20/06/2020
PROSTATE ENLARGEMENT O PAGLAKI NG PROSTATE
Happy Father’s day!
Dahil “Araw ng mga Ama”, nais ng Click A Doc kamustahin ang mga pinakamamahal nating TATAY!
Isa sa mga madalas na nararanasan ng mga kalalakihan(edad 45 pataas) ay ang hirap sa pag-ihi.
Maraming lalaki ang pinagpapaliban ang pagpapakonsulta ng problema na ito dahil sila ay nahihiya o marahil ay di lang nila ito pinapansin. Subalit ito ay maaring dahil sa paglaki ng prostate.
Ang mga sumsunod ay mga sintomas na maaaring dulot ng paglaki ng prostate:
1.Madalas na pag-ihi sa araw (mahigit sa 5-6 beses sa isang araw)
2.Hindi mapigilan na paglabas ng ihi
3.Madalas na pagbangon sa gabi para umuhi(mahigit dalawang beses sa gabi)
4.Mahinang daloy ng ihi
5.Pakiramdam na may natitira pang laman ang pantog(bladder) pagkatapos umihi
6.Paputol-putol na daloy ng ihi
7.Kailangan umire para maka-ihi
Kapag hindi naagapan, maaring magdulot ito ng mga komplikasyon kagaya ng:
1.Impeksiyon
2.Pagkasira ng Kidney
3.Tuluyang pagbabara ng daanan ng ihi
4.Bato sa daanan ng ihi
…At marami pang iba
Kung ikaw ay meron ng mga nabanggit na sintomas, kumonsulta na para mabigyan ng karampatang lunas.
Maigi po na malunasan natin ang ganitong mga problema para maiwasan ang mga komplikasyon
Isang paalala po mula sa Click A Doc.