05/12/2025
โSA SOBRANG KLEPTOMANIAC, PATI TULAY NINANAKAWโ โ SASOT BINANAT SI MARCOS JR. SA PAG-ANGKIN SA BUCANA BRIDGE
Nag-viral sa social media ang sunod-sunod na kritikal na post ni international relations scholar at political blogger Sass Rogando Sasot, matapos ipahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na kabilang umano sa kanyang mga โlegacy projectsโ ang Bucana Bridge o Davao River Bridge.
Mariing pinuna ni Sasot kung paano naging proyekto ng kasalukuyang Pangulo ang naturang tulay, laloโt malinaw umanong ito ay donasyon mula sa China โ isang bunga ng foreign policy engagement noong panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Sasot:
โInangkin ni BBM na isa sa kanyang legacy projects ang Davao City Bucana Bridge. Papaano naging sa iyo? Regalo ito ng Chinaโisa sa mga resulta ng foreign policy of engagement ni Digong. Bakit ikaw ang gagalangin ng China?โ
(โBBM claims the Davao City Bucana Bridge is one of his legacy projectsโฆ Bakit ikaw ang gagalangin ng China???โ)
Sa isa pang matapang na post, iginiit niyang wala umanong naging aktuwal na kontribusyon ang administrasyon ni Marcos Jr. sa pagsisimula ng proyekto. Aniya, ang nagawa lang daw ng kasalukuyang pamahalaan ay kondenahin ang foreign policy ni Duterteโang parehong polisiya raw na nagbunga ng tulay.
โYung wala kang ambag sa Davao Bucana Bridge, tapos walang ginaw admin mo kundi kodenahin foreign policy ni Digong towards China na syang naging sanhi ng tulay na yan. Tapos ikaw ang mangunguna sa tulay at idedeklara mong legacy project mo yan. Adik to the max.โ
Hindi rin nagpakawala si Sasot ng matitinding salita laban sa Pangulo, na lalo pang nagpaalab sa diskusyon online:
โSA SOBRANG KLEPTOMANIAC NI BBM, PATI TULAY NINANAKAWโ