NMED Oriental and Medical Clinic., Inc.

NMED Oriental and Medical Clinic., Inc. The clinic is open Monday to Saturday, from 10:00AM to 7:00PM.

12/09/2023

Because you're worth it! đź’–

05/09/2022
15/08/2022
13/08/2022
06/08/2022

Ang ay isang uri ng tradisyonal at komplementaryong paggamot para sa pagsulong, pagpapanatili at pagpapanumbalik ng kalusugan at pag iwas sa mga sakit.

Tumutulong ang acupuncture upang maibsan ang sobrang pananakit o “chronic pain” at iba pang pisikal na kondisyon ng katawan katulad ng pananakit ng ulo, leeg, balikat, bandang ibabang bahagi ng likod, at tuhod.

Tumutulong din ang acupuncture upang maibsan ang stress na kadalasang dahilan ng pananakit ng ulo, leeg at balikat.

Kumunsulta lamang sa mga acupuncturist na may angkop na pagsasanay batay sa kasalukuyang alituntunin o at ng .

Bisitahin ang https://pitahc.gov.ph/directory-of-practitioners/ upang makita ang mga accredited na acupuncture clinics sa ating bansa.




01/08/2022

Sa dengue, nakasulat sa medical na libro ang platelets ay bumababa usually at 3rd day of fever at umaakyat ang platelets ulit simula 6th or 7th days simula ng fever. Almost constant po yan na pattern. Almost predictable.

Delikado ba na mababa ang platelets?

Di talaga ang low platelets ang nagbibigay ng peligro kundi ang dehydration na nakaka-ulcer ng bituka.

Kung may dehydration may ulcer, kung may ulcer may bleeding, kung mababa ang platelet, mas malubha ang bleeding.

Pero ang mababang platelet ba ang dahilan ng ulcer? Hindi diba? Kundi ang dehydration.

Kung walang dehydration, walang ulcer, so walang bleeding ang bituka kahit mababa ang platelet.

Bakit may dehydration ang dengue?

Dahil yun sa mga butas sa blood vessels na sanhi ng paglabas ng fluids (in english : Plasma Leakage).

Paano malalaman kung hydrated?

Malakas at madalas na ihi na light yellow ang color. At least less than 4 hours interval ng ihi.

Lumalala ang dehydration pagpasok ng 3 days ng lagnat so mas maganda if may dextrose lalo na kung matamlay para mas mahabol ang dehydration .

Effective ba ang Tawatawa o Papaya?

Sa dami na ng dengue patients na nakita ko, ang napansin ko ay, with or without herbal tumataas talaga ang platelets after 6 days simula ng lagnat sa mga pasyenteng malakas umihi.

Yung severely dehydrated lalo na yung delayed ang pagpachek at di na gaano umiihi, kahit anong herbal, patay pa rin! So option niyo na ang herbal basta importante hydrated.

Alam niyo ba na may isa ring sakit na mababa ang platelet pero hindi dengue?

Ang tawag doon ay ITP or Idiopathic Thrombocytopenic Purpura. Ang kaibahan nito sa dengue ay wala silang dehydration kaya kahit 5 nalang platelet ay naglalaro pa rin.

At di gaya ng dengue na consistent na tumataas ang platelet after 6 days ang ITP ay walang malinaw na araw. Yung iba tumataas after 3 months, yung iba 1 year, yung iba 5 years.

Sinusubukan din naman ng mga ITP patients ang pagtake ng Tawatawa at Papaya pero wala daw effect sa pagakyat ng platelets nila.

Di kaya ang dahilan na madaming naniniwala na effective na pampataas ang herbal ng platelet sa dengue ay dahil nagkataon lang na paakyat na talaga ang platelet dahil 6 days na?

Diba kung tumataas ang platelets sa tawatawa sa dengue, dapat tataas rin dapat sa ITP? Sa ITP nabibisto na di talaga effective ang Tawatawa o Papaya.

My point, di po ako anti-herbal, ang alam ko lang is in Dengue management, time is gold. Dehydration ang kalaban mo.

Kung di mo alam na dehydration pala at nafocus ka sa herbal at di mo inobserbahan ang ihi mo ay baka madehydrate ka at mag-organ failure ng di mo napansin.

Special tip about Dengue Fever kung na-admit :

Kapag na admit kayo ng lagnat, lalo na kung dengue suspect, kailangan ay may Urine Output monitoring sheet na ibibigay sa inyo sa unang oras palang niyo pagpasok. Dahil doon niyo isusulat ang ihi ng anak niyo.

Gaano kadami at anong oras. Ang blood pressure kasi ay pwedeng bumaba sa dengue. Delikado yun. Pero bago bumaba ang blood pressure ay kumokonte muna ang ihi at nagiging dark ang kulay hangang sa nawawala ang ihi at next nun ay bababa ang blood pressure at pwede ring bleeding.

So bago pa man mangyari yun ma-aware na kaagad dapat ang nurse at Doctor upang magawan ng remedyo. May warning sign na kayong mapapansin sa pagmonitor ninyo ng ihi.

At sa paraan din nun mawawala ang kaba mo dahil alam mong well hydrated dahil sige ihi.

Halintulad natin sa severe diarrhea, bakit di na tayo takot sa severe diarrhea dahil alam natin paano ito tapatan ng tamang hydration. Ang diarrhea ay forever na andyan pero di tayo kelangan magpanic dahil matalino na tayo about diarrhea. Ngayon kelangan natin maging matalino about dengue. Di man natin matangal ang dengue sa mundo pero kung alam natin anong dapat gawin ay kaya nating labanan.

Mas madali imonitor ang diarrhea dahil nakikita natin ang pupu na basa sa pwet pero sa dengue “secret dehydration”, kay pagmonitor ng ihi ang importante.

Dr. Richard Mata
Pedia

For Dengue videos tap


—————————————-
About Dr. Mata

Dr. Richard Mata is a Pediatrician for 20 years. A former consultant for both DOH and WHO Philippines on how to make Dengue easily understandable for the Filipinos.

Awardee for Medical Mobile Innovation by DOST. National Health Exemplar Awardee by Health and Lifestyle Magazine

He practices in Davao del Norte. Clinic location is at Good Shepherd Hospital, Panabo City Highway
Monday to Saturday
www.richardmata.com online clinic

31/07/2022
16/07/2022
01/05/2022

Address

21 Aguirre Street UCPB Bldg. , Phase1, BF Homes, Paranaque City
Manila
1720

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
6pm - 7pm
Tuesday 9am - 5pm
6pm - 7pm
Wednesday 9am - 5pm
6pm - 7pm
Thursday 9am - 5pm
6pm - 7pm
Friday 9am - 5pm
6pm - 7pm
Saturday 9am - 5pm
6pm - 8pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when NMED Oriental and Medical Clinic., Inc. posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to NMED Oriental and Medical Clinic., Inc.:

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram