07/03/2025
Nahukay sa isang septic tank ang bangkay ng isang 17-anyos na babae sa isang boarding house sa Tagum City, Davao del Norte.
Nadiskubre ng may-ari ng boarding house ang kalansay na nakasilid sa sako nang maghukay ng septic tank. Natagpuan din ang mga gamit ng biktima sa sako at kinumpirma ng mga kaanak ng biktima na gamit ito ng biktima.
Ayon sa pulisya, maaaring nagpanggap na photographer ang suspek at kunwaring gagawing model ang biktima. Hinala din ng pulisya na maaaring ginahasa muna bago patayin ang biktima.
📷: Tagum PNP