
25/07/2025
Isang Buhay na Nabigyan ng Pag-asa
Meet Jaison Tolosa, 25 years old, diagnosed with Chronic Kidney Disease Stage 5 from Alemanya, Nampicuan.Tulad ng marami, hindi niya akalaing ang simpleng paghingi ng tulong sa Family Health Medical Clinic (FHMC) ang magiging daan sa bagong pag-asa.
Sa tulong ng PhilHealth Konsulta Program ng FHMC, sya ay nabigyan ng:
✔️ Libreng konsultasyon
✔️ Libreng laboratory tests
✔️ Agarang gamutan at referral sa ospital kung saan sya ay nakatanggap ng libreng hemodialysis.
Personal ko din siyang nakita sa hemodialysis unit bilang bahagi ng aking trabaho sa ospital. Nasaksihan ko mismo ang tapang at pag-asa sa mga mata ni Jaison.
🩸🩸🩸Ngunit sa ngayon, patuloy pa rin syang lumalaban. Kailangan nya ng tulong mo. Siya ay nangangailangan ng mga blood donors upang maipagpatuloy ang kanyang gamutan.
Kung ikaw ay kwalipikadong magdonate, maaari kayong makipag-ugnayan sa FHMC o dumiretso sa Dr. PJGMRMC Blood Bank para sa karagdagang detalye.
Tuloy-tuloy ang serbisyong may malasakit!