15/11/2025
Sa Likod ng Umaalab na Bagong Henerasyon: Pagpapasiklab sa Kakayahan ng Kabataang Mangatarem
Idinaos noong 14 Nobyembre 2025 sa Mangatarem, Pangasinan ang Youth Development Session cm 4Ps Youth Training on Leadership, Social Youth Engagement and Organizing, isang makabuluhang pagtitipon na naglalayong ihubog ang kakayahan ng kabataang benepisyaryo ng 4Ps, student leader, at mga SK officials upang maging aktibong lider at katuwang sa pag-unlad ng kanilang komunidad.
Nagbigay inspirasyon sa mga kalahok ang Welcome Remarks ni Ms. Marites P. Soriano MAT Leader, ang Activity Objectives, at ang Inspirational Message mula sa Municipal Mayor, Hon. Jensen F. Viray, kasama ang pabatid ni Ms. Nelfa Q. Evangelista ng MSWDO, gayundin na nag papasalamat kami Kay Ms. Jean Bernal ng Municipal Link/ YDS Focal Person.
Muling binigyang-diin ang kahalagahan ng kabataan sa lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng Presentation of Programs and Services ng Local Youth Development Office sa pangunguna ni Ms. Lorrie Anne Tiongco.
Sumunod dito ang Session Proper na tumalakay sa Leadership Skills, Role of Youth in Community Building, at Social Youth Engagement Activities. Pinangunahan ito nina Mr. Mark Anthony Baltazar, President ng Kabataang FPOP Pangasinan, at Mr. John Ray Bantolin, Chapter Head-Mabini, mula sa FPOP Pangasinan Chapter, sa tulong nina Jay-R Somintac, Chapter Head-Lingayen, at Crystal Mae Gamboa - Youth Volunteer.
Layunin ng programang ito na pag-alabin pa ang kakayahan at tiwala sa sarili ng kabataang Mangatarem. Sa kanilang pag-uwi, dala nila ang aral na ang tunay na liderato ay nagsisimula sa tapang, malasakit, at pagkilos, at sa kanilang mga kamay, sisibol ang mas maliwanag na kinabukasan.