12/04/2026
Last night, nagising ako ng 1:37am, need to go to cr… then, sinubukan kong bumalik sa tulog… unfortunately, nahirapan na ako dahil sa allergic rhinitis… mahirap huminga, barado ang ilong.. at every 2 hrs need to bf my baby… kaya inabot na ng 3:47 am, I tried again to sleep, then bigla nag pop sa utak ko, hala Sunday na pala ngayon…
I prayed, sabi ko naku, Sunday so kinabahan talaga ako, naalala ko baka may liga na naman ng 7Am… this has been happening for several months na. So dasal talaga ako, sabi ko, kulang pa ako sa tulog…
This morning…
7:17 AM, may bluetooth na narinig ako, sabay mic test mic test… next thing is testing ng buzzer.. the announcer even said, “warm up muna guys, warm up”…
The sound, the speaker was loud and clear lalo pa’t 7am 🕖 palang yun ng umaga….
Ayun! Sira na nga ang tulog… daldal na ng daldal ang announcer! Out of frustration… pumunta ako sa nasabing multipurpose building/ basketball court!!
Asan audience?!! Wala! Iilan lang sila at 7am, may tulog silang sinira!!! Pinakiusap ko, na hinaan… pero mahina naman daw.
Sabi ko sobrang lakas ng volume nyo kaya nagising ako!!! Ang sagot, syempre daw bagong “on” ng speaker inaadjust pa daw at malakas pa daw talaga…
Hindi ako umalis, hanggat hindi nya hinihinaan… buti naman at hininaan din kalaunan… and called the kagawad. They change the buzzer to something else! Jusko, pwede naman pala mahina ang mic, at pwede din palang mahina ang buzzer, nang istorbo muna sila!!!
Unfortunately, hindi na ako makabalik sa tulog.. at unfortunately, nakita ko na may naka set up na band instrument sa ground floor!!!
Hindi lang pala Easter Sunday ang pa worship ng church, 3 consecutive weeks nang nageevent sila!!! Ang sakit sa puso, sobrang lakas pa ng volume!!! 9am to 12pm bago natapos. Meron naman silang sariling church, pero dito pa nila naisip mag set up ng ganito… ok lang sana if walang naaabala, or hindi nakaka perwisyo, pero nalimutan nila na hindi pala sound proof yung building at residential area!!!
I wonder nasaan na yung sound panel mo sa speech Mayor!?
DILG Philippines paano po maaaddress ang ganitong kahirap na sitwasyon? 😢