naranasan ko lahat ng hindi ko gustong maranasan. AT IBA PA. MARAMI PA.
Mabibilang ko isa-isa at mababanggit ang buong pangalan ng mga client na hindi nakinig sa akin at ako pa ang sinisi (literally and energy wise), maiisa-isa ko lahat ng mga issues ng mga client na hanggang ngayon hindi pa rin nakukuha ang gusto nila kasi ayaw nilang makinig o sumunod o umintindi. Maiisa-isa ko lahat ng dahilan kung bakit tumutulong lang kami, at kung bakit ako nafufrustrate. Kasi WALA AKONG IBANG GUSTO KUNDI MAKUHA NIYO ANG GUSTO NIYO.
Anong mapapala ko sa misery niyo? Mas may mapapala ako 'pag naging masaya kayo kasi ibig sabihin nun VALIDATED ang TRUTH KO. Hindi sa ego lang na kesyo magaling, kesyo bla bla bla. Ang KATOTOHANAN ang importante sa akin.
Hindi ko hinahanap sa mga tao na i-stroke niyo ang ego ko. Kaya nga sinabi ko kay Rina at Niku na sa feedbacks or sa messages just call us ASTRALNANA para hindi centered sa akin ang feedback kasi it's not just me, but a whole team of humans and spirit guides helping YOU and ibinibigay ko rin ang acknowledgment sa kanila.
PERO HINDI WORTH IT ANG PERA IN EXCHANGE OF EVERYTHING I EXPERIENCED FROM PEOPLE.
Galit ako, oo. Ma-attitude ako, OO TALAGA SOBRA. Kasi HINDI AKO PLASTIK. Hindi ko isostroke 'yung ego niyo para lang maging masaya kayo KASI FAKE HAPPINESS 'YUN. Indulging your ego might make you love me more, PERO HINDI HONEST WORK IYON. Katarantaduhan iyon. Kaya LAGI AKONG GALIT KASI WALA PANG RASON PARA MAGING MASAYA AKO PARA SA MGA TAONG AYAW NAMAN TALAGA MAKINIG PARA SILA MISMO MAGING MASAYA SA BUHAY NILA.
Bata pa ako ang hiling ko na sa Universe ay maging masaya lang. Gusto ko mabuhay at mamatay nang masaya. Kaya iba na lang talaga 'yung galit ko sa mga taong pinipili maging miserable ang buhay nila.
Pero kahit na ganun, PINIPILI KO PA RIN TUMULONG. Sa pick a card readings, sa write ups, sa iba pang pwedeng i-share para MATAUHAN NAMAN KAYO. 'Di ba kayo napapagod maging miserable? KASI PAGOD NA PAGOD NA AKO SA MISERY NIYO. 'Di na kayo naging masaya, enthusiastic, hopeful, faithful, NA PARA BANG IKAYAYAMAN NIYO 'YANG PAG YAKAP SA KALUNGKUTAN NIYO.
Ngayon, mabibilang ko rin at masasabi ang buong mga pangalan ng mga taong nagpapanatili sa akin sa Astralnana. 'Yung mga tao na hindi man nagpaparamdam lagi, alam kong ginagawa 'yung best nila. Kung tingin mong ikaw iyon, malamang sa malamang HINDI IKAW IYON. Kasi sila 'yung mga tao na ang nasa isip at puso lang nila ay 'yung kung anong sinasabi ng spirit guides nila. 'Yung marunong umintindi, at gustong umintindi. At sa puntong ito, wala pang nagpaparamdam sa kanila sa akin kasi NABUBUHAY SILA NANG MATIWASAY WITH FAITH.
May mga hihilingin ako sa mga taong makakabasa nito, at sana maintindihan niyo. Una, huwag niyo kami i-gatekeep. Hindi kami gold para itabi sa vault. Pangalawa, PAKI-PRACTICE ANG KINDNESS. Kasi what I'm doing right now opening this up to all of you is ALREADY KINDNESS TO MYSELF. I will not tolerate anyone na hindi susubukan maging mabuting tao man lang. Pangatlo, PAKINGGAN NIYO ANG SPIRIT GUIDES NIYO. Hindi sila display. Disrespecting them is equivalent to disrespecting your loved ones. Panghuli, WE ARE NOT RELATED TO ANY OTHER CASTER, GROUP, O KAHIT SAAN MAN NA HINDI NAMIN INA-ANNOUNCE. Wala kaming kakilala na iba, wala kaming affiliation sa kahit sino. KAYA HUWAG NIYO KAMING GAMITIN FOR CLOUT. Wala kaming ibang nakatrabaho, wala kaming ibang hinire, wala kaming ibang kahit ano.
Gusto ko na lang maging payapa, masaya, at maging mabuting tao. Huwag niyo akong pagurin sa kasamaan ng ugali niyo.
Ps. Huwag niyo rin ako sabihan na huwag ako magalit, customer service EME EME, HINDI KAMI MALL. Spiritual workers kami, 'YUNG HINDI PLASTIC NA VERSION KASI INAACKNOWLEDGE NAMIN NA TAO KAMI. WE HAVE FEELINGS AND FEELING THOSE EMOTIONS ARE NORMAL FOR HUMANS. Hindi kami Diyos at HINDI KAMI NAGPAPAKADIYOS. Sana kayo rin.
Special Mention: Salamat sa nag recommend sa amin sa reddit. Nakita ko iyon, sana nakatulong kami sa life journey mo, just seeing that made me happy.
'YUN LANG. Thank you.