20/10/2025
✨ SK Initiatives: Project Sagip-Aral ✨
Ang Sangguniang Kabataan ay muling nagpakita ng malasakit sa pamamagitan ng Project Sagip-Aral — isang proyekto na naglalayong tulungan ang mga batang nawalan ng mga gamit sa paaralan dahil sa hagupit ng bagyong Opong.
Layunin ng proyektong ito na maibalik hindi lamang ang kanilang mga gamit, kundi pati na rin ang pag-asa at sigla sa pagpapatuloy ng kanilang pag-aaral. 🎒📚💙
💖 Ito po ay hindi galing sa SK fund.
Ang mga tulong ay mula sa pusong bukas at mapagkawanggawang donasyon nina Mr. Nelson So, Mrs. Regina Elim Arbison, Fr. Ricky Masdo, Taguba Family, at Magbalon Family.
Maraming salamat sa inyong kabutihang loob at pagtugon sa panawagan ng bayanihan. 🤝✨