
23/08/2025
Narito ang naging kaganapan sa 20th Regional Congress ng Central Visayas Association of Nutrition Action Officers, Inc. na may temang “Food Security, Himoong Priority. Lihok NAO!” 🥗✨ Ipinagdiwang ito noong Agosto 15, 2025 sa Marco Polo Plaza Hotel, Lahug, Cebu City—kasabay ng 2025 Grand Nutrition Awards na kumilala sa mga LGU at nutrition workers na patuloy na nag-aangat ng nutrisyon sa rehiyon.
Bilang katuwang sa laban kontra malnutrisyon, ang Philippine Nutri Foods Corporation (PNFC) ay nakibahagi upang ipakita ang aming mahigit 45 taon ng serbisyo sa nutrisyon, at ibahagi ang aming suporta sa mga LGU programs para sa nutrition at food security, lalo na sa pamamagitan ng pagbibigay ng Multiple Micronutrient Supplements (MMS) para sa mga buntis at nagpapasusong ina. 👩🍼🌾💚