21/07/2025
๐จDOH: PANATILIHING LIGTAS SA KONTAMINASYON ANG INUMING TUBIG LALO NA NGAYONG MAULAN๐จ
Sa panahon ng matinding pag-ulan, posibleng may kontaminasyon ang inuming tubig mula sa mga nasirang water at sewage pipes na nalubog sa baha.
Mahalagang tiyaking safe ang iniinom na tubig sa bahay man o sa evacuation center upang makaiwas sa sakit tulad ng cholera, diarrhea, at leptospirosis.
Ayon sa DOH Health Emergency Alert Reporting System, umabot sa 28,114 ang bilang ng mga evacuees sa 370 evacuation centers sa mga rehiyon ngโญ NCR,โฌโญ I,โฌโญ II,โฌโญ III,โฌโญ CALABARZON,โฌโญ MIMAROPA,โฌโญ V,โฌโญ VI,โฌโญ VII,โฌโญ VIII,โฌ IX,โฌโญ X,โฌโญ XI,โฌโญ XII,โฌโญ Caragaโฌโญ atโฌโญ CAR dahil sa Bagyong Crising at Southwest Monsoon. Kaya nakahanda na ang mga chlorine tablets bilang isa sa mga emergency commodities ng DOH para may malinis na inuming tubig ang mga lumikas.
Maaari ring pakuluan ang tubig sa loob ng 2 minuto bago inumin bukod sa paggamit ng chlorine tablets.