02/04/2026
Please only buy FDA approved medications.
ILEGAL NA SLIMMING DRUG
TINGNAN: Nakumpiska sa 2 indibidwal ang iba’t ibang vial ng ilegal na Tirzepatide na may iba’t ibang dosage, bacteriostatic water na ginagamit sa paghalo ng gamot, packaging materials, labeling stickers, mga cellphone , at marked money.
Sa isinagawang test-buy, kinumpirma ng Food and Drug Administration (FDA) na hindi rehistrado ang mga ibinebentang Tirzepatide, kaya ilegal ang distribusyon nito at maaaring magdulot ng panganib sa kalusugan. | via Chill Emprido, Abante Radyo