28/10/2024
MATAGAL KA NA BANG MAY PROBLEMA SA ATAY?
Ano ang Fatty liver disease?
Ito ay kondisyon kung saan labis na dami ng taba ang naiimbak sa atay, na nagdudulot ng maraming komplikasyon. Kabilang dito ang pamemeklat sa atay or cirrhosis na nakamamatay kung hindi agarang maagapan. Nagagamot ang nasabing sakit kung gagawing mas healthy ang pamumuhay, partikular ang pag-iwas sa alak, pagbabawas ng timbang at pag-kain ng fatty liver diet na low fat at low sugar. Tipikal na walang fatty liver symptoms hanggang sa magdulot na ito ng mga komplikasyon.
ðMga Uri:
May dalawang uri ang fatty liver disease:
â Ang alcoholic fatty liver ay ang unang yugto ng mga sakit sa atay na dulot ng alak. Kapag patuloy ang labis na pag-inom ng alak, unti-unting napipinsala ang atay hanggang sa mawala ang kakayahan nitong tunawin ang taba.
â Ang non-alcoholic fatty liver naman ay kondisyon kung saan ang atay ay napapalibutan ng taba. Dahil dito, nahihirapan ang atay tunawin ang taba.
Dahil kaya ng atay palitan ang mga napinsalang cells, maaaring gumaling sa parehong kondisyon. Subalit kung patuloy ang unhealthy na pamumuhay, tutuloy sa cirrhosis ang sakit.
ðMga Sanhi
Gaya ng sinasaad ng pangalan nito, ang alcoholic fatty liver ay dulot ng patuloy na sobrang pag-inom ng alak. Ang non-alcoholic fatty liver naman ay sanhi ng labis na katabaan, labis na dami ng taba sa dugo, diabetes, mana sa pamilya, biglaang pagtaas ng timbang at side effect ng ilang gamot (aspirin, mga steroid at mga katulad na pormulasyon).
ðMga Sintomas
Karaniwang hindi nakakaramdam ng fatty liver symptoms. Subalit maaring mamaga ang atay kung hindi agad maagapan ang sakit, at kung nangyari ito, maaring maramdaman ang sumusunod:
ð¥Pagkahapo
ð¥Panghihina
ð¥Biglaang pagbaba ng timbang
ð¥Pananakit ng tiyan
ð¥Pagkatuliro
Try our NEW FOOD SUPPLEMENT CAPSULE LIVERPLUS! Formulated with Milk Thistle, Celery and Blend of Five Powerherbs.
For orders and inquiries, please message this page.