09/08/2025
Padayon para sa Uring Manggagawa✊
Padayon Pangulo Ray John Roche Embile!
Isang taon ang nakaraan nuong naglakas loob kang sumangguni sa UPHUP - United Private Hospital Unions of the Philippines para sa suliranin ninyo sa inyong . Ito ay isang matibay na patunay hindi lang ng pag-asam para sa benepisyo kung hindi ng malasakit para sa mga kapwa manggagawa dyan sa Marikina Valley Medical Center Inc. Maraming pagsubok ang inyong pinagdaanan ngunit napagtagumpayan dahil sa inyong tibay ng loob at dedikasyon upang inyong maitatag ang Union sa inyong hospital na pinaglilingkuran. Katatagan na siyang dahilan kung bakit mayroong Batas Manggagawa, UFSW at UPHUP sa inyong likod, DAHIL PINILI NINYONG ILABAN ANG INYONG MGA SARILI.
Isang taon ang lumipas, pinapangunahan mo na ang kauna-unahang CBA ng inyong Union para mas nakabubuhay na pasahod, benepisyo at higit sa lahat ang pagkilala sa mga manggagawa bilang katuwang ng kumpanya sa paglago ng kapital.
Mabuhay ka pangulo! Nawa'y pamarisan ka ng mga katulad na manggagawa na walang masandigang Union ngunit nag-uumapaw ang pangarap para sa mas makataong pasahod at benepisyo, ngunit napipigilan ng agam-agam ng kawalang pag-asa at saklolo.
SA MGA KAPWA MANGGAGAWA NA NAGNANAIS MAGKAROON NG MATIBAY NA SASANDIGAN, TINDIGAN NINYO! AALALAY KAMI HANGGANG DULO.