08/10/2020
DID YOU KNOW? The average Filipino spends 9 hours and 45 minutes using the internet every day. Add even more hours on other apps and gadgets --that’s more than half the 24 hours we have each day! 💻
How does that affect our mental health? 🤔
Social media has many positive benefits, especially during a pandemic. It allows us to connect emotionally with other people even across a distance. ❤️ It also allows us to catch up on our work and studies.
However, there is a growing body of research that shows a connection between the use of social networking sites, such as Facebook, and mental health concerns. ⚠️⚠️ Prolonged use or misuse of the internet may lead to depression, anxiety, low self-esteem, body image concerns, and internet addiction.
We need to protect ourselves and our children from its negative side effects.
TIP #1: Have a screen-free hobby you can do each day, like gardening, playing sports, or writing a journal 🌱
TIP #2: Phones off the table during meal times 🍽️
Aside from encouraging better mental and emotional health, minimising overuse of gadgets helps prevent “digital eye strain” or “computer vision syndrome”. ✅ This is part of the World Sight Day 2020, which has the theme .
To achieve a careful balance between entertainment, social connection and eye strain, here are some tips.
1. Follow the 20-20-20 rule 👀🕓
Every 20 minutes of using a screen device, take a 20-second break to look at something that is at least 20 feet away. This relaxes your eye muscles.
2. Blink more often 👁️👁️
Dry eyes can be worsened by staring at your screen without blinking for a long time. Our eyes need lubrication to function optimally.
3. Reduce screen brightness 📺🔆
Excessive screen brightness can irritate your eyes and cause even more straining. Use proper lighting in your room as well.
Social media and the internet have changed our ways of connecting and learning. But it is also changing our ways of thinking and our overall health. Protect yourself and use social media responsibly!
(And see you after your break!)
…
ALAM MO BA? Ayon sa isang pagsusuri, ang karaniwang Pilipino ay gumagamit ng internet nang 9 na oras at 45 na minuto kada araw. Mayroon pang dagdag na ilang oras sa ibang online apps at gadgets --sa kabuuan, ito’y higit kalahati ng 24 oras na mayroon tayo! 💻
Paano kaya ito nakakaapekto sa ating mental health? 🤔
Ang social media ay maraming positibong epekto, lalo na sa panahon ng pandemya. Binibigyan tayo ng pagkakataon na makasalamuha ang ibang tao kahit na may pisikal na distansya. ❤️ Nakakatulong din ito sa ating pag-aaral at trabaho.
Ngunit mayroong mga pagsusuri na nagpapakita na ang paggamit ng mga social networking sites, tulad ng Facebook, ay konektado sa mental health. ⚠️⚠️ Ang matagal o maling paggamit ng internet ay maaring sanhi ng depresyon, pagkabalisa, mababang pagtingin sa sarili, problema sa pagtingin sa sariling katawan, at adiksyon sa internet.
Kailangan nating bigyang proteksyon ang sarili laban sa mga negatibong epekto ng social media.
TIP #1: Magkaroon ng mga hilig na gawain na hindi nangangailangan ng cellphone, TV o computer, katulad ng pag-garden, ehersisyo, o pagbasa ng libro 🌱
TIP #2: Ilayo ang mga cellphone mula sa mesa kapag oras ng pagkain 🍽️
Maliban sa pagpapabuti ng mental at emotional health, ang responsableng paggamit ng mga gadget ay nakakatulong din sa pag-iwas sa “digital eye strain” o “computer vision syndrome”. ✅ Ngayong 2020, kailangan nating isapuso ang temang “Hope In Sight” sa pamamagitan ng pangngangalaga sa ating mga mata.
Para mabalanse ang mga benepisyo ng internet at ang kalusugan ng ating mga mata, ito ang ilang pwedeng gawin.
1. Sundan ang 20-20-20 rule 👀🕓
Kada 20 minuto ng paggamit ng isang device, ipahinga ang mga mata nang 20 segundo. Tumingin sa isang bagay na may layong 20 talampakan mula sa iyong posisyon. Ang gawain na ito ay makakapag-relax ng mga kalamnan na nagpapagalaw sa iyong mga mata.
2. Kumurap nang madalas 👁️👁️
Huwag masyadong tutok na tutok sa screen. Ang “dry eyes” at masakit na mata ay maaring maging mas malubha kapag hindi kumukurap nang madalas. Kailangan ng lubrikasyon at natural na luha ng ating mga mata.
3. Babaan ang liwanag ng screen 📺🔆
Ang sobrang liwanag na screen ay maaring makapahamak sa mata at magdulot ng mas lalong pagod. Siguraduhin din na may tama at sapat na ilaw sa kwarto.
Binago ng social media at internet ang ating pamamaraan ng pakikisalamuha at pagtratrabaho. Pero binabago rin nito ang ating pamamaraan ng pag-iisip at ang ating kabuuang kalusugan. Protektahan ang sarili at maging maingat sa paggamit ng social media!
…
Computer vision syndrome:
https://www.aoa.org/healthy-eyes/eye-and-vision-conditions/computer-vision-syndrome?sso=y
We are social. (2020). Digital 2020: The Phillippines: https://datareportal.com/reports/digital-2020-philippines