Public Health Unit - Ospital ng Maynila Medical Center

Public Health Unit - Ospital ng Maynila Medical Center Public Health Unit of the Ospital ng Maynila Medical Center

19/09/2025

❗MAAGANG THERAPY, NAPAPABUTI ANG KONDISYON NG CEREBRAL PALSY PATIENTS❗

Ayon sa isang pag-aaral, ang maagap na therapy ng mga batang may Cerebral Palsy—lalo na bago magdalawang taong gulang—ay nakapagpapabuti sa kanilang galaw, pakikipag-usap, at pang araw-araw na aktibidad.

👩‍🍼 Simulan agad ang physical, occupational, at speech therapy
🏫 Magparehistro ng PWD ID sa inyong LGU para sa benepisyo at serbisyo
💡 I-avail ang PhilHealth Z-Benefit para sa mobility aids at follow-up care

Source: Morgan et al., JAMA Pediatrics, 2021




19/09/2025

❗️40% sa kaso ng Alzheimer’s, Kayang Maiwasan o Mapigil ang Paglala❗️

Ayon sa World Health Organization, hanggang 40% ng mga kaso ng Alzheimer’s ay maaaring maiwasan o mapigil ang paglala sa pamamagitan ng:

✅regular na ehersisyo
✅masustansyang pagkain
✅cognitive stimulation - malusog na aktibidad para sa isip
✅regular na management ng highblood at diabetes
✅maagang pagkonsulta sa Mental Health Access Sites: https://bit.ly/MAP-MHAccessSites




19/09/2025

DOH: GENERICS NA GAMOT, LIGTAS AT MABISA KATULAD NG BRANDED

Abot-kaya ang generics na gamot. Epektibo at de-kalidad rin ito katulad ng mga gamot na branded.

Alinsunod sa Generics Act of 1988, paalala ng DOH:

✅ Dapat na may generic name ang gamot sa iyong reseta

✅ Dapat nakasulat nang malinaw at nakalagay sa itaas ng brand name ang generic name sa lahat ng labels, ads, at iba pang promotional materials

Tandaan: Kumuha lang ng mga gamot sa mga lihitimong health centers, klinika, at botika para makasigurong ligtas ang gamot na mabibili o makukuha.




19/09/2025
Congratulations to Dr. Reynaldo L. Salinel Jr., M.D., Chairman of the Public Health Unit at Ospital ng Maynila Medical C...
12/09/2025

Congratulations to Dr. Reynaldo L. Salinel Jr., M.D., Chairman of the Public Health Unit at Ospital ng Maynila Medical Center!

We are incredibly proud to honor your exceptional achievement in receiving the esteemed Asian Pillar of Exemplary Contribution to Medical Practice and Public Service award at the 3rd Asian Pillars Awards 2025. Your steadfast dedication, compassion, and relentless pursuit of excellence continue to inspire and set a high standard for the entire medical community.

As the visionary leader of the Public Health Unit at Ospital ng Maynila Medical Center, your innovative leadership and unwavering commitment have been instrumental in public health initiatives and strengthening community wellness. Your tireless efforts exemplify true service, advocacy, and a profound dedication to improving lives.

Ospital ng Maynila Medical Center proudly celebrates your success—your passion, perseverance, and exemplary service motivate us all to reach greater heights. Keep shining, making a meaningful difference, and inspiring positive change in the lives of many.

Congratulations once again on this well-deserved recognition!

10/09/2025
09/09/2025
05/09/2025

✨ to be HEALTHY Dahil BER Months Na! ✨

🎉 Kumusta ang progress ng New Year’s Resolution mo?

Dapat consistent tayo sa ating healthy goals!
🍎 Kumain nang wasto
🏃‍♀️kumilos nang husto!

2026 is just 122 days to go!




05/09/2025
Obesity Prevention Awareness Week!Bilang paggunita sa Obesity Prevention Awareness Week, ginanap ng Department of Family...
05/09/2025

Obesity Prevention Awareness Week!

Bilang paggunita sa Obesity Prevention Awareness Week, ginanap ng Department of Family and Community Medicine, sa pangunguna ni Dr. Hermenegildo Gutierrez, kasama ang Public Health Unit ng Ospital ng Maynila Medical Center, isang Lay Forum sa OPD-Waiting Area para magbahagi ng mahahalagang kaalaman tungkol sa obesity.

Alam mo ba? Ang sobrang timbang ay pwedeng magdulot ng mas malalang sakit gaya ng:

•Diabetes
•Sakit sa puso
•Altapresyon
•Problema sa paghinga

Pero may magagawa tayo! Narito ang ilang tips para maiwasan ang obesity:
1.Kumain ng balanse at masustansyang pagkain araw-araw.
2.Mag-ehersisyo ng regular, kahit 20-30 minuto lang kada araw.
3.Iwasan ang pagkain ng matatamis at matatabang pagkain.
4.Uminom ng maraming tubig, iwasan ang soft drinks.
5.Matulog ng sapat at iwasan ang stress.
6.Magtakda ng realistic goals para sa pagpapababa ng timbang.

Tandaan, ang pagbabago ay nagsisimula sa maliit na hakbang. Sama-sama nating pangalagaan ang ating kalusugan at maging inspirasyon sa ating komunidad!

13/08/2025

Halina at makilahok sa isang makabuluhang lecture at lay forum ukol sa Hika o Asthma. Tatalakayin ang inyong mga katanungan ukol sa Hika:

Ano ang Hika?
Paano ito gamutin?
Paano iwasan ang asthma attack?
Ano ang pwedeng gamot?

Kailan? Aug 15, 2025 (Friday)
Anong oras? 10:00AM - 11:00AM
Saan? OMMC Outpatient Department Waiting Area

13/08/2025

Protektahan ang sarili at ang komunidad. Gawin ang 7 Healthy Habits na nasa larawan!

🏥 Kumonsulta sa health centers para sa mga serbisyong pangkalusugan.

Isang paalala ngayong Linggo ng Kabataan.




Address

Pres. Quirino Avenue Cor Roxas Boulevard Malate Manila
Manila

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Public Health Unit - Ospital ng Maynila Medical Center posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram