01/05/2025
𝗝𝗢𝗕 𝗙𝗔𝗜𝗥 𝗔𝗟𝗘𝗥𝗧!!!
Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Araw ng Paggawa na may temang “Manggagawang Pilipino, Kaagapay sa Pag-unlad, Sandigan ng mas Matatag na Bagong Pilipinas”, ang Department of Migrant Workers (DMW) ay magsasagawa ng isang OVERSEAS MEGA JOBS FAIR sa Mall Atrium, Level 1 ng Robinsons Galleria sa Mayo Uno simula 10:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon.
Mahigit 4,700 na overseas job opportunities ang ihahandog ng 11 licensed recruitment agencies na makikibahagi sa jobs fair. Kabilang sa mga handog na trabaho ay ang mga approved job orders sa sektor ng healthcare, engineering and construction, hospitality, farming, managerial positions, at marami pang iba.
𝐆𝐚𝐛𝐚𝐲 𝐬𝐚 𝐏𝐚𝐠-𝐠𝐞𝐧𝐞𝐫𝐚𝐭𝐞 𝐧𝐠 𝐉𝐨𝐛 𝐅𝐚𝐢𝐫 𝐏𝐚𝐬𝐬
1. Pagpaparehistro
• Bisitahin ang opisyal na website o portal ng job fair (https://jobfairportal.dmw.gov.ph)
•Kung kayo ay may eRegistration account na, i-type ang inyong email address at ang inyong password na gamit sa eRegistration at i-click ang Sign in
•Kung kayo ay wala pang eRegistration account, i-click ang I don’t have eRegitration account
•Kung kayo ay nakapag generate na ng Job Fair Pass ngunit hindi na malala ang log-in detais, i-click ang I already have Job Fair Pass. I-type ang inyong email address at ang inyong birth date.
1. 1. Pre-Registration
•Kung kayo ay nakapag log-in na sa (https://jobfairportal.dmw.gov.ph), i-click ang highlighted na Jobfair activity (e.g. Labor Day Job fair), pagkatapos, i-click ang Pre-Registration button
•Kung walk-in, magtungo sa registration booth/table.
•Kung kayo ay may eRegistration account na, i-click ang Sign in
•Kung kayo ay wala pang eRegistration account, i-click ang I don’t have eRegitration account
• Punan ang kinakailangang impormasyon tulad ng:
• Buong pangalan
• Gender
• Address
• eMail address
• Contact number
• Educational background
• Karanasan sa trabaho (kung mayroon)
• Preferred job category
-Lagyan ng check ang I agree to the DMW Data Privacy Notice
-I-click ang Submit Registration button
2. Pagproseso ng Job Fair Pass
Matapos ang pagrerehistro, maaaring:
•Online: Makakatanggap ng QR code o Job Fair Pass sa job fair portal.
•Walk-in: Makakatanggap ng QR code o Job Fair Pass sa job fair portal.
- Sa araw ng job fair, ipakita ang QR code o Job Fair pass sa Registration Booth/Table.
𝐑𝐄𝐌𝐈𝐍𝐃𝐄𝐑𝐒:
- Ang mga jobseekers/aplikante ay maari lamang mag tagal sa Job Fair Area sa loob ng bente minuto para magsubmit ng kanilang resumes/curriculum vitae.
- Siguraduhing i-scan ang Job Fair Pass sa terminal scanner bago mag-exit sa job fair area para makumpleto ang proseso.