08/02/2020
10 Tips Para Mabuntis ang Babae
Payo ni Doc Willie Ong
Heto ang 10 tips para tumaas ang tsansa na mabuntis ang babae:
1. Ipanatili ang tamang timbang - Ang sobra o kulang sa timbang ay maaaring makaapekto sa produksyon ng hormone at makapigil sa normal na obulasyon. Ang pagpapanatili ng isang malusog na timbang ay maaaring madagdagan ang dalas ng obulasyon at posibilidad ng pagbubuntis.
2. Iwasan o pigilan na magkaroon ng STIs o (Sexually transmitted infection) gaya ng chlamydia at gonorrhea - Ito ang nangungunang dahilan para sa kababaihan ng kawalan ng kakayahan magbuntis. Upang maprotektahan ang iyong sarili sa mga STIs, magsanay ng ligtas na pakikipagtalik, limitahan ang bilang ng partner o mas maganda kung iisa lamang. Gumamit ng condom sa bawat oras na ikaw ay makikipagtalik.
3. Kumain ng masusustansyang pagkain - Ang pagkain ng maraming prutas, gulay, karne at iba't ibang mga mapagkukunan ng protina ay magdudulot sa iyo ng mabuti.
4. Regular na magpatingin sa doktor at OB-Gyne - Ang regular na pag-bisita sa iyong doktor ay maaaring makatulong sa iyo na malaman at gamutin ang iyong kondisyon ng kalusugan na maaaring magbanta sa iyong pagka-mayabong o pagiging fertile.
5. Iwasan ang mga pang-gabing trabaho hangga't maaari - Ang pagta-trabaho sa gabi ay maaaring magdulot sa iyo ng mas mataas na panganib ng kawalan ng kakayahang magbuntis. Dahil malaki ang posibilidad na maapektuhan ang produksyon ng iyong hormone. Kung talagang hindi maiiwasan, humanap ng paraan na magkaroon ng sapat na tulog kung wala kang pasok sa trabaho.
6. Huwag manigarilyo - Ang paninigarilyo ay nakakapag-patanda ng iyong obaryo at pinapatay nito ang iyong itlog ng maaga. Kung ikaw ay naninigarilyo, kumunsulta o magtanong sa doktor kung ano ang dapat gawin para mahinto ang paninigarilyo.
7. Bawasan ang iniinom na alak - Ang sobrang pag-inom ay maaring makapagdulot ng panganib sa obulasyon at pagbubuntis. Isaalang-alang ang pag-iwas o ganap na itong tigilan kung gustong magbuntis.
8. Bawasan o tigilan ang pag-inom ng kape - Karamihan sa pananaliksik walang malinaw na ugnayan sa pagitan ng pag-inom ng labis na kape at fertility o pagka-mayabong. Gayunpaman, karamihan sa mga eksperto ay inirerekomenda na bawasan ang dami ng kape kada araw kung nais mong magbuntis.
9. Mag-ingat sa mabibigat na gawain at sobrang ehersisyo - Ang sobrang bigat na gawain at ehersisyo ay maaaring makapigil sa obulasyon at mabawasan ang produksyon ng hormone progesterone.
10. Iwasan ma-expose sa toxins - Ang mga manggagawang agrikultura, hair stylist, at ilang iba pang grupo ay maaaring nasa panganib sa pagre-regla o menstrual disorder. Ang isang dental assistant ay naka-expose sa mataas na antas ng organikong solvents, tulad ng dry cleaning chemicals. Ang industrial na manggagawa ay expose naman sa mga gamot at kemikal habang pinoproseso ito, maaring nasa panganib mabawasan ang pagiging fertile.