Master in Public Health

  • Home
  • Master in Public Health

Master in Public Health let's master our health together!

Food and Nutrition ang nirequest ng ating samahan ng mga tsuper na paunang pokus ng ating pa-wellness sesh... At ito na ...
07/05/2026

Food and Nutrition ang nirequest ng ating samahan ng mga tsuper na paunang pokus ng ating pa-wellness sesh... At ito na nga ang tagalized version ng mga materials na ginamit natin sa talakayan.

Sinundan ito ng tatlong breakout groups kung saan ang isang grupo ay magdedetalye ng programa ng kanilng 2-day wellness retreat; at ang dalawang grupo naman ay magbubuo ng meal plan para sa kada araw. Pero sa next post na yun.

Ishare muna natin ang mga materials ngayon, para ma-access nila anytime. Sarding Repaso Diaz Rjd

07/05/2026
Gumawa tayo ng Tagalized version ng ating mga infographics para higit na maunawaan at pinagsasama-sama natin dito para p...
06/05/2026

Gumawa tayo ng Tagalized version ng ating mga infographics para higit na maunawaan at pinagsasama-sama natin dito para pwede nolang balik-balikan parang kodigo :)

Matapos maglinaw ng background, dahilan, at mga layunin ng ating aktibidad, tinalakay natin ang ilang mga batayang konsepto gaya ng stress, kalusugan at mga salik panlipunang nakakaapekto dito, binigyang-diin din natin ang kahalagahan ng sabayang pagkakampanya para sa panlipunang pagbabago at sa pansariling pagbabago para maging malusog, at nagbahaginan din kung paanong ang self-care ay hindi lang panlaban sa stress kundi isa ring paraan ng kolektibong paglaban sa mapagpahirap na sistemang umiiral.

Wag mag-atubiling ipamahagi sa ating mga kasamahan! Diaz Rjd Sarding Repaso
Sa susunod na post, ibabahagi naman natin ang mga tinalakay kaugnay sa nirequest na pangunahing paksa: pagkain at nutrisyon. Yes, tama ang nabalitaan nyo KERI: Caring for Activists ☺️

For some ideas din, Damayang Migrante ☺️

Marami sa ating tsuper ay may mga sakit nang dinaramdam ngunit hindi sila nakakapagpatingin sa doktor syempre dahil kela...
06/05/2026

Marami sa ating tsuper ay may mga sakit nang dinaramdam ngunit hindi sila nakakapagpatingin sa doktor syempre dahil kelangan kumayod ng husto sa hirap ng buhay - ni sa pagkain bga ay kulang pa ang kita, pambayad sa doktor at ospital pa kaya. Nadaragdagan paniyan ng stress na dulot ng patung-patong na krisis sa ekonomya at pulitikang nagluluwal ng mga polisiya at programang papatay sa kabuhayan nila gaya ng jeepney phaseout at de-regulated na presyuhan ng langis. At ngayon nga ay heto at hindi pa rin matapos-tapos ang gyera sa Middle East. Kaya nga naman ang asawa at kababaihan sa samahan ng mga tsuper ay naghahanap ng paraan para maibsan ang stress at mapangalagaan ang kalusugan nilang lahat.

Salamat dahil may KERI: Caring for Activists na sumusuporta sa aktibidad na ito para matulungan ang ating mga tsuper sa paghahanda sa kanilang nalalapit na wellness retreat (na suportado din ng Keri at HAHR!) at inisyal na pag-brainstorm sa pangmatagalang health and wellness program ng samahan.



- Sarding Repaso Diaz Rjd

05/05/2026

Shout out to our newest followers! Excited to have you onboard! Robert Schmuck, Perla Menor Valenzuela, Sarding Repaso, Diaz Rjd, Veronica DN, Damayang Migrante, Alexandria Real, Cj Stella, Cheli Chel, Jasper Conag!

Pagkalinga sa gitna ng krisis. Inialay natin ang araw na ito sa ating mga tsuper, operator, at sa kanilang mga maybahay ...
04/05/2026

Pagkalinga sa gitna ng krisis.

Inialay natin ang araw na ito sa ating mga tsuper, operator, at sa kanilang mga maybahay - bilang bahagi ng mga pinaka-nagdurusa sa krisis na dulot ng digmaan sa Middle East. Saludo tayo sa kanilang aktibong paghahanap hindi ng basta-bastang lang na ginhawa't kasiyahan ah, kundi ng mga healthy lifestyle practices para labanan ang matinding stress na dulot ng krisis.

Pagod pa tayo kaya bukas na ang kwento. Unahin lang muna natin ang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng mga lumahok, mga sumuporta gaya ng KERI: Caring for Activists, ng Solidarity of Asian Trade Unions Foundations, at Health Advocates for Human Rights, at syempre, sa nag-iisang God Almighty.

--
Care amidst Crisis.

We dedicated this day to one of the Philippine sectors greatly affected by the wars in the Middle East. Salute to the jeepney drivers, operators, and their very loving and supportive wives for proactively seeking ways to healthily cope with and manage the daily stresses of skyrocketing fuel prices and income losses.

Stories to follow! For now we want to express our deep deep gratitude to those who supported today's activity (also the past and future ones) - Keri, SATU, HAHR, and of course the Lord God Almighty. Oh! We also want to thank for being able to serve our orders for vegan meals despite the super short notice! And those who supported us in spirit Kasama Mae Gal Maharc Perez

Address


Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Master in Public Health posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

  • Want your practice to be the top-listed Clinic?

Share