Provincial Health Office Romblon

Provincial Health Office Romblon Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Provincial Health Office Romblon, Medical and health, PHO Building, Tuguis, Brgy. Rizal, Odiongan.

RPH Ophtha schedule Jan 2026
05/01/2026

RPH Ophtha schedule Jan 2026

Health Kits for our 219 Barangay Health Stations to improve access to basic health services  thru Gov Trina Firmalo's in...
01/01/2026

Health Kits for our 219 Barangay Health Stations to improve access to basic health services thru Gov Trina Firmalo's initiatives from our taxpayers money.

Next week ay ipapamigay ang Barangay Health Kit sa lahat ng 219 na barangays sa probinsya- na ang nilalaman ay:
❣️2 BP apparatus with stethoscope
❣️1 pulse oximeter (pangsukat ng oxygen level)
❣️2 nebulizer (para sa mga may hika)
❣️1 weighing scale
❣️1 fetal doppler (para ma monitor ang heartbeat ng baby sa tiyan ng buntis)

Tuturuan ng Provincial Health Office ang mga BHWs sa paggamit ng fetal doppler. 👶🏼

Ang mga gamit na ito ay ilalagay sa pangangalaga ng barangay health stations at ng mga barangay officials at BHWs. Pwedeng magamit ng mga mamamayan ng bawat barangay.

Ang pondo ay mula sa Office of the Governor, na siyempre ay galing sa buwis ng taongbayan.

Bahagi ito ng layunin natin na mabigyan ng sapat na kagamitang pangkalusugan ang ating barangay health stations bilang katuwang ng ating mga ospital at rural health units, para lalong masuportahan ang kalusugan at kagalingan ng bawat Romblomanon.

Happy new year!! 🩷



Paalaala po sa lahat.
26/12/2025

Paalaala po sa lahat.

Okay lang mag-enjoy sa mga panahon ngayon kasama ang mga mahal sa buhay dahil Pasko, bakasyon, at Bagong Taon. Pero pakiusap na dapat responsable tayo sa pag-inom ng alak. Hindi bababa sa 10 ang na aksidente sa motor/sasakyan na nasa mga ospital natin sa mga nakaraang araw. Mayroong 5 na kelangang ibyahe pa Manila ngayon dahil sa mga tama sa ulo at mga bali.

1️⃣ Napupuno ang ating mga ospital at ang ating mga frontliner kelangang magbyahe pa ng Manila para dalhin ang mga pasyente.
2️⃣ Gumagastos ang gobyerno para sa pamasahe ng mga ambulance at travel ng mga empleyado. Not to mention yung social cost na napapalayo pa sa pamilya.
3️⃣ Kapag may mga ambulance na paluwas pa Manila, bawas iyon sa mga ambulance na pwedeng magamit dito sa atin.
4️⃣ Sa kasamaang palad pa, may bata na nasawi dahil nabangga ng motor na ang nagmamaneho ay diuamanong nakainom. 😭

Huwag uminom ng alak ng sobra-sobra o ubos-ubos. Dapat marunong tayo magdala sa ating mga sarili. Next year ay may Pasko/holiday/Bagong Taon uli, kaya tamang inom lang.

At maging mabuti tayong kaibigan - kung halata na hindi na kayang magmaneho ng ating kasama dahil nakainom ay pigilan na natin sila, ihatid sa bahay, or patulugin na lang sa venue ng pinag-iinuman. Friends don't let friends drive drunk, ika nga.

Napakahalaga ng buhay, huwag nating sayangin dahil lang sa nakainom tayo. At ang worst part ay kung makadamay pa tayo ng ibang tao dahil sa kalasingan natin. Please lang, maging responsable tayo. Don't drive drunk.

Picture sent by HelpDesk: 2 ambulances enroute now to Manila to bring 4 patients.

15/12/2025

Paalala ng DOH sa publiko sampung araw bago ang Pasko:
✅gawing ligtas ang biyahe—maghelmet at seatbelt
✅alagaan ang puso— kumain ng tama, mag ehersisyo, ‘wag mag bisyo
✅’wag magpaputok

Sumasaludo rin ang DOH sa mga lingkod bayan na very present sa paglilingkod anuman ang okasyon.

Maraming salamat po sa inyong sakripisyo para mapanatili ang serbisyo publiko ngayong Pasko ⭐️

📢 Isang makabuluhan at matagumpay na HIV Peer Education with Community Based Screening  Training  ngayong December 3-5,2...
05/12/2025

📢 Isang makabuluhan at matagumpay na HIV Peer Education with Community Based Screening Training ngayong December 3-5,2025 ang isinagawa ng Provincial Health Office katuwang ang Department of Health (DOH) MiMAROPA para sa ating mga kabataan , g**o at Barangay Health Workers (BHW) .
Layunin ng aktibidad na palakasin ang kaalaman at kakayahan ng ating mga kababayan pagdating sa HIV awareness, prevention, early detection, at community engagement.
Sa pamamagitan ng HIV Peer Education at Community-Based Screening, mas napapalawak natin ang abot ng mahalagang impormasyon at serbisyong pangkalusugan, lalo na para sa mga kabataang nangangailangan ng tamang gabay at suporta.
🤝 Salamat sa lahat ng lumahok at nakibahagi!
Sa inyong aktibong partisipasyon, mas nagiging handa at empowered ang ating komunidad upang labanan ang stigma at mapalakas ang kampanya para sa ligtas, malusog, at bukas na talakayan tungkol sa HIV.
Patuloy tayong magsulong ng kaalaman, pag-unawa, at pag-asa.

Congratulations to our newly Certified HIV Peer Educators at CBS Motivators.. !!!!

Maraming salamat sa ating mga DOH Certified Trainers :
Mary Jane Faderogaya,
Alvin Baniago
John Mark Gaan
Regz Duco
Jason Macalisang


𝐓𝐈𝐍𝐆𝐍𝐀𝐍: 𝐏𝐚𝐬𝐤𝐨𝐡𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲: 𝐓𝐡𝐞 𝐒𝐞𝐚𝐫𝐜𝐡 𝐟𝐨𝐫 𝐭𝐡𝐞 𝐏𝐢𝐧𝐚𝐤𝐚𝐛𝐨𝐧𝐠𝐠𝐚𝐧𝐠 𝐂𝐡𝐫𝐢𝐬𝐭𝐦𝐚𝐬 𝐂𝐚𝐫𝐨𝐥𝐥𝐢𝐧𝐠, 𝐓𝐚𝐦𝐩𝐨𝐤 𝐬𝐚 𝐁𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐂𝐨𝐫𝐜𝐮𝐞𝐫𝐚! Pinan...
05/12/2025

𝐓𝐈𝐍𝐆𝐍𝐀𝐍: 𝐏𝐚𝐬𝐤𝐨𝐡𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲: 𝐓𝐡𝐞 𝐒𝐞𝐚𝐫𝐜𝐡 𝐟𝐨𝐫 𝐭𝐡𝐞 𝐏𝐢𝐧𝐚𝐤𝐚𝐛𝐨𝐧𝐠𝐠𝐚𝐧𝐠 𝐂𝐡𝐫𝐢𝐬𝐭𝐦𝐚𝐬 𝐂𝐚𝐫𝐨𝐥𝐥𝐢𝐧𝐠, 𝐓𝐚𝐦𝐩𝐨𝐤 𝐬𝐚 𝐁𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐂𝐨𝐫𝐜𝐮𝐞𝐫𝐚!

Pinangunahan ng Department of Health (DOH)–Center for Health Development MIMAROPA, katuwang ang Provincial DOH Office at ang Provincial Health Office – Health Promotion Unit, matagumpay na isinagawa noong Disyembre 3, 2025 sa Bayan ng Corcuera ang “Paskohan sa Barangay: Search for Pinakabonggang Christmas Caroling.”

Sinimulan ang programa sa pamamagitan ng serye ng komprehensibong health education lectures na pinangunahan ng mga imbitadong tagapagsalita. Tinalakay dito ang ByaHealthy: Road Safety, Iwas Paputok, Nutrition: Healthy Handaan, at WASH. Nagbigay ang mga ito ng praktikal na kaalaman at binigyang-diin ang papel ng bawat mamamayan sa pagpapanatili ng isang ligtas at malusog na kapaligiran, lalo na ngayong panahon ng kapaskuhan.

Dumalo sa talakayan ang mga Barangay Captain at Kagawad, mga senior high school students, at mga kinatawan mula sa PNP Corcuera, BFP Corcuera, WCPD Corcuera, at iba pang stakeholders. Patunay ng kanilang matibay na suporta sa adbokasiya ng kalusugan. Nasundan ito ng carolling competition, kung saan ipinamalas ng mga grupo mula sa iba’t ibang barangay ang kanilang pagkamalikhain at husay sa pag-awit. Bawat pagtatanghal ay naghatid ng diwa ng Pasko habang binibigyang-pansin ang temang Healthy Holidays ng Department Of Health.

Ang mga kalahok sa carolling competition ay tumanggap ng masiglang papremyo, kabilang ang cash prize at mga espesyal na token bilang pagkilala sa kanilang husay at paglahok

Sa kabuuan, ang “Paskohan sa Barangay: Search for Pinakabonggang Christmas Caroling” ay naging matagumpay at makahulugang pagdiriwang. Bukod sa paghatid ng kasiyahan at kulturang pamasko, pinatatag nito ang mahahalagang mensahe hinggil sa kalusugan at kaligtasan at lalo pang pinagtibay ang ugnayan ng komunidad. Sa sama-samang pagsisikap ng DOH-CHD MIMAROPA, Provincial DOH Office, Provincial Health Office, lokal na pamahalaan, at mga katuwang na institusyon, ang kaganapan ay nag-ambag sa paghubog ng isang mas may kamalayan, mas nagkakaisa, at mas pangkalusugang komunidad sa Munisipalidad ng Corcuera.

𝘔𝘢𝘨𝘪𝘯𝘨 𝘣𝘢𝘩𝘢𝘨𝘪 𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘣𝘢𝘣𝘢𝘨𝘰! 𝘐𝘱𝘢𝘵𝘶𝘱𝘢𝘥 𝘴𝘢 𝘪𝘯𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘩𝘢𝘯𝘢𝘯 𝘢𝘵 𝘣𝘢𝘳𝘢𝘯𝘨𝘢𝘺 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘯𝘢𝘱𝘢𝘨-𝘶𝘴𝘢𝘱𝘢𝘯 𝘴𝘢 𝘩𝘦𝘢𝘭𝘵𝘩 𝘭𝘦𝘤𝘵𝘶𝘳𝘦𝘴 𝘯𝘢 𝘐𝘸𝘢𝘴 𝘗𝘢𝘱𝘶𝘵𝘰𝘬, 𝘏𝘦𝘢𝘭𝘵𝘩𝘺 𝘏𝘢𝘯𝘥𝘢𝘢𝘯, 𝘢𝘵 𝘉𝘺𝘢𝘏𝘦𝘢𝘭𝘵𝘩𝘺 𝘶𝘱𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘴𝘪𝘨𝘶𝘳𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘴𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘱𝘢𝘴𝘬𝘶𝘩𝘢𝘯 𝘯𝘢 𝘭𝘪𝘨𝘵𝘢𝘴 𝘢𝘵 𝘸𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘱𝘢𝘩𝘢𝘮𝘢𝘬𝘢𝘯!






Dumadampi ang lamig ng Disyembre, pero mas mainit ang samahan at saya sa Paskuhan sa Barangay! 🌟Sa darating na Disyembre...
25/11/2025

Dumadampi ang lamig ng Disyembre, pero mas mainit ang samahan at saya sa Paskuhan sa Barangay! 🌟

Sa darating na Disyembre 3, sabayan natin ang pinaka-bonggang Christmas caroling sa Corcuera, mga tinig na nagdadala ng pag-asa, mga awiting bumabalot sa bawat tahanan, at mga ngiting nagpapatunay na ang Pasko ay mas masaya kapag magkakasama.

Tara na’t makiisa, makinig, at maramdaman ang Paskong tunay na atin.

Ano: Free Surgical Outreach Kailan: Tentative Date Last week January 2026Saan: Romblon District Hospital Magpalista sa R...
22/11/2025

Ano: Free Surgical Outreach

Kailan: Tentative Date Last week January 2026
Saan: Romblon District Hospital

Magpalista sa RDH, SDH at sa mga Health center ng Romblon Romblon, Magdiwang, Cajidiocan at San Fernando..

Dahil sa pabago-bagong lagay ng panahon hindi tayo dapat makampante at siguraduhing maging handa sa oras ng sakuna.Magha...
08/11/2025

Dahil sa pabago-bagong lagay ng panahon hindi tayo dapat makampante at siguraduhing maging handa sa oras ng sakuna.

Maghanda ng GO BAG para sa bawat miyembro ng pamilya; narito ang mga dapat lamanin ng isang Go bag.

𝐇𝐄𝐀𝐋𝐓𝐇 𝐀𝐃𝐕𝐈𝐒𝐎𝐑𝐘: 𝐈𝐧𝐟𝐥𝐮𝐞𝐧𝐳𝐚-𝐋𝐢𝐤𝐞 𝐈𝐥𝐥𝐧𝐞𝐬𝐬 (𝐈𝐋𝐈)Mag-ingat po tayo sa trangkaso o ILI lalo na ngayong pabago-bago ang panaho...
04/11/2025

𝐇𝐄𝐀𝐋𝐓𝐇 𝐀𝐃𝐕𝐈𝐒𝐎𝐑𝐘: 𝐈𝐧𝐟𝐥𝐮𝐞𝐧𝐳𝐚-𝐋𝐢𝐤𝐞 𝐈𝐥𝐥𝐧𝐞𝐬𝐬 (𝐈𝐋𝐈)
Mag-ingat po tayo sa trangkaso o ILI lalo na ngayong pabago-bago ang panahon! Ang mga sintomas nito ay lagnat, ubo, sipon, pananakit ng katawan, at pagkapagod.

𝗡𝗮𝗿𝗶𝘁𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗽𝗮𝗮𝗹𝗮𝗹𝗮 𝘂𝗽𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗸𝗮𝗶𝘄𝗮𝘀:
-Ugaliing maghugas ng kamay.
-Takpan ang ilong at bibig kapag uubo o babahing.
-Iwasan ang matataong lugar kung may sintomas.
-Uminom ng maraming tubig at magpahinga nang sapat.

Kung may lagnat o matinding sintomas, agad na magpatingin sa pinakamalapit na health center o ospital.






04/11/2025

Mag-ingat sa ILI o karaniwang trangkaso!

Magsuot ng mask, maghugas ng kamay, at iwasan ang matataong lugar.
Tandaan, simple care, big protection!




Dahil merong papalapit na typhoon sa ating probinsia, dapat tayo'y Laging handa!Alamin kung ano ang laman ng iyong GO BA...
04/11/2025

Dahil merong papalapit na typhoon sa ating probinsia, dapat tayo'y Laging handa!

Alamin kung ano ang laman ng iyong GO BAG at bakit ito mahalaga sa panahon ng sakuna.





Address

PHO Building, Tuguis, Brgy. Rizal
Odiongan
5505

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Provincial Health Office Romblon posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to Provincial Health Office Romblon:

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram