11/05/2026
BLESSED AND FRUITFUL TUESDAY BROTHERS AND SISTERS!
Napakahalaga at napakalaking bagay ng pananalangin sapagkat nananalig tayo at nagtitiwala na mayroon tayong Diyos na laging handang makinig at tumugon sa ating mga hinaing at daing
Tunay na buhay na buhay Siya at nasa lahat ng dako at laging nagmamasid sa atin at laging nakatingin kaya kahit saang lugar tayo naroon ay pwede tayong manalangin
Lumapit tayo sa Kanyang trono pwede ring lumuhod agad-agad magpakumbaba, humingi ng habag at magmakaawa lalong-lalo na kung sobrang higpit ang pangangailangan natin
Sapagkat wala naman tayong ibang inaasahan kundi tanging Siya lang talaga at nawa’y maniwala tayong hindi Niya bibiguin bagkus sa takdang panahon ay makatitiyak tayong atin itong tatanggapin at kakamtin Amen!
Ang sabi ng Diyos:
JEREMIAS 29:12 Kung maganap na ito, kayo’y tatawag, lalapit, at dadalangin sa akin, at diringgin ko naman kayo.
1 TIMOTEO 2:8 Ibig kong ang mga lalaki sa lahat ng dako ay manalanging may malinis na kalooban, walang hinanakit o galit sa kapwa.
HEBREO 4:16 Kaya’t huwag tayong mag-atubiling lumapit sa trono ng mahabaging Diyos at doo’y kakamtan natin ang habag at kalinga sa panahong kailangan natin ito.
AWIT 33: 20-22
Ang ating pag-asa’y nasa Panginoon;
Siya ang sanggalang natin at katulong.
Dahilan sa kanya, kami’y natutuwa
Sa kanyang ngalan ay nagtitiwala.
Ipagkaloob mo na aming makamit,
O Yahweh ang iyong wagas na pag-ibig,
Yamang ang pag-asa’y sa iyo nasasalig!
KAPAG NASANAY NA TAYO NA LAGING NAGDARASAL TIYAK NA MAY AASAHAN TAYONG LAGING MAY DARATING AT MALAMANG DIN NA MASANAY TAYONG NAGPUPURI, NAGPAPASALAMAT AT NAGBIBIGAY SA DIYOS NG PARANGAL AMEN! O PANGINOONG DIYOS NAMING MAKAPANGYARIHAN SASAMBAHIN KA NAMIN AT LAGING PAPUPURIHAN HALLELUJAH!
PLEASE COPY PASTE AND SHARE THANKS AND GOD BLESS!