Imcg Medical and Diagnostic Center

Imcg Medical and Diagnostic Center Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Imcg Medical and Diagnostic Center, Medical and health, Jordan bldg. , Nautical Highway, Brgy. Maligaya, Gloria, Oriental Mindoro.

23/02/2022

ANG COVID AT ANG PUSO

Alamin natin ang mga epekto ng pagkakaroon ng COVID-19 sa ating mga puso ngayong Philippine Heart Month. Makakasama natin ang Adult Cardiologist na si Dr. Anna Maria Luisa D. Javier ngayong Pebrero 24, 2022 sa ganap na ika-9 ng umaga sa Facebook Live ng ating page.

Inaanyayahan ang lahat na makinig at makilahok sa talakayan na ito. Ito ay bahagi pa rin ng ating paggunita ng Philippine Heart Month.

17/01/2022
17/01/2022
During this pandemic, Are you tired of traveling for more than an hour just to have your diagnostic exams? Hussle sa bya...
15/06/2021

During this pandemic, Are you tired of traveling for more than an hour just to have your diagnostic exams? Hussle sa byahe?

Well, we have good news for you! Vascular Ultrasound studies are now available exclusively at our clinic.😊

In addition to our existing and well-grounded diagnostic examinations for accurate diagnosis and evidence-based approach, no need to go far. Just reach us and we will arrange a schedule at your convenience. Thank you, God bless, and stay safe!😊

29/05/2021

Mayor Elgin Malaluan,Thank you very Much po❤️😊

Thank you for your visit Mayor Doc Elgin Malaluan of Bongabong Or. Mdo.
27/05/2021

Thank you for your visit Mayor Doc Elgin Malaluan of Bongabong Or. Mdo.

🙏🩺
31/03/2021

🙏🩺

We thank you for trusting us❤️🩺
26/03/2021

We thank you for trusting us❤️🩺

Soon to offer, minor surgery dept. & observation room for IMCG - Gloria🩺💊
28/12/2020

Soon to offer, minor surgery dept. & observation room for IMCG - Gloria🩺💊

14/12/2020
From Roxas to Gloria... Maraming Salamat po sa inyong pagtitiwala❤️❤️❤️ IMCG-GLORIA🩺
14/12/2020

From Roxas to Gloria... Maraming Salamat po sa inyong pagtitiwala❤️❤️❤️ IMCG-GLORIA🩺

13/12/2020
12/12/2020

ALAGAAN ANG PROSTATE
Ni Doc Willie Ong

ANG prostate ay organ na kasinglaki ng castañas. Nakabalot ito sa labasan ng ihi ng lalaki (urethra).

Karamihan ng lalaking edad 45 pataas ay nagkakaroon ng bahagyang paglaki ng prostate. Ito’y dala ng pagbabago sa hormones ng lalaki kapag umeedad.

Ang sintomas ng lumalaking prostate ay ang madalas na pag-ihi, at pakonti-konti ang labas. Humihina rin ang daloy ng ihi at parang hindi kumpleto ang iyong pag-ihi. Sa mga may edad, madalas silang gumising sa gabi para umihi.

Ito ang mga paraan para alagaan ang prostate:

1. Huwag pigilin ang ihi. Mahihirapan ang iyong pantog at bato.

2. Uminom ng 8 basong tubig sa isang araw para manatiling malinaw ang iyong ihi.

3. Ugaliing kumain ng kamatis, ketchup, tomato sauce at spaghetti sauce. Mataas ito sa lycopene. Kailangan kumain ng 10 kutsarang spaghetti sauce bawat linggo.

4. Uminom ng green tea (decaffeinated) sa halip na kape. Panlaban sa kanser ang green tea at nagtatanggal ng toxin sa katawan.

5. Kumain ng pagkaing mataas sa fiber tulad ng gulay at prutas.

6. Kumain ng isda kaysa karne.

7. Umiwas sa matataba at matatamis. Iwas sa soft drinks, iced tea at cakes.

8. Umiwas sa alak at kape. Nakakairita ito ng prostate.

Natural na lunas sa prostate:

1. Saw Palmetto – Ayon sa Journal of the American Medical Association (JAMA), ang pag-inom ng saw palmetto ay nakababawas sa sintomas ng lumalaking prostate. Ang saw palmetto ay napatunayang kasing-epektibo ng gamot na finasteride (brand name Proscar) na nirereseta ng doktor.

2. May tulong din ang mga natural remedies tulad ng Pygeum, Nettle root at Pumpkin seed oil para sa prostate. Uminom din ng multivitamin na may zinc.

Medikal na gamutan sa prostate:

Kumunsulta muna sa isang Urologist bago uminom ng mga gamot na ito.

1. Terazosin (brand name Hytrin) – Mabilis ang epekto ng Hytrin na pagandahin ang daloy ng iyong ihi. Halos 1 o 2 araw lang ay may pagbabago na.

2. Finasteride (Proscar) o Dutasteride (Avodart) - Binibigay ito sa mga pasyenteng malaki na talaga ang prostate. Kailangan ito inumin ng ilang buwan bago mapaliit ang iyong prostate.

May kamahalan ang mga gamot sa prostate (halos P100 bawat tableta). Sana ay mapababa ang presyo ng gamot para mas marami ang matulungan nito.

Kapag hindi nakuha sa gamot ay may ginagawang laser treatment ang mga Urologist (iniinit ang prostate). Huwag matakot at kumunsulta sa iyong Urologist. Good luck po!

DISCLAIMER
The health advice in this forum is only for general knowledge. For your specific questions, kindly consult your personal physician. Thank you.

28/11/2020

Bakit Mahalaga ang Ihi at Kulay Nito
Payo ni Doc Willie Ong

Ang ihi ay mula sa dugo na nasala sa kidneys. Bumababa ang ihi sa ureter at pupunta sa pantog. Ang ihi ay binubuo ng tubig, dumi tulad ng urea, asin tulad ng urates, ammonia, sobrang bitamina (B at C), mineral, protina (creatinine), taba, carbohydrates at gamot na tinatanggal sa katawan.
Gusto natin na magandang kalidad ng ihi kasi ibig sabihin ay natanggal maigi sa katawan ang mga dumi.
Ang normal na dalas ng pag-ihi ay 7 beses sa loob ng 24 oras. Pero ang 4 to 10 ay ayos na din. ang normal na dami o urine output kapag sinukat ay 800 ml hanggang 2000 ml per 24 oras. Uminom ng mga 2 litro o 8-10 baso ng tubig kada araw.
Kulay dilaw ang kulay ng ihi dahil galing ito sa pigment ng dugo.
Kapag kulay p**a o may dugo sa ihi, posibleng may sakit na cystitis o impeksiyon sa pantog mula sa bacteria. May kasamang lagnat, masakit na puson, madalas umihi, at masakit paglabas ng ihi.
Ang kulay ng ihi ay depende sa tubig sa katawan. Kapag may puti ay posible na may nana o white cells o protina o taba. Pag kulay pink, p**a o brown ay may dugo.
Kapag naging red o brown, maaring sobrang bilirubin mula sa atay, o umiinom ng gamot na rifampicin.
Kung kulay orange ay dehydrated, may sakit sa atay, o uminom ng gamot na primaquine, riboflavin, vitamin B2, o INH.
Nagiging blue o green ang kulay ng ihi dahil sa gamot, dye sa pagkain o food color, o sakit na familial benign hypercalcemia.
Meron din gassy urine o may kasamang utot (pneumaturia) kapag nagkaroon ng koneksyon sa bituka at pantog tulad ng fistula, o koneksyon sa pantog at puwerta mula sa panganganak.
May pagkakataon na may kakaibang amoy ang ihi tulåd ng amoy ammonia kapag may diabetes o kumain ng bawang, spinach, mushroom, kabute, truffle, at vitamin B6.
Mahalagang paalala na kapag mabula ang ihi ay magpa-urinalysis at blood test ng creatinine para masigurado na walang protina sa ihi. Kapag may protina sa ihi ay posibleng may sakit sa kidneys. Kumonsulta sa doktor.

Meron sa GLORIA, Meron na rin sa PINAMALAYAN 😊❤️🩺
25/11/2020

Meron sa GLORIA, Meron na rin sa PINAMALAYAN 😊❤️🩺

22/11/2020

Sakit Sa Puso at Altapresyon: Paano Maiiwasan?
Payo Ni Doc Willie Ong

Doc, ano ang nakapagdudulot ng sakit sa puso?

Ayon sa American Heart Association, may 9 na sanhi ang altapresyon (high blood pressure) at sakit sa puso (heart disease and heart attack):
1. Nagkakaedad. Dumarami ang nagkakaroon ng altapresyon habang tayo ay tumatanda.
2. Mga lalaki. Mas mataas ang posibilidad na magkaroon ng altapresyon at sakit sa puso ang mga lalaki, kaya mas dapat silang mag-ingat at magpa-check up ng maaga. Mas maraming lalaki ang naninigarilyo, umiinom ng alak at ayaw magpa-check up.
3. Lahi ng pamilya. Ang altapresyon ay maaaring mamana mula sa mga magulang. Kung may kamag-anak kayo na maagang namatay sa sakit sa puso (wala pang 50 anyos). Magpa-konsulta din kayo sa inyong duktor.
4. Pagkaing maaalat at matataba. Ang maalat na pagkain ay nagpapataas ng presyon ng dugo at nagbibigay ng manas sa paa. Ang matatabang pagkain naman ay nagdudulot ng pagbabara sa ugat ng ating puso at utak.
5. Sobrang katabaan. Dahil dito, ang puso ay mas puwersadong bumomba ng dugo. Ang puso natin ay maihahalintulad sa makina ng kotse. Kapag kinargahan mo ng 2 tonelada ang kotse, masisira ang makina at gulong nito. Ganoon din ang katawan natin, kapag kinargahan mo ng taba at 30 pounds, para ka na ring nagbitbit ng 30 pounds. Masisira agad ang iyong puso at tuhod.
6. Hindi aktibong pamumuhay. Maging magalaw at maliksi. Gumamit ng hagdanan. Kung kulang ka sa ehersisyo, mas mataas ang posibilidad na ika’y tumaba.
7. Sobrang alak. Ang pag-inom ng alak ay may masamang epekto rin sa ating puso, atay, sikmura at utak.
8. Paninigarilyo. Ito ay nakapagpapakipot sa mga ugat at nagiging sanhi ng hindi magandang pagdaloy ng ating dugo.
9. Stress o tensyon. Ang stress ay nakapagpapataas ng presyon dulot ng sobrang pagkapagod ng katawang pisikal, lalung-lalo na ng isip at emosyon. Don’t worry, be happy.
Tandaan: Kung ang mga nabanggit na dahilan ay mababawasan o mababago, maaaring makaiwas sa maraming sakit. Good luck po!

IMCG-PINAMALAYAN BRANCH malapit na! Clinic* Pharmacy* Gen. Ultrasound* ECG* 2d-Echo...❤️🩺😊 Located @ zone II, Aguinaldo ...
14/11/2020

IMCG-PINAMALAYAN BRANCH malapit na! Clinic* Pharmacy* Gen. Ultrasound* ECG* 2d-Echo...❤️🩺😊 Located @ zone II, Aguinaldo st. Pinamalayan near St. Augustine Parish.

Address

Jordan Bldg. , Nautical Highway, Brgy. Maligaya, Gloria
Oriental Mindoro

Telephone

+639512821163

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Imcg Medical and Diagnostic Center posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share