24/04/2026
URGENT: LOOKING FOR FAMILY / RELATIVES 📢📢
Magandang araw po. Humihingi po kami ng tulong para mahanap ang pamilya ng lalaking ito.
Ayon sa kanya, ang kanyang pangalan ay REY CAGAYAT taga Paete, Laguna, at may mga anak sa Batangas na sina Rhea at Agrin Cagayat.
📍 Huling nakita: Sa labas ng building ng St. Jasper Diagnostic, Pakil, Laguna
⚠️ Kalagayan:
Nilalagnat
Nanginginig kahit sobrang init ng panahon
May bukol sa likod
Tumatangging magpa-ospital kahit kinakailangan
⚠️ IMPORTANT UPDATE:
Siya po ay umalis na at nagsabing pupunta raw sa anak niyang si Rhea, ngunit hindi po kami sigurado kung doon nga siya tutungo o lilipat lamang ng ibang lugar.
Nag-aalala po kami sa kanyang kaligtasan at kalusugan.
📅 Petsa / Oras: APRIL 24, 2026 (1:00PM)
Kung siya po ay inyong kamag-anak o may kakilala sa kanyang pamilya, lalo na kina Rhea at Agrin Cagayat, makipag-ugnayan po agad:
📩 [09481859236/ St. Jasper Medical Plaza ]
Kung sakaling makita po ninyo siya, maari po sanang tulungan at hikayatin na magpatingin sa pinakamalapit na ospital.
🙏 Paki-share po para mas mabilis siyang mahanap at matulungan. Maraming salamat po.
Ps. Will take down the post when in case requested by relatives.