
16/07/2025
๐ธ๐ ๐๐๐WALONG ๐๐๐๐๐ ๐๐ธ ๐๐ฎ ๐๐ฉ๐จ๐ค๐ฃ๐ ๐๐๐๐๐ฎ ๐๐ช๐ฃ๐๐ค ๐จ๐ ๐๐๐ก๐ช๐จ๐ค๐ ๐ฃ๐ ๐ฝ๐ช๐๐๐ฎ:
๐พ๐จ๐บ๐ฏ (๐พ๐๐๐๐ ๐บ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐
๐ฏ๐๐๐๐๐๐) ๐ท๐๐๐๐๐๐
Malinis na Tubig, Sarili, at Paligid, Pangunahing Sandata Laban sa Sakit!
Ayon sa United Nations Childrenโs Fund (UNICEF) noong 2023, halos 829,000 tao ang namamatay kada taon dahil sa mga sakit na dulot ng hindi ligtas na tubig, kakulangan sa kalinisan ng kapaligiran, at hindi maayos na personal na kalinisan.
Ang pag-iwas sa mga ganitong sakit ay nagsisimula sa pagpapanatili ng malinis na katawan. Gayunpaman, hindi lamang ito natatapos sa personal na kalinisan. Kagaya ng itinuturo ng Proyektong WASH o Safe Water, Hygiene, and Sanitation Project, mahalaga rin ang malinis na tubig at kapaligiran upang masiguro ang kaligtasan laban sa mga sakit na dulot ng kakulangan sa sanitasyon.
Noong nakaraang buwan, inilunsad sa Barangay 8 - Bangkusay ang proyektong WASH na pinamagatang โWASH Today, Safe All the Way!โ para sa mga batang nag-aaral sa Daycare Center. Pinangunahan ito ng mga Practicum Students ng BS Nutrition mula sa UPLB, katuwang ang Barangay Nutrition Scholar (BNS) na si Ms. Grace Den Bathan at Daycare Teacher, Maโam Fatima Valdellon. Layunin ng proyektong ito na ituro ang tamang kalinisan sa katawan at kapaligiran.
Bukod dito, isinagawa rin sa barangay ang programang โKamalayan sa Patubig,โ na naglalayong masiguro ang kalinisan ng tubig-inumin ng mga residente, lalo ko na ang free-flowing na pinagkukunang-tubig mula sa apat na lokasyon sa barangay.
Tingnan ang poster sa ibaba para sa ibaโt ibang aktibidad na bahagi ng Proyektong WASH. Abangan din ang iba pang inisyatibang pangkalinisan at pangkalusugan para sa isang mas ligtas, malinis, at healthy na Barangay Bangkusay!
๐ท๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ฎ๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐ฏ๐๐๐๐๐๐ ๐ฉ๐๐๐๐๐๐๐๐
#๐ฉ๐จ๐ต๐ฎ๐ฒ๐๐ผ๐บ๐จ๐