Sangguniang Kabataan - Camaya

  • Home
  • Sangguniang Kabataan - Camaya

Sangguniang Kabataan - Camaya “ANGAT KABATAAN PARA SA KINABUKASAN”

𝐌𝐮𝐥𝐚 𝐊𝐚𝐥𝐢𝐧𝐢𝐬𝐚𝐧 𝐇𝐚𝐧𝐠𝐠𝐚𝐧𝐠 𝐄𝐧𝐭𝐚𝐛𝐥𝐚𝐝𝐨 — 𝐊𝐚𝐛𝐚𝐭𝐚𝐚𝐧, 𝐈𝐤𝐚𝐰 𝐚𝐧𝐠 𝐁𝐢𝐝𝐚!Mga Kabarangay! Handa na ba kayo sa pinaka-aabangang buwan n...
03/08/2025

𝐌𝐮𝐥𝐚 𝐊𝐚𝐥𝐢𝐧𝐢𝐬𝐚𝐧 𝐇𝐚𝐧𝐠𝐠𝐚𝐧𝐠 𝐄𝐧𝐭𝐚𝐛𝐥𝐚𝐝𝐨 — 𝐊𝐚𝐛𝐚𝐭𝐚𝐚𝐧, 𝐈𝐤𝐚𝐰 𝐚𝐧𝐠 𝐁𝐢𝐝𝐚!

Mga Kabarangay! Handa na ba kayo sa pinaka-aabangang buwan ng kasiyahan, talento, at pagkakaisa? Ngayong August, sabay-sabay nating ipakita ang galing, malasakit, at pagiging makabansa ng kabataang Camayeño!

📍Sa August 23, sisimulan natin ang selebrasyon sa pamamagitan ng Clean-Up Drive, dahil tunay na astig ang kabataang may malasakit sa kalikasan. Sa gabi naman, kilalanin natin kung sino ang bibida sa entablado sa Ginoong Camaya 2025!

📍Pagdating ng August 24, ihanda na ang running shoes, placards, at energy dahil isang buong araw tayong sasabak sa Parade, Fun Run, at Zumba para sa healthy at masayang umaga. Kasunod niyan, tuloy-tuloy ang kasiyahan sa mga patimpalak tulad ng Slogan Making, Poster Making, at ang inaabangang Laro ng Lahi na siguradong magpapabalik ng alaala ng ating kabataan.

📍Sa August 30, ipakita ang galing at bilis sa court sa ating Badminton Tournament, para sa mga racket masters ng barangay!

📍At sa August 31, grand finale na ito mga ka-Camaya! Mapapahanga tayo sa lalim ng emosyon sa Spoken Poetry, ang creativity sa Environmental Costume Making, at ang all-out performances sa Camaya’s Got Talent! Huwag ding palampasin ang pinaka-espesyal na gabi ng selebrasyon, ang Gabi ng Kabataan at syempre, ang Awarding Ceremony kung saan kikilalanin ang husay at dedikasyon ng bawat kalahok!

📌 𝑵𝑶𝑻𝑬: 𝑨𝒏𝒈 𝒓𝒆𝒈𝒊𝒔𝒕𝒓𝒂𝒕𝒊𝒐𝒏 𝒑𝒂𝒓𝒂 𝒔𝒂 𝒍𝒂𝒉𝒂𝒕 𝒏𝒈 𝒂𝒄𝒕𝒊𝒗𝒊𝒕𝒊𝒆𝒔 𝒂𝒚 𝒎𝒂𝒈𝒔𝒊𝒔𝒊𝒎𝒖𝒍𝒂 𝒔𝒂 𝑨𝒖𝒈𝒖𝒔𝒕 5 𝒉𝒂𝒏𝒈𝒈𝒂𝒏𝒈 𝑨𝒖𝒈𝒖𝒔𝒕 15 𝒍𝒂𝒎𝒂𝒏𝒈. 𝑲𝒂𝒚𝒂 𝒌𝒖𝒏𝒈 𝒈𝒖𝒔𝒕𝒐 𝒎𝒐𝒏𝒈 𝒔𝒖𝒎𝒂𝒍𝒊, 𝒉𝒖𝒘𝒂𝒈 𝒏𝒂𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒈𝒑𝒂𝒉𝒖𝒍𝒊, 𝒎𝒂𝒏𝒂𝒕𝒊𝒍𝒊𝒏𝒈 𝒏𝒂𝒌𝒂-𝒂𝒃𝒂𝒏𝒈 𝒔𝒂 𝒎𝒈𝒂 𝒔𝒖𝒔𝒖𝒏𝒐𝒅 𝒑𝒂𝒏𝒈 𝒂𝒏𝒖𝒏𝒔𝒚𝒐!

Kaya mga kabataan, ito na ang sign para sumama, makisaya, at magpakitang-gilas!
Kitakits sa Zone 5 Court! Bitbit ang energy, talento, at pagmamahal sa komunidad.




𝐀𝐓𝐓𝐄𝐍𝐓𝐈𝐎𝐍, 𝐘𝐎𝐔𝐍𝐆 𝐆𝐄𝐍𝐓𝐋𝐄𝐌𝐄𝐍 𝐎𝐅 𝐂𝐀𝐌𝐀𝐘𝐀!𝑻𝑶𝑴𝑶𝑹𝑹𝑶𝑾 na ang 𝑺𝒄𝒓𝒆𝒆𝒏𝒊𝒏𝒈 & 𝑶𝒓𝒊𝒆𝒏𝒕𝒂𝒕𝒊𝒐𝒏 para sa GINOONG CAMAYA 2025!🗓️ July 27, 202...
26/07/2025

𝐀𝐓𝐓𝐄𝐍𝐓𝐈𝐎𝐍, 𝐘𝐎𝐔𝐍𝐆 𝐆𝐄𝐍𝐓𝐋𝐄𝐌𝐄𝐍 𝐎𝐅 𝐂𝐀𝐌𝐀𝐘𝐀!

𝑻𝑶𝑴𝑶𝑹𝑹𝑶𝑾 na ang 𝑺𝒄𝒓𝒆𝒆𝒏𝒊𝒏𝒈 & 𝑶𝒓𝒊𝒆𝒏𝒕𝒂𝒕𝒊𝒐𝒏 para sa GINOONG CAMAYA 2025!
🗓️ July 27, 2025
⏰ Get ready to showcase your charm, confidence, and character!

This is your moment to step up and represent the modern Camayeño youth with pride, poise, and purpose. Baka ikaw na ang susunod na Ginoo!

Don’t be late. Bring your best self. See you there!



𝐆𝐑𝐎𝐎𝐕𝐈𝐍𝐆 𝐈𝐍𝐓𝐎 𝐆𝐋𝐀𝐌𝐎𝐔𝐑! 🔥

Get ready for the spotlight! 🚨 Screening & Orientation for GINOONG CAMAYA 2025 on JULY 27,2025👑

Show off your charm, confidence, and charisma! Who will shine brightest? 🤩

CAMAYA 2025

𝐂𝐡𝐚𝐦𝐩𝐨𝐫𝐚𝐝𝐎𝐍𝐄 𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐟𝐫𝐨𝐦 𝐒𝐊 𝐂𝐚𝐦𝐚𝐲𝐚!Ngayong araw, July 26, matagumpay nating naipamahagi ang mainit at matamis na champorad...
26/07/2025

𝐂𝐡𝐚𝐦𝐩𝐨𝐫𝐚𝐝𝐎𝐍𝐄 𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐟𝐫𝐨𝐦 𝐒𝐊 𝐂𝐚𝐦𝐚𝐲𝐚!

Ngayong araw, July 26, matagumpay nating naipamahagi ang mainit at matamis na champorado sa mga residente ng Zone 6, Barangay Camaya bilang bahagi ng ating relief efforts at malasakit sa komunidad.

Sa pamumuno ni Hon. Mike Jose Delavin at sa tulong ng Sangguniang Kabataan Members, naisakatuparan ang simpleng aktibidad na ito para maghatid ng kaunting ginhawa at kalinga sa gitna ng patuloy na pagbangon mula sa epekto ng kalamidad.

Isinagawa kahapon, July 25, ang pamamahagi ng mainit na sopas sa mga residente ng Zone 4, Barangay Camaya bilang bahagi ...
26/07/2025

Isinagawa kahapon, July 25, ang pamamahagi ng mainit na sopas sa mga residente ng Zone 4, Barangay Camaya bilang bahagi ng ating patuloy na relief efforts para sa mga kababayan nating naapektuhan ng mga nagdaang kalamidad.

Ang munting inisyatibong ito ay naglalayong maghatid ng ginhawa at malasakit sa gitna ng mga pagsubok na kinakaharap ng ating komunidad. Sa tulong ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Camaya sa pangunguna ni Hon. Mike Jose Delavin at Kasama sa pag suporta Barangay Officials at Punong Barangay sa pangunguna ni Hon. Amado G. Dimafiles Jr.

Lubos ang aming pasasalamat sa mga residente ng Zone 4 sa kanilang pakikiisa, at sa bawat volunteer na buong pusong naglingkod. Patuloy tayong magsama-sama sa mga gawaing may layuning tumulong, magmalasakit, at magbigay pag-asa.

𝐌𝐚𝐢𝐧𝐢𝐭 𝐧𝐚 𝐒𝐨𝐩𝐚𝐬, 𝐌𝐚𝐢𝐧𝐢𝐭 𝐧𝐚 𝐌𝐚𝐥𝐚𝐬𝐚𝐤𝐢𝐭: 𝐑𝐞𝐥𝐢𝐞𝐟 𝐄𝐟𝐟𝐨𝐫𝐭 𝐇𝐚𝐭𝐢𝐝 𝐬𝐚 𝐙𝐨𝐧𝐞 2 𝐚𝐭 𝐒𝐢𝐭𝐢𝐨 𝐏𝐚𝐠-𝐚𝐬𝐚Lubos ang aming pasasalamat sa lahat...
25/07/2025

𝐌𝐚𝐢𝐧𝐢𝐭 𝐧𝐚 𝐒𝐨𝐩𝐚𝐬, 𝐌𝐚𝐢𝐧𝐢𝐭 𝐧𝐚 𝐌𝐚𝐥𝐚𝐬𝐚𝐤𝐢𝐭: 𝐑𝐞𝐥𝐢𝐞𝐟 𝐄𝐟𝐟𝐨𝐫𝐭 𝐇𝐚𝐭𝐢𝐝 𝐬𝐚 𝐙𝐨𝐧𝐞 2 𝐚𝐭 𝐒𝐢𝐭𝐢𝐨 𝐏𝐚𝐠-𝐚𝐬𝐚

Lubos ang aming pasasalamat sa lahat ng nakibahagi at tumulong sa inisyatibong ito para sa ating mga kababayan sa Barangay Camaya – Zone 2 at Sitio Pag-asa, na naapektuhan ng mga nagdaang bagyo at pagbaha.

Ang simpleng meryendang ito ay naging posible sa tulong ni Hon. Franzene Nicole Lopez and family, katuwang ang Sangguniang Kabataan Members ng Barangay Camaya sa pangunguna ni Hon. Mike Jose D. Delavin.

Sa ating sama-samang pagkilos at malasakit, tunay na buhay ang diwa ng bayanihan.

𝐈𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐢𝐧𝐢𝐭 𝐧𝐚 𝐥𝐮𝐠𝐚𝐰, 𝐤𝐚𝐬𝐚𝐛𝐚𝐲 𝐧𝐠 𝐢𝐧𝐢𝐭 𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐥𝐚𝐬𝐚𝐤𝐢𝐭, 𝐚𝐧𝐠 𝐢𝐧𝐢𝐡𝐚𝐧𝐝𝐨𝐠 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐫𝐞𝐬𝐢𝐝𝐞𝐧𝐭𝐞 𝐧𝐠 𝐒𝐢𝐭𝐢𝐨 𝐋𝐢𝐥𝐢𝐦𝐛𝐢𝐧 𝐧𝐨𝐨𝐧𝐠 𝐇𝐮𝐥𝐲𝐨 24, 20...
25/07/2025

𝐈𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐢𝐧𝐢𝐭 𝐧𝐚 𝐥𝐮𝐠𝐚𝐰, 𝐤𝐚𝐬𝐚𝐛𝐚𝐲 𝐧𝐠 𝐢𝐧𝐢𝐭 𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐥𝐚𝐬𝐚𝐤𝐢𝐭, 𝐚𝐧𝐠 𝐢𝐧𝐢𝐡𝐚𝐧𝐝𝐨𝐠 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐫𝐞𝐬𝐢𝐝𝐞𝐧𝐭𝐞 𝐧𝐠 𝐒𝐢𝐭𝐢𝐨 𝐋𝐢𝐥𝐢𝐦𝐛𝐢𝐧 𝐧𝐨𝐨𝐧𝐠 𝐇𝐮𝐥𝐲𝐨 24, 2025.

Pinangunahan ito ng Barkada Kontra Bisyo (BKB) katuwang ang Sangguniang Kabataan ng Barangay Camaya, sa pangunguna ni SK Chairman Hon. Mike Jose D. Delavin, bilang bahagi ng ikalawang araw ng kanilang relief effort para sa mga lugar na matinding naapektuhan ng pagbaha. Naging posible ito sa pakikipagtulungan sa SAMFIL, sa pamumuno ni Ma’am Carmela, at sa suporta ng Barangay Council ng Camaya na pinamumunuan ni Hon. Amado G. Dimafiles.

Hindi man marangya, ang simpleng lugaw ay naging simbolo ng pagdamay, pag-asa, at pagkakaisa. Patunay ito na sa gitna ng mga pagsubok, ang maliit na tulong ay maaaring magdulot ng malaking ginhawa sa kapwa.

Patuloy tayong manalangin para sa kaligtasan ng lahat at magkaisa para sa mas matibay at maunlad na komunidad.

July 23, 2025 || 𝑲𝑨𝑳𝑰𝑮𝑻𝑨𝑺𝑨𝑵 𝑼𝑵𝑨! 𝑨𝒈𝒂𝒓𝒂𝒏𝒈 𝑨𝒌𝒔𝒚𝒐𝒏 𝒍𝒂𝒃𝒂𝒏 𝒔𝒂 𝒃𝒂𝒏𝒈𝒊𝒕 𝒏𝒈 𝒌𝒂𝒍𝒊𝒌𝒂𝒔𝒂𝒏!Isang malaking puno ang bumagsak sa bahagi ...
23/07/2025

July 23, 2025 || 𝑲𝑨𝑳𝑰𝑮𝑻𝑨𝑺𝑨𝑵 𝑼𝑵𝑨! 𝑨𝒈𝒂𝒓𝒂𝒏𝒈 𝑨𝒌𝒔𝒚𝒐𝒏 𝒍𝒂𝒃𝒂𝒏 𝒔𝒂 𝒃𝒂𝒏𝒈𝒊𝒕 𝒏𝒈 𝒌𝒂𝒍𝒊𝒌𝒂𝒔𝒂𝒏!

Isang malaking puno ang bumagsak sa bahagi ng Lilimbin, Barangay Camaya. Sa kabutihang palad, mabilis itong naaksyunan sa pakikipagtulungan ng MENRO, BFP, at MDRRMO, sa direktang pagtutok ni Mayor AJ Concepcion.

Kasama rin sa pagtugon ang ating mga masisipag na opisyal ng barangay, sa pamumuno nina Punong Barangay Hon. Amado G. Dimafiles Jr. at SK Chairman Hon. Mike Jose D. Delavin, na agad na nagbigay ng suporta upang matiyak ang kaligtasan ng mga residente.

Meryenda Para sa Bayan📅 Hulyo 24, 2025 (3:00pm)📍 Barangay Camaya (Zone 2 at Sitio Pag-asa)Ngayong araw ay maghahandog ta...
23/07/2025

Meryenda Para sa Bayan
📅 Hulyo 24, 2025 (3:00pm)
📍 Barangay Camaya (Zone 2 at Sitio Pag-asa)

Ngayong araw ay maghahandog tayo ng mainit na sopas para sa ating mga kababayan sa Barangay Camaya – Zone 2 at Sitio Pag-asa bilang bahagi ng ating patuloy na relief efforts para sa mga naapektuhan ng nagdaang bagyo at pagbaha.

Ang simpleng handog na ito ay sponsored nina Hon. Franzene Nicole Lopez and family, katuwang ang Sangguniang Kabataan ng Barangay Camaya.

We also encourage everyone to bring their own bowls . This small act helps reduce waste, which becomes harder to manage especially during times of flooding.

Salamat sa pakikiisa, Camaya!
Padayon sa bayanihan! 🙌💙

📢 Pabatid sa Lahat: Lugaw Para sa Bayan📅 Hulyo 24🕖 Umaga (10:00am)📍 Sitio LilimbinMagandang balita! Bilang bahagi ng ati...
23/07/2025

📢 Pabatid sa Lahat: Lugaw Para sa Bayan
📅 Hulyo 24
🕖 Umaga (10:00am)
📍 Sitio Lilimbin

Magandang balita! Bilang bahagi ng ating patuloy na bayanihan at malasakit sa isa’t isa, ang BKB (Barkada Kontra Bisyo) ay magpapamigay ng mainit na lugaw ngayong umaga (July 24).

Inaanyayahan po ang lahat, lalo na ang mga nangangailangan, na dumaan at makisalo.

𝐆𝐑𝐎𝐎𝐕𝐈𝐍𝐆 𝐈𝐍𝐓𝐎 𝐆𝐋𝐀𝐌𝐎𝐔𝐑! 🔥Get ready for the spotlight! 🚨 Screening & Orientation for GINOONG CAMAYA 2025 on JULY 27,2025👑 ...
22/07/2025

𝐆𝐑𝐎𝐎𝐕𝐈𝐍𝐆 𝐈𝐍𝐓𝐎 𝐆𝐋𝐀𝐌𝐎𝐔𝐑! 🔥

Get ready for the spotlight! 🚨 Screening & Orientation for GINOONG CAMAYA 2025 on JULY 27,2025👑

Show off your charm, confidence, and charisma! Who will shine brightest? 🤩

CAMAYA 2025

𝐓𝐮𝐥𝐨𝐧𝐠 𝐚𝐭 𝐊𝐚𝐦𝐮𝐬𝐭𝐚𝐡𝐚𝐧: 𝐏𝐚𝐠𝐛𝐢𝐬𝐢𝐭𝐚 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐄𝐯𝐚𝐜𝐮𝐞𝐞𝐬 𝐃𝐮𝐥𝐨𝐭 𝐧𝐠 𝐇𝐚𝐛𝐚𝐠𝐚𝐭Bumisita si SK Chairperson, Hon. Mike Jose D. Delavin ka...
21/07/2025

𝐓𝐮𝐥𝐨𝐧𝐠 𝐚𝐭 𝐊𝐚𝐦𝐮𝐬𝐭𝐚𝐡𝐚𝐧: 𝐏𝐚𝐠𝐛𝐢𝐬𝐢𝐭𝐚 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐄𝐯𝐚𝐜𝐮𝐞𝐞𝐬 𝐃𝐮𝐥𝐨𝐭 𝐧𝐠 𝐇𝐚𝐛𝐚𝐠𝐚𝐭

Bumisita si SK Chairperson, Hon. Mike Jose D. Delavin kasama ang ilang Barangay Officials at health care worker sa evacuation center para kamustahin ang mga evacuees at mag-abot ng kaunting tulong. Sa ganitong panahon ng habagat, mahalagang iparamdam sa ating mga kababayan na hindi sila nag-iisa. Patuloy po tayong mag-ingat at makinig sa mga abiso mula sa awtoridad

Address

Barangay Camaya

2105

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sangguniang Kabataan - Camaya posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to Sangguniang Kabataan - Camaya:

  • Want your practice to be the top-listed Clinic?

Share