16/09/2025
π’ PUBLIC HEALTH ADVISORY: Ano ang HFMD (Hand, Foot, and Mouth Disease)?
π¦ Ano ang HFMD?
Ang Hand, Foot, and Mouth Disease (HFMD) ay isang viral infection na nagdudulot ng:
β
Lagnat
β
Pantal o paltos sa kamay, paa, at minsan sa puwit
β
Sugat sa loob ng bibig o singaw
β
Panghihina o kawalan ng gana kumain
π Paano ito nahahawa?
HFMD ay naipapasa sa pamamagitan ng:
πΉ Laway
πΉ Sipon
πΉ Pagbahing o pag-ubo
πΉ Dumi ng taong may HFMD
πΉ Pagkakadikit sa mga kontaminadong laruan, gamit o ibabaw
π Ano ang dapat gawin?
β
Panatilihing malinis ang mga kamay β Regular na paghuhugas gamit ang sabon
β
Linisin at i-disinfect ang mga laruan at gamit ng bata
β
Iwasang pumasok sa eskwela o daycare kung may sintomas
β
Kumonsulta agad sa doktor kung may mga palatandaan ng HFMD
π« Para sa mga magulang at tagapag-alaga:
Kung may sintomas ang inyong anak, huwag muna silang papasukin sa school o daycare upang maiwasan ang pagkalat ng sakit. Ipatingin agad sa health center o pediatrician.
π©ββοΈ Ang maagang aksyon at kooperasyon ng lahat ay susi sa pagpigil ng pagkalat ng HFMD.
Isang paalala mula sa RHU Rosales.